Langhap na langhap ko pa ang mga ala-ala ko dito sa Laketon. Pinag masdan ko ang lugar at ganun parin ang postura ang pinag kaiba nga lang
ay mas bago ang mga gamit hindi tulad dati.
"Sino ka? Anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat nasa bakasyon kayo?" Napalingon ako sa aking likuran ng may nag salita. "Andy? Kuya Andy?" Sambit ni Blake. Nag lakad naman ito papalapit sa akin. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong nento.
Huminga naman ako ng malalim. "Andy nalang, tutal isang taon lang naman ang agwat naten." Sambit ko. Nag lakad ako papunta sa kanya. "Kailangan ko ng tulong mo." Deretsyo kong sambit.
Agad naman niya akong pinasunod sa kanyang office.
"Kamusta ka pala Blake? Pag mamay-ari mo na ang Academy ng dad mo." Sambit ko. Ngumit naman ito. "Hindi talaga dapat ito sa akin. Dapat kay Spade ito kaso tumanggi siya dahil may importante daw siyang gagawin. Ikaw? Kamusta?" Sagot nito.
Eto, hindi ayos.
"Ayos lang." Sagot ko. "Ano po palang tulong ang gusto niyo? " Tanong nito. "Ang inaanak ko ay nag aaral dito. Si Angela Yuri ng 3-C. Nabanggit niya sa akin na may nangyayareng patayan dito. Ikaw ba ang may pasimuno?" Tanong ko sa kanya.
Tumawa naman si Blake. "Hindi. Hindi ko gagawing basura ang Academy ko. Hindi ko ito igagaya sa ginawa ni George Laketon." Sagot nento. "Kailangan ko ng tulong mo para mahanap ang mga killers ng school mo! Kailangan ko ng mga list of profile ng 3-C" sabi ko. Ngumiti naman ito. "Sige Andy, ibibigay ko. Sawa na den akong mag saway sa 3-C dahil ang patayan ay naaabot sa kabilang section. Ang 2-A." Sambit nento. Tumayo naman ito at pumunta sa cabinet niya.
2-A? Nadadamay sa patayan? Bakit? Hindi ako matalino pero isa lang ang ibig sabihin nento. Isa sa mga 2-A ay killers. Pero bakit nadadamay ang 2-A kung ang laro ay naka pokus sa 3-C?
Kinuha ni Blake ang isang kahon at inilapag sa lamesa.
"Nag iisa lang ang copy ng mga profiles ng 3-C. Ipapaubaya ko sayo ito Kuya Andy. Nag mamakaawa ako ingatan mo itong files na ito dahil eto nalang ang natitirang profiles ng 3-C. Nawawala kase ang isa, mag kakasama ang profiles lahat ng mga nag daang 3-C noon." Sambit nito at ibinigay sa akin ang folder. "Ibalik mo den sa akin sa araw ng pasukan."
Nag paalam na kami sa isat-isa at pumasok na ako sa kotse. Tumingin ako sa aking orasan at alas tres na ng tanghali. Makaka uwi ako mga 6 ng gabi dahil mas malayo ang Laketon sa bahay nila Blake at sa bahay ko. Buti nalang at andiyan ung Gian ni Yuri na nag hahatid sundo sa kanya na may dalang kotse.
Mag aalasingko na ng gabi at malapit na ako sa bahay ngunit traffic dahil malapit na nga ang pasko. Tiningnan ko ang files. Binuksan ko ito at agad na bumungad ang profile ng isang estudyante na nag ngangalang Paula Ortega.
Ortega? Isa sa mga 3-C noon? Ka batch ni Luna? Ang sumunod naman ay si Lloren Thompson Valdez Ong. Siya naman ay isang Ong. At isa isa kong tiningnan ang mga files.
Iisa lang ang napansin ko. Lahat sila ay konektado sa mga estudyante ng 3-C noon.
Hindi kaya?
Nagulat naman ako ng bumusina ang kotse sa likod ko. Greenlight na pala.
Ala sais ay nakarating ako sa bahay. Binuksan ko ang pinto at madilim na sala ang bumungad sa akin. Binuksan ko ang ilaw at laking gulat ko ng madatnang makalat ang loob. Inilapag ko ang mga files sa lamesa ng sala ko. Agad akong pumunta sa kuwarto kung saan ko iniwan si Yuri.
Wala na siya sa loob.
Hanggang sa nakarinig ako ng pag hinga sa aking likod. Agad akong lumingon at nagulat ako ng nakita si Yuri na nakatayo at may hawak na kutsilyo.
Bago pa ako makapag salita ay tinusok na ni Yuri ang kutsilyo sa aking dibdib. Binaon niya ito ng malalim.
"Y-yuri..." Sambit ko sa kanyang pangalan. Napaluhod ako at napahiga. Hinugot ni Yuri ang kutsilyo sa aking dibdib at pinag sasaksak niya ako paulit-ulit.
"You fucking rape me because I look like ate Denisse! You're a bad man!" Sigaw ni Yuri. Hanggang sa unti unting nawawalan ako ng hininga.
Ilang segundo pa... Nag dilim na ang buong paligid...
Hindi nga ako makakaligtas sa pangalawang buhay ko. Akala ko si Ash ang papatay sa akin, yun pala ay ang babaeng inutusan akong gahasain siya pero hindi ko ginawa.
Wag ka talagang gagawa ng masamang biro kung ayaw mong karmahin ng kadiliman...
X....................
YOU ARE READING
Class 3-C Has A Secret 3
Mystery / Thriller'New Batch, New School, New Secrets' Class 3c Has A Secret 3 (Fanfiction)
C18: DaVacation of Andy
Start from the beginning
