Chapter 45.1

2.4K 42 17
                                    

A/N: I'm sorry, hindi ko talaga madugtungan ng maayos yung previous chapter kaya ito na lang continuation. Expect a big time skip sa next chapter. Wala na akong maisip na fillers eh. I just have to stick with my plot.

Will try to post the next chapter ASAP :)


____________________________________________________


Pagkagising ko kinabukasan, nakita ko si Barbie na katatapos lang maligo.

“Good morning!” Bati niya sakin.

“Good morning.”

Tinabihan niya ako sa kama habang nagpapatuyo ng buhok.

“Kath, sorry kagabi ah.” Sabi niya.

“Para san?”

“Yung kay Daniel. Hindi ko naman alam na date yun eh.”

“Oh, that. You know you don’t have to say sorry. Wala na yung samin ni Dj. He’s free to date whoever he likes. And besides, I’m with Seth now.”

“So that means okay lang na mag-date kami?”

“Ha?”

“Well, he asked me out last night.” BOOM!

Nagulat ako sa sinabi ni Barbie. Yun kaya yung iniisip ni Dj kagabi kaya hindi siya makatulog? Hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin ko.

“And honestly Kath, I kind of had a crush on him before. Nahiya lang akong aminin ‘cause you know, you guys had a thing. But now that it’s over, I was wondering maybe I could actually start dating him.”

“It’s your call, Barbie. You don’t need my permission.”

“Just making sure.” She told me with a wink. “Thanks Kath!”

Wow. This is going to be crazy. My best friend dating my ex-nothing. HAHAHA. Ex-nothing. That’s funny. Ganto rin kaya nararamdaman ni Dj? You know, now that I’m with his best friend. Grabe. Bakit ganito?? Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa nangyayari.

‘Di nagtagal, kumalat na rin sa school yung tungkol kina Dj at Barbie. Habang kumakain kami ng lunch ni Bea, tinanong niya ako about it.

“Okay lang sa’yo yun?”

“Ang alin?”

“Na nagde-date sina Dj at Barbie.”

‘Dj’ na rin pala tawag niya kay Dj. Nahawa siguro kay Lester.

“Oo. Ganun din naman kami ni Seth diba? So I think quits lang.”

“Kung sa bagay.” Sabi ni Bea. “In fairness ah, parang mga bida lang sa Gossip Girl ang peg ninyong apat. Hahaha!”

“Kaya nga eh! Nakakaloka.” Sabi ko sabay tawa. “Well, basta ako si Blair.”

“Eh sino si Chuck?” Tanong ni Bea. “Si Dj o si Seth?”

Napaisip ako. Sino nga ba kina Dj at Seth ang Knight In Shining Armor ko at sino naman si Prince Charming? Haaay. Ayoko nang isipin. Basta si Chuck ang Knight In Shining Armor ni Blair at si Nate naman ang Prince Charming. Siyempre si Chuck yung nakatuluyan niya. Parang si Gino lang sa Princess and I. Well, I guess you always end up with the Knight In Shining Armor.

Pero sa storya kong ito, sino nga ba ang Knight In Shining Armor ko?

I rubbed the question off and snapped back to reality.

“Ayoko nang isipin yan.” Sabi ko kay Bea. “Isa lang naman inaalala ko eh.”

“Ano yun?” Tanong niya.

“Pano sila nakakapag-date nang nasa wheelchair si Dj??” 0_o

HAHAHAHAHAHAHAHAHA. Ayun, tawa tuloy kami nang tawa ni Bea. Pero totoo naman diba? Matino naman yung tanong ko eh. Pano??? =)))))

I'm BATMAN's PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon