Chapter 38

2.6K 63 35
                                    

Nanlaki yung mata ko sa sinabi ni Seth. Kahit kailan, hindi nila nabanggit sakin na may ex-girlfriend pala si Dj. At hindi ko akalaing sa ganitong paraan ko pa talaga malalaman.

“Sino ba kasi siya, Sed?” Tanong nung babaeng nagngangalang Zharm. “She’s claiming that she’s Dj’s girlfriend. Is that true?”

“No.” Si Dj yung sumagot. “She’s not my girlfriend.”

That’s it. I’ve had enough.

Nag-walkout ako’t pumunta sa pwesto namin nina Bea at Barbie kanina kung saan nandun din yung the rest of Parking Five. Agad akong sinundan ni Seth.

“I can’t believe it! Siya yung may pasimuno nitong pagpapanggap ko bilang girlfriend niya tapos sasabihin niya sa harap ng maraming tao na hindi niya ako girlfriend?! ARGHH. I hate him!!!”

“Wag mo na munang isipin yun, Kath. Hayaan mo na si Daniel.” -Bea

“Pano? Palalampasin ko na lang yung ginawa niya?? He started this mess!”

“Ano ba kasing nangyari, Seth? Bakit galit na galit ‘tong si Kathryn?” Tanong ni Kats.

“Nahuli niya kasing naghahalikan sina Dj at Zharm.” -Seth

“ANO?!” Sigaw nilang lahat.

“Nandito si Zharm??” -Kats

“At naghalikan sila ni Dj?!” -Lester

“Yung babaeng yun talaga! Walang ibang dala kundi gulo!” -Julia

“Nagulat nga rin ako eh. Hindi ko alam na nandito si Zharm at lalong hindi ko akalaing gagawin nila yun.” -Seth

“At hindi lang yun! Kinampihan pa ni Dj yung bruhang yun!” Galit kong sinabi. “Hindi raw ako girlfriend! Ugh.”

“Eh kaya naman pala ang init ng ulo ni Kath. Kung ako yun baka nasapak ko na si Daniel.” -Barbie

“Tama na nga yung usapang ‘to.” Sabi ni Seth. “Kath, magpalamig ka na lang muna ng ulo. Gusto mo samahan kita?”

“Wag na, Seth. Gusto kong mapag-isa.”

“Kaya mo ba? Nahihilo ka pa yata eh.” -Seth

“Don’t worry, I’m okay.” Sabi ko sabay layo sa grupo.

I'm BATMAN's PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon