Chapter Thirty-One

52.3K 1.6K 476
                                    

No place for the second ones

"I'm taking this away.." Nang marinig ni Lyan ang boses ni Chase mula sa mga kwarto ng mga bata ay napabalikwas ito ng takbo papunta doon.

"Daddy!" Napaluhod sa sahig si Jin at Jana na nadatnan ni Lyan. Nakita naman ni Lyan na hawak-hawak ni Chase ang tablet ng mga bata.

"Kaya pala hindi kayo lumalabas at bumababa kapag tinatawag kayong kumain na dahil abala pala kayo sa Tablet. Hinihintay niyo na lang na dalhin ng Ate Lyan niyo ang pagkain ninyo?" Napansin naman ni Lyan ang inis sa boses ni Chase.

"Sir." Kaagad naman na lumingon si Chase sa kanyang likod ng marinig niya ang boses ni Lyan.

"Bakit mo pinagtatakpan ang mga bata? Dapat sinasasabi mo sa akin ang mga ganitong bagay. If you can't scold the twins then that is my part to do." Mistulang napako si Lyan sa kanyang kinauupuan sa sinabi ni Chase. Agad ding umalis si Chase sa silid ng mga bata. Nag-alala siya habang nakatitig sa mga bata. Bumabalik na naman ba ang distansya sa kanilang mag-aama?

Ngayon lamang niya naalala na hindi pala pumapasok si Chase ng weekends. He started taking the weekend off kamakailan lang at nabisto na nga niya ang ginagawa ni Jin at Jana.

"Ang Youtube ko..." Napahikbi sa iyak si Jin habang nakatulala ito na para bang binagsakan ng buong mundo.

Hindi naman lingid sa kaalaman ni Lyan na masyado nang na-addict ang dalawa sa panonood ng youtube videos, hindi lamang iyon kamakailan lang ay natuto na rin silang mag-download ng mga apps. Nahuli niya rin ang dalawa na nag-lalaro ng kung ano-anong games.

"Tama na, Daddy is right okay? Hindi pwedeng buong araw kayo nakatutok sa gadgets." Sinubukan naman ni Lyan na awatin ang dalawa sap ag-iyak ngunit lumakas pa ang kanilang pag-hagulgol.

Hirap na pinakain ni Lyan ang mga bata ng pananghalian. Nagmumokmok pa rin ang mga ito dahil hindi nila matanggap na kinuha na nga ni Chase ang kanilang Tablet. Nakaramdam din si Lyan na maske sa kanya ay nag-tatampo ang dalawa.

"Miss Lyan." Nakarinig ito ng katok sa pintoan ng kwarto ng mga bata nang mapalingon siya doon ay nakita niya si Kim na sumilip.

**

Nagulat na lamang si Lyan kanina nang makita niya sa baba si Kim na nakasakay sa isang E-Jeep na ginagamit upang mag-libot sa buong Lupa na sakop ng mga bahay ni Chase. This is more convenient than using a vehicle. Dahil hindi ito gumagamit ng gasoline.

Nang makababa si Lyan at ang mga bata ay nakakita sila ng malawak na bakanteng lote. Sa tabi ng loteng iyon ay may isang Bahay Kubo na hindi gaanong Malaki.

Nakita niya ang dalawang lalakeng nagbubuhat ng mga sakong galing sa isang truck.

"Oops. Stop." Akmang papasok na sana sila Lyan sa gate nang bigla nilang nakita si Chase na papalapit sa kanila. Nag-taka naman kaagad si Lyan nang makita niya itong nakasuot ng jumper at naka suot ng salakot. He is even wearing a boots. This scene looks so familiar to her.

"Mr. Jin Buenavista and Ms. Jana Buenavista. You have to wear this uniform" Lumuhod naman siya sa harapan ng mga bata at inbinigay sa kanila ang mga damit na hawak niya at may dalawang salakot itong ipinatong sa ulo ng mga bata.

"Daddy, what is this?" ang tanong naman ni Jana.

"We are going to plant vegetables today. "

"Oh? Like the vegetables that we eat?" nanlaki naman ang mga mata ni Jin.

"Yes. Today you are Jin and Jana, the farmers. "

Nagulat naman si Lyan nang biglang lumiwanag ang nakabusangot na mukha ng mga bata. She couldn't help but to feel so amused as to his idea. Now she is getting it. This was Chase's plan to cheer up the kids and help them forget their addiction to gadgets.

The Boss and his Twinsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن