Chapter 47

1.9K 62 48
                                    

Hindi ako agad naka-react sa ginawa niya. Pero alam kong mali. Mali ‘to. Tinulak ko siya palayo tapos sinampal ko siya para matauhan.

“Wala ka ba talagang respeto sa nararamdaman ng ibang tao?!”

Napayuko lang siya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Yun na ang pangalawang beses na ninakawan niya ako ng halik.

“Kapag nalaman ni Seth yung ginawa mo, siguradong masasaktan yun! Pati si Barbie. Wala ka ba talagang pakialam sa ibang tao, ha Dj?! Sarili mo na lang ba talaga iisipin mo??”

“Kung sarili ko lang iniisip ko edi sana hindi na kita pinaubaya kay Seth! Sana hindi ko na lang inisip yung kaligayahan mo! Sana hindi ko na lang hinayaang mawala ka sakin!” Sigaw niya sabay alis ng tambayan.

Nagulat ako sa sinabi ni Dj. Medyo nalabuan ako. Ano yung sinasabi niyang pinaubaya niya ako kay Seth? Pinaubaya niya lang ako kay Seth?? Ugh. Ang gulo! Tapos wawalkoutan niya ko ng wala man lang paliwanag?? Si Batman talaga forever nakakaloka T__________T

Napagdesisyunan kong ‘wag nang sabihin kay Seth yung nangyari. Siguradong magkakagulo lang eh. Mabuti na yung hindi niya alam. Ako nang bahala kay Dj. Kailangan ko lang talagang itago kay Seth ‘to.

Pagdating ng weekend, pumunta ako sa Concert Fair sa campus kahit wala akong kasama. Out of town kasi si Seth hanggang next week dahil may immersion yung bloc nila. Actually nag-dinner ako with blocmates pero wala si Bea kasi nag-date sila ni Les. So ayun, pagkatapos ng dinner, uminom kami ng konti tapos umuwi na. Napag-isipan kong dumaan na lang muna sa fair kasi nandun naman si Julia at yung friends niya. Para may kasabay na rin ako pauwi bilang wala na pala akong pera.

Bago ako pumunta sa fair, tinanong ko muna si Julia kung nandun pa rin sila at umoo naman siya. Kaya lang pagdating ko dun, hindi ko sila mahanap. Sobrang daming tao tapos hindi ko pa siya ma-contact at lowbatt na yung cellphone ko. Medyo kinabahan na ako. Wala na nga akong pera, wala pa akong kasama. Plus nakainom pa ako so medyo tipsy ng konti.

Sinubukan kong tawagan si Kats kasi ang alam ko nasa fair din siya ngayon. Baka sakaling kasama rin niya si Julia. Kaya lang nakailang tawag na ako sa kanya pero hindi naman niya sinasagot. Halos isang oras na akong naghihintay kaya nagsimula na akong mag-panic. Bigla ko naisipang i-text si Dj.

11:28pm ‘Dj, nasa fair pa ba kayo?’

11:29pm ‘Nagsipaguwian na kami. Parted ways about half an hour ago. Nasa fair ka ba?’

11:30pm ‘Yeah. Di ko mahanap cna Julia, wla akong kasama plus no more money. Umasa lng ako na baka nandito pa kayo.’

11:33pm ‘Bakit ka nagstay ng wala kang pera. At bakit ngayon ka lang nagtext? Tinawagan mo na ba si Julia?’

11:36pm ‘Galing kasi akong inuman. Bumalik ako sa campus para may makasabay sana umuwi. Lowbatt cp ko kaya di ako makatawag. Hahaha’

Kunwari tawa lang ako pero sa totoo lang, kinakabahan na ako talaga. Gusto ko na rin kasing umuwi. Medyo nakakatakot pa kasi ang daming outsiders ngayon kaya hindi ko kilala yung mga tao sa paligid.

11:49pm ‘Cannot be reached si Julia. Sino mga iba niyong kasama?’

12:13am ‘Oi kath. Magreply ka.’

1 missed call from Dj Alcantara.

12:21am ‘Huy ano na nangyari sau? Pupuntahan na kita kung nasan ka man.’

Hindi ko napansin yung mga text at tawag ni Dj kasi naka-silent yung phone ko. Buti na lang tumawag siya ulit.

“Hello?”

“Bakit hindi ka nagrereply?! Kinabahan ako sa’yo!”

