[ 27 ] Game

49K 563 53
                                    

Chapter 27: Game


"Oi, tumatawag si Aine. ikaw na sumagot!" Sigaw ni Spencer.

Magkasama sina Spencer at KL ngayon. Nang makita ni Spencer na may tumatawag ay iniabot niya ang phone ni KL na kinuha din naman agad ni KL.

"Bakit kaya sila tumatawag?"

"Sagutin mo kaya para malaman mo!"

"Bakit ang init ng ulo mo?! Teka nga."


Sasagutin na sana ni KL ang tawag pero biglang natapos ang tawag. Napansin ni Spencer ang pagkadismaya sa mukha ni KL.


"Oh? Ano'ng nangyari?"

"Biglang inend call, eh."

"Ang dami mo pa kasing sinasabi. Hindi mo na lang sinagot kaagad!"

"Pwede naman na ikaw ang sumagot! Ako pa 'yong gusto mo na sumagot. Phone mo naman 'yon. Teka nga, may problema ka ba sa 'kin?! Kanina mo pa ako sinisigawan ah?!"

"Bakit ang ingay mo?"

"Nakakainis ka kasi, Spencer! Dyan ka na nga!"

"Phone ko?"

Ibabalik na sana ni KL ang phone ni Spencer pero nakita niya na tumatawag ulit ang kaibigan.

"Teka, tumatawag ulit si Aine."


Madaling sinagot ni KL ang tawag.


"Spencer!"

"Aine, si KL 'to. Teka, bakit ka sumisigaw? Ano'ng nangyari?"

"I have a plan, a very very good good plan. Nandito kasi ngayon si Shane or should I say, Jin, sa bahay ni Gab. Nagulat nga kami kasi pagdating namin, suot niya 'yong damit ni Gab tapos parehas pa na basa ang mga buhok nila. Ah, basta! Hindi ko din alam ang nangyayari."

"Nasaan ang plano dun?"

"Ito ang naisip namin ni Steven. Since kayo ang nakaassign na bumili ng alak, maglalaro tayo mamaya. Medyo lalasingin natin yung dalawa tapos--"

Nagtaka siya nang maputol ang sinasabi ni Aine pero nanatili siyang nakikinig sa kabilang linya para malaman ang kasunod na sasabihin ni Aine. Inagaw ni Steven ang phone ni Aine para siya na ang kumausap. Naatat kasi ito dahil alam niya na kapag babae ang nag-uusap, madami pang hinahalong kwento.

"Akin na nga 'yan!"

"Ano na?"

"Oi, KL."

"Bakit, Steven?"

"Lasingin natin sina Gab tapos maglaro tayo ng truth or dare mamaya. Sa huli, ikukulong natin sila sa loob ng isang kwarto."

"Ano ba ang gusto niyong mangyari at naisipan niyong gawin 'yan?"

"Ano pa nga ba? Edi para magkabalikan sila."

"Baka magalit sa 'kin si Shane."

"Ngayon lang naman 'to. Sige na, aasahan kita! Ge, bye."

"Wait!"

Madali siyang binabaan ng phone ni Steven para hindi na siya makaangal pa. Hindi alam ni KL kung dapat niya bang tulungan sina Steven o hindi. Gusto niya din kasing magkabalikan sina Jin at Gab pero kapag nalaman ni Jin na damay siya sa plano ay magagalit ito sa kanya.

Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon