Chapter Twenty-three

50.8K 1.5K 69
                                    

It's just me, For those years...

"Sir, Goodmorning po" Maglalakad na sana palabas si Lyan ngunit nakita niya si Chase na nag-mamadaling bumaba sa hagdanan.

"Mag-papaalam lang po sana ako, Sir. Lalabas lang po ako dahil nga po day off ko ngayon."

Ngunit napabaling naman kaagad ang atensyon nito sa kanyang Telepono. "Okay Sige. Sige" tanging sabi lang naman nito bago siya tuluyang nag-lakad palabas.

Dahil day off naman niya. Naisipan ni Lyan na mamili ng mga gamit na maari niyang ipasalubong sa kanyang mga kapatid kapag uuwi na siya.

She had a chance to visit Arizalde. Dati ay sa TV lang niya napapanood ito. Dahil siya ay nakatira sa San Silvestre, na binansagang lugar ng mga mahihirap sa San Vidad.

"Wow!" Napatingin si Lyan sa isang Shop na puno ng nag-gagandahang damit. But when she saw the price agad naman itong naglakad ulit.

Nagulat na lamang si Lyan nang bigla siyang nadapa sa sahig dahil mayroong tumulak sa kanya. Nang makatayo ito ay nawala na ang kanyang hawak na wallet.

"Hoy! Magnanakaw!!" Tumakbo ng mabilis si Lyan sa pag-aakalang mahahabol niya ito ngunit nagsimulang dumagsa ang tao sa mga lugar na dinadaanan niya.

Unti-unting bumagal ang kanyang takbo dahil hinihingal na siya. Naroon pa man din sa pitaka ang kanyang sweldo na sana ay ipapadala niya sa kaniyang Ina.

"Stay here." Nagulat siya nang biglang sumulpot si Ian sa kanyang harapan. Hindi na siya nakapag-salita dahil agad na tumakbo ang binata ng mabilis.

Umasa siyang makikita niya si Ian sa mga taong dumadaan na pabalik na dito. Ngunit ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi na niya nakita si Ian.

Nang sa wakas ay nakita nga niya si Ian na papalakad palapit sa kanya ay sinalubong niya ito kaagad.

"Here" Hinihingal na saad naman nito nang mai-abot sa kanya ang kanyang wallet. Nangilid ang luha ni Lyan nang tinaggap niya ito.

"Siraulo 'yon ah. Dito pa mismo sa Arizalde mag-iisnatch." Napatigil naman si Ian nang makita niyang nakatitig lamang si Lyan sa kanyang wallet.

"Hey, nakuha ko na diba? Huwag ka nang maiyak. Lalo kang mag-brebreakdown niyan" Hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanyang hawakan ang balikat ni Lyan. But something just snapped inside him upon touching her.

Parang tinutusok ang kanyang damdamin nang makita niya ang mata ni Lyan na may namumuong luha.

Is this how painful to see a girl cry?

"Salamat. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ito." Yinakap naman ni Lyan ang kanyang wallet.

"Mukhang nahalata niyang Hindi ka taga dito. " Napailing iling pa si Ian. "At huwag ka masyadong mag-alala kung mananakawan ka. Mayaman naman ang amo mo. "

"Pero, sayang din ito. Ang laking pera pa naman nito"

Natahimik na lamang si Ian. Bakit pa niya ikukumpara ang halaga ng pera. Marahil ay malaking bagay na ito sa kanya dahil pinaghirapan niya ito. Ian just receives projects at agad na milyon na ito.

"Tama, Kaya naman may kapalit iyong paghabol ko sa snatcher mo" Napa-angat ng titig si Lyan sa kanya.

"Ah! Oo sige, ililibre kita!"

"Nope" Napailing-iling na sabi naman nito. "May Business Ball ngayong gabi, tapos dapat ay hindi na ako pupunta pero, matatalakan ako ng Ate ko" biglang naging problemado ang hitsura ni Ian kaya naman naalarma si Lyan.

The Boss and his TwinsWhere stories live. Discover now