" You can't retrieve your lost memory, unless you're faking it. "
-----------------------------X
GAIL'S POV
Mabilis ang pag mamaneho ni Silver ng kotse niya habang seryosong nakatingin sa dinadaanan namin.
"Silver! Ano ba, sagutin mo nga ako! Sino itong babaeng ito! Bakit puno soya ng putik at may sugat pa ang ulo niya!"
Nag flashback bigla ang pag kakaparehas na sinaryo noong 5 years ago. Kung dati ay hindi ko alam kung sino ang babaeng hinukay namin sa lupa at niligtas, ngayon kilala ko na.
"Damn you Silver! Bilisan mo ang pag mamaneho!" Sambit ko. Hanggang ngayon nasa loob parin ng trunk si Paula, nag hihingalo.
Wala akong ideya kung paano napunta si Paula sa trunk ng kotse ni Silver, basta alam kong may nag lagay sa kanya roon.
Dahil kanina habang paalis ako ng Laketon nakita ko si Silver na nag lilingon-lingon sa paligid niya at isang tao ang nag lakad padaan sa kotse niya at binuksan ang trunk ng kotse niya. Kaya agad akong tumakbo papunta sa kanya at doon ko nakita na si Paula pala ang nasa loob ng trunk.
Hindi ako naniniwala na si Silver ang may gawa nun, dahil kilala ko siya, dati pa.
Pero wala dapat makaalam dahil sa oras na may nakaalam kung anong laman ng trunk ni Silver, maaring pag bintangan siya. Kaya inutusan ko siyang mag maneho sa lugar kung saan namin dinala ang babaeng kinuha namin sa hukay ng buhay, 5 years ago.
Kaibigan ko si Paula, kahit hindi ganon ang pag trato niya sa akin. Alam ko na may pake parin siya sa akin, at ganon din ako sa kanya.
Tumingin ako sa bintana kung saan puro puno ang nasa paligid at ni isang bahay o kotse ay wala kaming nakakasalubong. Napakatahimik ng buong paligid. Nakabukas kase ang bintana ng kotse ni Silver habang ang aircon ay nakapatay.
Lumingon ako kay Silver ng tahimik parin ang nasa pagitan namin.
"Ano ba!" Sambit ko sabay tawa habang si Silver ay kinikiliti ako sa aking tagiliran. "Ang boring naman kase ng subject na to, history." Pag rereklamo ni Russel at bigla itong nag pout.
Napangiti naman ako sa inaasal nento, nababaliw nanaman siya.
Nagulat naman ako ng biglang sinara ni Russel ang libro na hawak hawak ko. "Hindi ka ba napapagod mag aral? You're always reading books but still, you're not getting yourself a perfect score!" Pang aasar nento na ikinainis ko kaya hinampas ko siya sa braso at sabay lang kaming tumawa. "Porket ikaw hindi nag aaral pero nakakakuha ng perfect score pwede mo na akong apihin ah, I hate you Russel!" Sambit ko na ikinatawa niya ng malakas.
Bigla itong humiga sa sahig at inispread niya ang kanyang kamayna tila nag iinat.
Nasa balcony kase kami ngayon, nag aaral para sa exam sa susunod na linggo.
"Hey, Gail. Lay down to my arm." Pang uutos neto kaya humiga na ako sa braso niya. Nakatingin kami sa langit kung saan napakapayapa ng gabi habang may mga bituin pang kumikinang.
YOU ARE READING
Class 3-C Has A Secret 3
Mystery / Thriller'New Batch, New School, New Secrets' Class 3c Has A Secret 3 (Fanfiction)
