C15: AXHRA

601 15 0
                                        

"Bring back memories bring back you."
............................

YURI'S POV

Tumapat ako sa salamin at inayos ang damit ko. Pinalitan ko na ito ng t-shirt at shorts dahil hindi ako sanay na mag all black lalo na at ang araw ngayon ay tinatawag na curse day dahil Friday the 13th. Ngumiti ako sa salamin at nag lagay ng lipstick na red. Habang pinapahid ko ang lipstick sa aking labi ay nadiinan ko ang pag kakalagay dahilan para maging isang kulay dugo ang labi ko.

"Tama na Angelica! Tama na!!"

Nagulat ako ng narinig ko nanaman ang mga salitang iyon. Paulit ulit nalang na nag pla-play ang boses niya niya sa utak ko na tila nasa harapan ko talaga siya.

"Babalikan kita Angelica, babalikan kita!!"

Nagulat ako ng nabali ko ang lipstick sa sobrang diin ng pag kakalagay ko. Agad na bumagsak sa sahig ang kalahati ng lipstick na nabali at sa pag kahulog nito ay agad itong nag crack at kumalat ang mga pieces na ito sa sahig. Agad akong napaatras nang may naalala nanaman ako. Napabagsak ako sa lapag at napatingin ako sa salamin na nasa harapan ko.

Nakita ko ang sarili ko na puro dugo mula ulo hanggang paa. Tumayo ang balahibo ko sa aking batok na tila ba may masamang mangyayare. Simula nang nag pakita si Heather sa akin dito sa Laketon hindi ko na maiwasang tanggalin sa isip ko ang mga nagyare noon. Ang ginawa kong kademonyohan sa kanya 8 years ago. Ibinaon ko na sa lupa ang sikreto kong iyon pero muling bumangon sa hukay ang sikreto ko nang nakita ko si Heather.

Nang dahil sa pangyayareng iyon lumakas ang self confidence ko, naging mataray ako at hindi ko na hinayaang tapakan ako ng ibang tao. Pero nang dahil roon ay natakot narin ako sa dugo. Dahil sa tuwing nakakakita ako ng dugo nakikita ko ang dugo ni Heather.  "Yuri?" Napatingin ako sa lalakeng tumawag ng pangalan ko. Agad siyang tumakbo palapit sa akin at tinulungan akong maka tayo. "Salamat Gian" Pag papasalamat ko sa kanya.

Inalalayan niya akong makalabas sa CR kahit sabi ko na kaya ko naman ang sarili ko pero hindi siya nag pa tinag. Medyo dumidilim na sa labas dahil mag aalasais na rin ng gabi. "Sigurado kang ayos ka lng talaga?" Tanong nito sa akin pero nginitian ko lang siya. Pumasok kami sa loob ng isang classroom para mag pahinga daw muna. Nag tataka ako dahil tinanong ko siya kung bakit hindi pa siya uuwi pero sabi niya may hinihintay daw siya kaya mauna daw muna ako. Pero sabi ko sabay nalang kami kaya ayun sabi niya mag stay muna kami dito sa loob ng Laketon.

"Ayaw mo ba talagang sabihin kung anong nangyayare Yuri? Alam mo naman na mapag kakatiwalaan mo ako diba?" Tanong sa akin ni Gian. Tumingin ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. "Oo mapag kakatiwalaan kita pero hindi ko alam kung mapag kakatiwalaan kita sa sekreto ko." Sambit ko sa kanya. Tumingin ito sa mata ko bago ako halikan sa labi. "Yuri, ngayon lang kita nakitang ganto, tahimik at tila may bumabagabag sa isipan mo kaya nag aalala ako sayo. At kung ano man yang sekreto mo ikaw parin ang mamahalin ko." Sabi nito sa akin. Ngumiti ako sa kanya.

Siguro naman mapag katiwalaan ko siya dahil boyfriend ko siya. At mukha namang hindi niya sasabihin ang mga sasabihin ko sa kanya tulad nang pag huhunting namin kay Paula at sa mga Killers. Inayos ko muna ang boses ko dahil medyo mahaba haba ang sasabihin ko sa kanya.

2011, November 21 (Saturday)

Masaya kaming lahat dahil mag dedecember na at mag papasko na. Unting tiis na lang at tapos na rin ang klase. Ngumiti ako habang nag lalakad papuntang playground dito sa Greenhills. Dito daw kami mag kikita-kita nang Axhra. AXHRA yan ung pangalan ng squad namin. Nabuo ung pangalan na Axhra dahil pimag sama sama namin ang mga first letter ng Pangalan namin.

Class 3-C Has A Secret 3Место, где живут истории. Откройте их для себя