“Sorry, hindi ko napansin.”

“Nasan ka ngayon?”

“Sa likod ng Gomualde. Sa benches malapit sa locker room.”

“Okay, diyan ka lang. Papunta na ko. ‘Wag kang aalis diyan. Hintayin mo ko.” Utos niya.

Dahil masunuring bata ako, ginawa ko yung gusto niya. Naghintay lang ako dun. Medyo gumaan na yung loob ko nung nalaman kong pupuntahan ako ni Dj pero hindi pa rin mawala yung kaba. Siyempre freshie ako tapos first time kong mag-fair at mag-isa pa. Ewan ko na lang sa mga pinapasok ko. Hahaha! Bakit ba kasi ako napadpad dito in the first place? Haaay. Sana umuwi na lang ako.

Pagkalipas ng ilang minuto, dumating na rin si Dj. Hindi ko napigilan yung sarili ko kaya napatalon ako sa tuwa at napayakap pa sa kanya.

“S-sorry.” Sabi ko sabay bitaw. “Salamat sa pagpunta sakin.”

“Nakausap ko na si Julia. Sinabi kong ako na bahala sa’yo at ihahatid na kita pauwi.”

Tumango lang ako.

“Bakit ba kasi nandito ka? At bakit uminom ka pa?” Naiinis niyang tanong sakin. “Wala lang si Seth, nagkakaganyan ka na.”

“Wala namang kinalaman kay Seth ‘to eh. Gusto ko lang mag-enjoy.”

“Hay nako. Abala ka lang eh! Sa susunod ‘wag mo nang uulitin ‘to ah?! Nag-alala ako sa’yo. Pati buong barkada nadamay na sa pag-aalala ko! Kapag nalaman ‘to ni Seth –”

“Wag!”

“Anong ‘wag?”

“Sana hindi na ‘to makarating kay Seth.”

Nagbago yung itsura niya nung sinabi ko yun.

“Bakit? May problema ba kayo?”

“Wala. Ayoko lang na mag-alala pa siya. Nasa malayong lugar na nga siya tapos bibigyan ko pa siya ng sakit sa ulo.”

“So ako okay lang na bigyan mo ng sakit sa ulo??”

“Hindi naman sa ganun. Wala na lang talaga akong malapitan kanina kaya ikaw yung tinext ko.”

“WOW. Ako pa ngayon yung last resort.”

“Hindi! Nahihiya lang kasi ako. After what happened last week..”

“Wag mo nang isipin yun. Ako nga yung dapat mahiya sa’yo eh. Hindi ko dapat ginawa yun. I’m sorry.”

Hindi ako makapaniwalang sinabi ni Dj yun. He’s actually being mature right now. O______O

“Tara na nga sa kotse. Kailangan mo nang umuwi para makapagpahinga ka na.”

Naglakad na kami papunta sa kotse niya at hinatid na niya ako pauwi.

Daniel’s POV

Kanina lang dumadaldal pa ‘to tapos ngayon nakatulog na pala. Mukhang napagod talaga siya.

Hininto ko na yung kotse sa tapat ng bahay nina Julia. Pagtingin ko sa kanya, tulog pa rin. Gigisingin ko na sana siya kaya lang mukhang mahimbing yung tulog. Hindi siya nagising nung tinapik ko sa balikat eh. Maya-maya, hindi ko namalayan, nakatitig na pala ako sa kanya.

Ang ganda niya talaga. Siya na yata yung pinakamagandang babaeng nakilala ko. Kaya lang pagmamay-ari na siya ng iba. Bakit naman kasi sa dinami-dami ng pwedeng makaagaw sa isang babae, yung best friend ko pa? Ba’t hindi na lang isang random stranger para mapaglaban ko siya. Wala kasi akong magawa eh. Kahit gaano ko siya kagusto, hindi talaga pwede.

Tatanggalin ko na sana yung seat belt sa kanya kaya lang bigla niya akong niyakap. Pagtingin ko sa kanya, nakapikit pa rin siya. Sinubukan kong tanggaling yung pagkakayakap niya sakin pero masyadong mahigpit. Napansin kong bigla siyang napangiti. Ano ba ‘to? Nananaginip ba ‘to o pinagttripan lang ako?

Maya-maya, bigla siyang nagsalita..

“Thank you, Batman. I love you.”

I'm BATMAN's PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon