C7: Code Red

1K 21 1
                                        

"You can only control your actions,not other people reactions"

..............................x

SILVER'S POV

Hanggang ngayon hindi parin ako makatulog dahil sa nakita namin ni Paula kanina. Hindi ko alam na may ganoon palang lugar sa Laketon. Bakit hindi ko man lang napansin iyon? Pero ano ba yung nakita namin? Si Mr.Blake lng naman at si Sir Leonardo. Masyadong seryoso ang pinag uusapan nila pero hindi iyon ang dahilan kung bakit hindi pa ako natutulog sa gitna nang gabi,  dahil sa likod ng Laketon kung saan malapit ang mga damo na pinagtatambayan ko tuwing Lunch ay may secret door pa doon. May face scanner iyon kaya mahirap maka pasok.

Nag bubukas uli ang kuryusidad ko sa mga panahong to. Ni isang mahalagang impormasyon sa bagong Laketon wala pa akong nasasagap o nakukuhang impormasyon. Masyado silang maingat ngayon. Alam ko na hindi pang karaniwan ang pag bubukas ng Laketon Academy lalo na at sikat na sikat parin ang balita patungkol sa Laketon na ang huling batch ng 3-C ng Laketon ay namatay. May mga nabuhay noon pero pag katapos ng insidenteng iyon hindi na sila nakita.

Lalong lalo na ang nag pasara nang Laketon,  kung hindi ako nag kakamali ang pangalan niya ay Luna.

Ang sabi noon huling nakita si Luna sa sementeryo kasama ang isa pang nakaligtas sa 3-C si Spade.

Kung ako man lang din ang nasa posisyon ni Luna noon. Mag tatago talaga ako dahil madaming malalaking businessman ang sakop ng Laketon pwede pa akong ipapatay kung may tyansa silang makita ako.

Hindi ko alam kung ano ang plano ni Mr. Blake sa amin pero sa oras na may nangyareng ikakasira nang Laketon panigurado ako na habang buhay nang hindi mag bubukas ang Laketon Academy. Pero nararamdaman kong nag sisimula na ang plano nila. May mga namatay na sa Laketon Academy isang taga 2-A at isa sa klase namin. Ang ipinag tataka ng pulisya ngayon ay bakit dalawang upuan ang nasa classroom na iyon pero si Carlos lang ang nakitang bangkay. Kung hindi ako nag kakamali may kinalaman si Chloe dito. Siya ang Girlfriend kaya siya ang nakakaalam sa mangyayare sa nobyo niya.

Kinabukasan pag ka baba ko ng motor ko nag kakagulo ang mga estudyante napakunot ang noo ko at lumapit sa nag kukumpulan. Sumingit ako sa pinaka unahan para malaman kung ano ang pinag kakaguluhan nila. Unti unti akong napatingala at nagulat sa nakita ko. Si Alexia nakabigti at ang nakakatakot pa ay nakabukas ang mga mata nito at nakalabas ang dila. Tinitigan ko nang mabuti ang bangkay ni Alexia at isa lang ang napansin ko. Ang salitang nakaukit sa magkabilang braso ni Alexia. Sa kanan ay Red at sa kaliwa ay Code at kung ipag sasama mo ay Code Red.

Code Red anong ibig sabihin nun?

Pag pasok ko sa loob ng Classroom namin ay dumeretsyo na agad ako sa upuan ko. Madaming naging emotional dahil sa pangalawang 3-C na namatay. Parang kahapon lang nakipag away pa si Alexia ngayon patay na siya. Kahit ganoon ay maingay parin sila pero nag bago ang ihip nang hangin ng pumasok si Yuri at ang dalawang Alipores niya.

Nakataas ang kaliwang kilay ni Yuri at ibinagsak ang mabigat niyang kamay sa teachers table. "Code Red? Ano ang ibig sabihin non 3-C? " Pag tanong ni Yuri ngunit ni isa sa amin ay walang umimik. Dahil sa wala kaming idea kung anong ibig sabihin ng Code Red. Napakunot naman ako ng noo nang may pumasok sa isipan ko. Kung kay Alexia ay Code Red, panigurado may mensahe ring ipinadala sa pag kamatay ni Carlos. Pero hindi pa ako sigurado roon.Kailangan kong makita ang bangkay ni Carlos, pero paano?

"Patay nanaman ang isa sa mga kaklase natin! " Pasigaw na sambit ni Yuri habang tinitingnan kaming lahat. "Kelan ka ba nag karoon nang pake Yuri sa mga kaklase naten? Mag iisang buwan na tayong mag kasama pero ngayon ka lang nag karoon nang pake. " Sambit ni Zara isa sa mga 3-C. Tinitigan ni Yuri si Zara bago mag salita. "At sino ba kaseng nag sabeng may pake ako? Wala akong pakialam sa inyo kahit mamatay kayo. Kung tutuusin pinapaaga lang pag kamatay nila, siguro sabi ni Lord wala na silang kwenta dito sa mundo kaya dapat na silang mawala nang maaga. Tyaka iniisip ko ang kapakanan ko. Masisira pangalan ko! Ano nalang ang masasabi nang iba pag nakita ako? Ano kilala ako bilang isang babae na nasa section nang mga namamatay? Eww ayoko nga. " Mahabang sagot ni Yuri bago umupo sa upuan niya. Masyado talaga siyang makasarili, pero nararamdaman ko sa tono ng boses niya ang takot, ayawa niya lang ipakita ang kahinaan niya.

Class 3-C Has A Secret 3Where stories live. Discover now