Chapter Thirty-Nine

48.2K 1.7K 485
                                    

The Other Knight

Nagising si Lyan dahil sa sinag ng araw mula sa kanyang bintana. Kakaiba ang pag-sikat  ng araw dito, Sobrang maliwanag. Mabilis lamang niya inihanda ang kanyang sarili. Naligo lamang siya at nagsuot ng polo blouse at naka palda hanggang tuhod. Naalala niyang ngayon ang kanilang huling araw at nakatakda na mag-tutungo sila ng Vigan ngayon.

Nang lumabas siya ay napansin niyang tahimik ang Resort, kaya naman dumiretso kaagad siya sa Front Desk.

"Miss Nasaan po sila Sir Chase?" Tanong naman nito.

"Ay! Oo nga pala, Nauna na po sila kasama ang kambal at si Miss Hana. Hinatid mo sila ni Sir Kim. May katagpo daw si Sir Chase at hinahabol niya po iyon. Pero may susundo daw po sa inyo."

Napatingin naman si Lyan sa may entrance dahil mayroong Puting Kotse na tumigil doon. Iniluwal nito ang isang lalakeng nakasuot ng itim na long sleeves.

"Ms. Lyan?" Tinuro naman ni Lyan ang kanyang sarili nang tinawag siya ng lalake.

"Pinapasundo po kayo ni Sir Chase, kasama niya po ang mga kambal."

"Kala ko si Sir.. Kim" mahinang saad naman ng babaeng nasa Front Desk.

"Tara na po"

Sumama si Lyan sa lalake at sumakay siya sa kotse. Hindi pa nga nito naisasarado ang pintoan ng kotse ay umandar na kaagad ito ng mabilis.

"So How is Ilocos, So far?" Napapitlag na lamang siya nang may marinig siyang boses na hindi pamilyar sa kanya. Nang lumingon siya sa kanyang tabi ay nakita niya si Kalix na kasalukuyang nakatutok sa kanyang Tablet.

"K-Kalix? Teka Bakit ikaw ang nandito?" Napakunot na tanong naman ni Lyan.

"Gusto lang sana kitang makausap pero pakramdam ko mahihirapan ako kapag hindi ako magdadahilan" Isinarado naman ni Kalix ang kanyang tablet at ngayon ay tumitig na siya kay Lyan.

"Manong bababa po ako" ang sabi naman ni Lyan at akmang bubuksan ang pintoan ngunit parang walang naririnig ang driver at mas binilisan pa nito ang pagpapatakbo niya ng sasakyan.

"We will just talk." Tinabig ni Lyan ang kamay ni Kalix na akmang hahawak sana sa kanyang mag kamay na nakapatong sa kanyang hita.

"I like your hair. Medyo curly" Lalo pa siyang nanigas sa takot nang hawiin ni Kalix ang kanyang buhok.

"Ano bang sasabihin mo. At pwede bang itigil mo na itong sasakyan?"

"Relax. I'm not doing anything to you"

Tumigil nga ang sasakyan ngunit sa liblib na lugar. When Lyan tried to open the door of the car, it was locked.

Bigla namang nakaramdam ng hilo si Lyan matapos niyang maamoy ang inispray sa kanya ng driver.

"Make it fast." Narinig niya lamang saad ni Kalix sa kanyang tabi. Hilong hilo na siya ngunit naririnig pa niya ang boses ng Driver at asi Kalix. Naramdaman niya ang pagbukas ng pintoan sa kanyang kinauupuan at ang paghawak sa kanya ng driver. No matter how much she tried to stop him, she couldn't. Para bang namamanhid na ang kanyang mga katawan at hindi na siya makagalaw. Naramdaman pa niya ang pag-labas ni Kalix sasakyan.

"Huwag...Huwag po" Nag-mamakaawang saad nito nang maramdaman niyang inaalis na ng lalake ang buttones ng kanyang damit.

**

Calle Crisologo maintains its beauty over the years.  Napakaganda ng preserved structure ng buong Lugar. Vigan maybe is popular because of this old vintage city. Kaya naman dinadayo nga talaga ang lugar na ito. Chase has been smiling while following his twins lead. Parang hindi sila napapagod sa pamamasyal.

The Boss and his TwinsМесто, где живут истории. Откройте их для себя