C18: DaVacation of Andy

Start from the beginning
                                        

Kinilabutan ako sa mga huling katagang sinabi niya. Pero kailangan kong maging matatag. 6 years na akong nag karoon ng pangalawang buhay pero hindi sapat iyon para masabe kong naka move on at matatag na ako. Dahil kahit ngayon ay nararamdaman ko paring nakasunod si kamatayan.

"Mauuna na ako Andy, binisita lang kita para mag pakita at sabihin sayong ako'y nakalaya na." Sambit nito at ngumiti. Lumabas na ito ng tuluyan habang ako ay nakatayo sa harap ng pinto. Hanggang ngayon sinisink-in parin ng utak ko ang mga sinabe ni Ash.

Babalik sila? Sinong sila? At nakatali kami sa kamay niya? Wag mong sabihing lahat nang nangyayare noon hanggang ngayon sa batch nila Yuri ay konektado?

Agad kong kinuha ang bag ko at lumabas ng bahay. Ni lock ko ito at tumingin sa paligid. Agad akong sumakay sa sasakyan at pinaandar ito.

Habang nag mamaneho tiningnan ko ang papel kung san nakasulat ang address nila Blake Reese. Kailangan kong maka usap si Blake dahil kung hindi, hindi masasagot ang mga katanungan sa utak ko.

Medyo malayo ang bahay nila sa bahay ko at sa Laketon Academy. Kaya siguradong makakauwi ako ng gabi.

Makalipas ang isang oras ay nasa tapat na ako ng subdivision nila Blake. Hininto ko ang sasakyan sa gate ng subdivision.

"Good Morning sir, saan po punta nila?" Tanong ng guard. "Sa Reese resident po." Sagot ko. Binigyan ako ng subdivision pass at pinapasok na ako. Tinuro na den sa akin ng guard kung saan banda ang bahay nila.

Pag karating ko ay hininto ko na agad ang sasakyan sa tapat nila. Lumabas ako ng kotse at pinag masdan ang magada at malaking bahay na nasa aking harapan.

Huminga ako ng malalim dahil ngayon nalang uli kami mag kaka usap ni Blake matapos ang nangyareng insidente noon sa Batch nila. Pinindot ko ang doorbell at lumabas ang isang guard.

"Ano pong maitutulong ko sa inyo sir?" Tanong ng guard. Ngumiti naman ako. "Andito po ba si Mr. Blake Reese?" Tanong ko sa kanya. "Ay pasensya na po sir pero asa Academy po si Mr. Reese. Pero andito ung kapatid niya." Sabi ng guard.

Kapatid? Sinong kapatid? Sa pag kaka alam ko wala siyang kapatid.

"Sinong kapatid kuya?" Tinanong ko. "Si Mr. Young po." Sagot ng guard. Nagulat naman ako sa kanyang sinabe at agad na umatras. Nag paalam ako sa guard na aalis na ako

Pumasok ako sa kotse at nag maneho papuntang Laketon.

Mr. Young? Si Spade Young?! Kelan pa siya bumalik?!

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko dahil naalala ko nanaman ang nakita ko noong gabing iyon. Kitang kita ko mismo sa aking mata!

Hinding hindi ko malilimutan iyon, iyong gabing nangangamusta ako sa puntod ni Denisse nang nakita ko ang krimen na hanggang ngayon walang nakaka alam.

"Ano bang ginagawa mo?"
"Ano ba! Tama na!"
"Bakit mo ba ito ginagawa?!"
"Tulong!!"

Mga huling salita niya bago tinakpan ng lupa ang kabaong na pinag lalagyan niya.

Sabi ko naman, kapag may kalaban ka. Mag iingat ka. Dahil hindi mo alam, kung sino pa ang pinag kakatiwalaan mo, siya pala ang papatay sayo.

Hindi ko namalayang nasa tapat na ako ng Laketon. Agad akong bumaba at pumasok sa Academy. Iba ang dalang kilabot nento sa buong pag katao ko. Tumayo ang balahibo sa aking balat at nanginginig na nag lakad upang hanapin si Blake.

Class 3-C Has A Secret 3Where stories live. Discover now