Chapter 32

2.9K 45 17
                                    

Pagkauwi ko sa condo, sinubukan ko agad kausapin si Dj tungkol kay Jc pero nabigo ako. Nagkaron lang kami ng pagtatalo. Nainis siya sakin tapos hindi na ako kinausap pagkatapos. Haaay. Mukhang nakulitan sakin. Pero kasi, hindi talaga ako matatahimik hangga’t hindi ko nalalaman yung dahilan ng gulo nila.

Naisip kong tanungin na lang si Julia kinabukasan. Baka sakaling maliwanagan ako.

“Anong kailangan mo?” Tanong ni Julia sakin.

“Gusto ko lang malaman kung bakit galit si Dj kay Jc.”

“Bakit hindi si Dj ang tanungin mo tungkol diyan?”

“Sinubukan ko na pero ayaw niya eh.”

“Oh, ayun naman pala. Ayaw ni Dj. Ibig sabihin, ayaw niyang ipaalam sa’yo.” Sabi ni Julia. “Kaya wala na ring dahilan para tanungin mo pa sakin.”

“Pero hindi ko kasi maintindihan. Pano niya nagagawang itakwil yung sarili niyang kapatid?”

“Malalaman mo rin yun, kapag handa na si Dj na sabihin sa’yo.” Tumigil siya sandali tapos nagpatuloy ulit. “Wala namang perpektong tao. Lahat ng tao may weakness. Kahit gaano pa kalakas yung tingin mo kay Dj, meron din siyang tinatagong kahinaan. Sadyang may mga sugat tayo na ayaw nating nahahawakan.”

Sugat? Yung sugat ni Dj na ayaw niyang nahahawakan.. si Jc ba yun?

Pagdating sa tambayan, napansin kong matamlay si Dj. Hindi siya kumikibo kahit nagtatawanan na sina Seth at Lester sa tabi niya. Nung nakita nila ako, napatigil sila.

“Tara, Les. Labas muna tayo.” Sabi ni Seth kay Lester.

Tumango si Lester at nagsimula nang maglakad palabas.

Lumapit sakin si Seth tapos binulungan ako. “Iwan na muna namin kayo ha. Mag-usap kayo.”

Ngumiti ako’t nagpasalamat kay Seth. Kahit hindi ko sabihin sa kanya, alam na agad niya yung dapat gawin. Parang nababasa niya yung utak ko. Pakiramdam ko tuloy kilalang kilala na ako ni Seth. Napaka-observant niya kasing tao eh.

Pagkalabas nila, tinabihan ko kagad si Dj sa sofa.

“Dj, tahimik ka yata.”

“Masama lang pakiramdam ko.” Sabi niya.

Alam kong nagdadahilan lang siya kaya nagpatuloy lang ako sa pagsasalita.

“Nagugutom ka ba?” Tanong ko. “Gusto mo ng pagkain? Ikukuha kita.”

Umiling lang siya.

“Dj, kausapin mo naman ako oh.”

“Ano bang gusto mo?!” Pasigaw niyang sinabi sakin.

Galit na naman siya. Haaay. Napabuntong hininga na lang ako.

“Sige, tawagin mo na lang ako kapag handa ka nang makipag-usap sakin.” Sabi ko sa kanya sabay tayo.

Palakad na sana ako nang bigla niya akong pinigilan. Hinawakan niya yung kamay ko.

Tumingin ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa table sa tapat niya.

“Siya yung dahilan.” Mahinang sinabi ni Dj. “Siya yung dahilan kung bakit nagalit si Mommy kay Daddy at iniwan kami.”

Ayan na, handa na siyang magkuwento sakin. Dahil dun, umupo na ako ulit sa tabi niya.

“Bakit? Anong ginawa ni Jc?” Tanong ko kay Dj.

I'm BATMAN's PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon