"It supposed to be fun."
-----------------X
ANDY'S POV
Sinarado ko ang pinto ng kwarto niya bago nag lakad papuntang sala. Huminga ako ng malalim, pero kailangan kong ipalabas na ginahasa ko siya kung hindi papatayin niya ako. Pangalawang buhay ko na ito at baka matuluyan pa ako kapag nangyareng tatlong beses akong mamatay.
Gusto niyang umuwi si Yuri sa kanila at gumawa ng sorry kaya niya ako binayaran ngunit malabong mangyare ang bagay na iyon. Binuksan ko ang ref at kumuha ng pitsyel ng tubig at isinalin sa basong kanina ko pa hawak.
Tumunog ang doorbell ng bahay ko kaya alam kong may bisita ngunit hindi ko alam na may bisita palang darating. Ibinaba ko sa lababo ang baso ko at tinungo ang pinto. Binuksan ko ito at hindi ko inaasahan ang makikita ko sa tapat ng aking bahay.
"Ash?"
"Long time no see Andy." Sambit ni Ash. Ganoon parin ang itsura niya ngunit nag karoon lng siya ng balbas at humaba at kumapal ang buhok niya. "Ash? A-anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat nasa kulungan ka?" Nauutal kong sambit. "Prison isn't my place, hell is. Tyaka d na nila ako kailangan roon. Pinalaya na ako." Sambit niya.
Imposible! Hindi siya dapat agad makakalaya dahil pumatay siya ng halos 30 students noong 2010! Dapat mabubulok pa siya sa kulungan! 8 years na siyang nakakulong, na dapat 31 years bago siya makalaya.
"Wag kang mag alala Andy. Andito ako hindi para mang gulo, kundi para bisitahin ka." Sambit nito at ngumiti. Medyo nakilabutan ako sa ginawa niyang pag ngiti.
Naalala ko nanaman, naalala ko kung paano ako pinalibutan ng kadena sa aking leeg at tyaka inilubog sa tubig. Naalala ko kung paano nila kaming tangkang patayin. "Papatayin mo na ba ako ng tuluyan Ash?" Sambit ko. Ngumiti naman ito at lumapit sa akin. Tinapik niya ang aking balikat. "Gusto mo ba?"
Nangibabaw ang katahimikan sa pagitan namin at naputol agad ito ng bigla siyang tumawa. "Hindi. Andito ako Andy para sabihin sayong buhay ang minamahal mo at siya ang nag palaya sa akin." Sambit nito na ikinagulat ko. "Bu-buhay si Denisse?" Gulat kong tanong. "Hindi si Denisse, kundi si Monica." Agad akong napatahimik sa sinabe niya.
Imposible. Nakita ko mismo kung paano siya patayin ng isang lalakeng nakahood.
Si Monica ang naging girlfriend ko nang matapos ang patayan sa batch namin. Kababata ko si Monica na nasa ibang bansa noon. Siya ang kauna-unahang tao na nakita ko sa pag gising ko matapos nilang subukang patayin ako. Hanggang sa naging kami, at hanggang sa na bawian din agad siya ng buhay.
"Imposible! Nakita ko siyang namatay! A-at siya ang nag bayad sayo, para makalaya ka?!!" Gulat na tanong ko sa kanya.
Hindi ko naiintindihan ang mga nanyayare sa panahon ngayon. Bakit tila nag kokonektado ang mga nakaraan namin ngayon? Bakit sila bumabalik? Bakit nila tinatago?
Anong nangyayare?
"Oo Andy, siya nga. Gusto mo ba siyang makita?" Tanong nito at agad na ngumiti.
Hindi ko maintindihan si Ash dahil hindi naman siya pala ngiti noong mag kaklase pa kami. "Ngunit sa tingin ko, hindi na muna ngayon." Sambit nito. "Andy. Tandaan mo na hindi lahat ng nangyare dati ay natapos na, babalik at babalik sila dahil lahat kayo ay nakatali sa kamay niya." Sabi nito at agad na umalis sa tapat ng pinto.
YOU ARE READING
Class 3-C Has A Secret 3
Mystery / Thriller'New Batch, New School, New Secrets' Class 3c Has A Secret 3 (Fanfiction)
