Chapter 30

2.8K 45 14
                                    

Lalo kaming naging close ni Dj. Hindi ko na maintindihan kung anong klaseng relasyon ang meron kami basta ang alam ko, masaya kami. Or at least ako masaya. Hanggang ngayon kasi, hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga yung nararamdaman niya. Nawala na rin yung lakas ng loob kong sabihin sa kanya yung nararamdaman ko kaya eto ako ngayon, go with the flow again. Okay naman so far eh.

Isang araw, habang papunta ako sa first class ko, may nakita akong mga nagkukumpulan sa lobby ng Urdaneta. Huling nangyari ‘to nung dumating yung Parking Five sa campus. Ano na naman kaya ‘to?

Pagkasilip ko, may nakita akong isang lalaking naglalakad.

“Wow ang gwapo naman niya!”

“Sino kaya siya? Bakit parang ngayon ko lang yata siya nakita?”

“Ako rin eh ngayon lang!”

“Shucks ang angas ng dating niya! Ano kayang course niya?”

Yan yung narinig ko sa mga babae sa paligid. Hindi pala ako nag-iisa kasi ngayon ko lang rin siya nakita sa school premises.

Maya-maya, nagulat na lang ako kasi nakatingin siya sakin. Napako ako sa kinatatayuan ko at siya naman, naglakad papunta sakin. Hindi ko alam yung gagawin kaya hindi ako nakagalaw.

“Hi, miss. I like you. Will you go out with me?”

ANO RAW?! O_________O

Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. Tama ba yung narinig ko? This guy’s asking me out on a date??

“T-teka lang.. Nagbibiro ka ba?” Mahina kong sinabi.

“Seryoso ako, miss. Gusto kita.”

NAKAKALOKA. Ano ‘to?! Wow mali?? Just for laughs? Tatawa na ba ako dapat?

Nginitian niya lang ako.

“Grabe ang lakas naman ng loob niya! Hindi ba niya alam na girlfriend ni Batman yung kausap niya??” Narinig kong sinabi nung isang babae.

Bigla tuloy lumakas yung bulong-bulungan. Hindi ko na kaya. Kailangan kong makaalis sa sitwasyon na ‘to.

Huminga ako ng malalim.

“S-sorry pero hindi pwede.” Sabi ko sa kanya sabay talikod at walkout.

Yung totoo. Anong trip ni kuya? Bakit niya yun sinabi sa harap ng maraming tao? Hindi ba talaga niya alam na “girlfriend” ako ni Dj? Haaaay.

Pagdating sa Philo class, kinuwento ko agad kay Bea yung nangyari.

“Seryoso ba yan?? Sino?!” Excited pa talaga siya nung tinanong niya yan.

“Hindi ko kilala eh.”

“Cute ba?”

“Okay lang. Pero natakot ako sa kanya.”

“Bakit naman?”

“Ang weird nung ginawa niya eh. At sa harap pa talaga ng maraming tao. Nakakaloka lang!”

“Anong sinabi mo?”

“Siyempre tinanggihan ko!”

Biglang may kumatok sa pintuan ng classroom. Napatingin kaming lahat dun..

No. Way. No freakin’ way. Siya yung lalaki sa lobby ng Urdaneta kanina! Anong ginagawa niya dito?!

“I would like to speak to miss Kathryn Maralit.”

I'm BATMAN's PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon