Chapter 8

3.4K 65 16
                                    

May org fair ngayon sa school namin at bilang aplikante kami ni Bea sa isang Film org, required kaming tumao sa booth namin. Nag setup na kami ng booth sa Elden, sa may tapat ng Andrade. Kanya-kanyang setup na rin yung ibang orgs. Pagdating ng mahabang break namin ni Bea, nag-stay na kami sa booth.

Exchange coupons ang drama ng booth namin. Merong apat na box, isa sakin, isa kay Bea, at tig-isa yung dalawa pa naming co-apps na lalaki. Tapos kung sinuman ang gustong sumubok, bubunot siya ng coupon sa loob. Kung anuman yung nakalagay sa coupon na yun, kailangan naming sundin at kailangang bayaran nung bumunot. Para sa mga lalaki yung box namin ni bea at para naman sa mga babae yung sa co-apps namin.

Yung members ng org na inaapplyan namin yung gumawa ng coupons kaya hindi rin namin alam kung anong mga ipapagawa samin. Yung unang bumunot sakin ay binilhan ko ng pagkain na gusto niya for 100 pesos. Yung sumunod naman, ginawan ko ng errand for 70 pesos. Meron din akong inayusan ng buhok for 200 pesos pati may minake-over ako for 500 pesos. Lahat naman ng materials ay provided na ng org namin kaya walang problema. Bale the applicants do all the dirty work. Haha! 50% naman kasi ng kikitain namin ay mapupunta sa isang charitable institution kaya maraming sumusubok.

Maya-maya, nakita ko yung Parking Five na papalapit sa booth namin. Hindi ko naiwasang matakot nung nakita ko si Daniel.

“Kath, papunta yata dito yung Parking Five.” Bulong sakin ni Bea. Tama siya. Dito nga sila papunta.

“Hi Kathryn! Gusto sana naming subukan yung exchange coupons ng booth niyo. Balita namin okay raw eh.” Sabi ni Seth.

“Uhmm, sure sige. Bunot kayo.”

“Dito ako kay ate.” Turo ni Lester kay Bea. “Hi miss! Anong pangalan mo? Ikaw yung isa sa mga laging kasama ni Kathryn diba?”

“Bea. Oo, ako nga.”

“It’s nice meeting you, Bea. Ako nga pala si Lester.” Sabi niya sabay alok ng kamay kay Bea.

“Ang dami mong satsat Les! Bumunot ka na lang kaya.” -Seth

“Oo na! Sige na, bubunot na.” -Lester

“Ako rin Kathryn, pabunot.” Sabi sakin ni Katsumi.

“Wag na Kats! Hayaan mo nang si Dj ang bumunot kay Kathryn.” -Seth

“Onga naman p’re. Diba kaya nga tayo nandito kasi sabi ni Dj.” -Lester

“Mga ungas. Kayo nagyaya sakin dito eh. Malay ko ba kung ano ‘to.” -Daniel

“Exchange coupon siya. Kung anuman yung nakalagay sa mabunot mong coupon, yun ang gagawin ni Kath. Tapos babayaran mo siya sa halagang nakalagay sa coupon. Hindi ka rin malulugi kasi 50% ng babayaran mo ay mapupunta sa isang charitable institution.” Paliwanag ni Bea kay Daniel.

“O sige na, whatever. Bumunot na lang tayo.” -Daniel

Sabay na bumunot sina Lester at Daniel. Si Lester sa box ni Bea at si Daniel naman sa box ko. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako sa kung anumang nakasulat dun sa coupon na mabubunot niya. Sana naman hindi ako mapahamak dito. Haaay.

“Ayos! Back massage for three hundred fifty pesos!” Sabi ni Lester. “Bea, pwede ba kong maghubad para mas ramdam ko yung masahe mo?”

“Loko ka ‘tol umayos ka nga! Nakakahiya kay Bea oh.” Sabi ni Seth sabay batok kay Lester. “Bea, pagpasensyahan mo na ‘tong si Lester ah. May pagkamanyak kasi ‘to eh. Pwede bang ako na lang yung bigyan mo ng masahe?”Tapos nag-killer smile pa siya. Hay nako! Parehong pareho talaga sila ni Lester!

I'm BATMAN's PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon