Chapter Fifty-Four

38.5K 1K 266
                                    

Severed by a short life

"Let's Go" binuhat naman ni Edward ang bag na dala ni Lyn dahil nakita niyang buhat buhat niya ang bata sa kanyang kamay. Sa huling sandal ay napatingin siya sa kanyang bahay kung saan siya lumaking mag-isa. Ito na siguro ang huling beses na makikita niya pa ito.

"Don Juanito might be waiting" sabi naman ni Edward upang sumakay na siya sa sasakyan.

"Im glad it's a boy" ani pa ni Edward nang magsimula niyang paandarin ang sasakyan. Napangiti naman si Lyn habang nakatitig sa kanyang baby na mahimbing ang tulog.

"Medyo iyakin nga at para bang laging nag-hahanap ng atensyon. Habang tumatagal nakikita ko si Don Juanito sa kanya" habang nag-sasalita naman si Lyn ay hindi mapakali si Edward.

The baby is the real deal. Tiyak na magbabago ang laman ng last will and testament ni Don Juanito kapag nalaman niyang mayroon itong anak kay Lyn.

Taking care of Lyn alone is easy. But Lyn having a baby is a different thing. Hindi naman niya pwedeng alisin na lamang ang bata sa kanilang buhay. He is bad, but not like this. He wouldn't do that.

Napansin ni Lyn ang pagbagal ng pagpapatakbo ng sasakyan ni Edward.

"Sandali lang" nauutal na saad naman ni Edward at lumabas ng sasakyan.

Nanginginig ang mga kamay nitong idinial ang number ni Amara ngunit hindi ito sumasagot. Sa ngayon ay hindi na niya alam ang kanyang gagawin sa mag-ina. Bringing them to Don Juanito is not the choice he will make. Kailangan niyang pagtakpan ito hanggat sa dumating ang panahon na mawala na ng tuluyan si Don Juanito.

"Damn it!" napasabunot ito sa kanyang ulo.

"Ano ito?"

Nang makabalik siya sa kanyang sasakyan ay nakita niyang may hawak si Lyn na papel.

"Ito iyong ginto? Ito iyong..kinaroroonan ng mga ginto?" nanginginig ang bibig ni Lyn na humarap kay Edward.

"Bakit nasa sa 'yo ito? Nasan ba si Juanito ano ba talaga ang nangyayari sa kanya!" Napasigaw ito. Pilit na inagaw ni Edward ang papel na nag-lalaman ng sketch kung saan nakatago ang gintong naipon ni Don Juanito.

"Shut Up!" tuluyan nang nagalit si Edward.

"Wala kang makikitang ginto dahil hindi para sa 'yo ito!"

"Hindi para sa akin ang ginto dahil ipinangako ni Don Juanito na para sa San Silvestre ang mag gintong ito!"

"At kung wala nang ibang nakakaalam kung nasaan iyon, siya lamang at ako. Bakit nasa iyo iyan?" sinubukang agawin ni Lyn ang papel ngunit dahil karga niya ang bata ay limitado ang pagkilos niya.

"Isang buong taon nang walang balita si Don Juanito sa 'yo. That makes you nothing to him now. Kaya kung papatayin kita ngayon dito ay okay lang" bigla na lang nanlisik ang mga mata ni Edward. Nakaramdam ng takot si Lyn dahil ngayon niya lang ito nakitang nagalit ng ganito.

"Hayup ka! Matapos ka niyang ituring bilang tunay na anak, ito ang gagawin mo sa kanya?" Tuluyan nang tumulo ang luha ni Lyn.

"He's going to die anyway. Wala ka nang puwang sa buhay niya"

Nagkaroon ng pagkakataon si Lyn na makalabas ng kotse kaya naman tumakbo ito ng mabilis. Hindi niya alam kung hanggang saan ang kayang gawin ni Edward ngayon. But all she knows is that their lives is not safe with him. Nakita niya mula sa kalayuan ang pag-labas ni Edward sa sasakyan kaya binilisan pa niya ang pag-takbo.

The Boss and his TwinsWhere stories live. Discover now