Chapter One

521 11 3
                                    

A/N: Yung Maeve Flammeta ay sinuggest ng bestfriend ko kasi nangangalawang na talaga yung utak ko hahaha. May meaning daw yan na "Intoxicate the fire" na hindi ko alam kung saan niya napulot hahaha. Don't expect too much kasi first time ko palang!

-Art

Maeve's P.O.V.

NAPADILAT ako nang maramdaman kong may malamig na bumuhos sa 'kin. Lumingon ako at nakita kong nakatayo ang tiyahin ko habang nakataas ang kilay na umaabot na yata sa mars pero kasing nipis ng papel.

"Alam mo ba kung anong oras na ha? Alas-otso na!" Panenermon niya sa 'kin.

Tsk, sarap-sarap ng tulog ko tapos ikaw bubungad.

Lumingon ako sa orasan na nasa gilid ng kama at nakita kong 8:17 na. Shuta! 9:00 yung klase namin! Lagot na.

Agad akong nag-ayos ng sarili at 'di na inabalang kumain pa ng almusal. Sa school na lang siguro ako kakain. Kailangan kong makarating agad sa school! Bakit ba kasi nag-puyat kagabi eh! Late tuloy ako nagising.

Dumiretso ako sa kabilang kanto para maghanap nang masasakyan.

"Manong! Yoohoo! Kuya! Trycicle!" Tinatawag ko yung mga dumadaan na trycicle pero ni-isa walang pumansin. Lahat may sakay. Hays.

Hmmn... Try ko kaya sa kabilang kanto?

Tumingin ako sa magkabilang side kung may dadaan ba at nung nakumpirma kong walang mga sasakyan ay agad na 'kong tumawid.

"Aray ko!" "Shit!"

Napalingon ako sa bike na bumunggo sa 'kin.

Shuta sa'n nanggaling 'to?! Wala naman akong nakitang paparating kanina eh.

"Hoy kuyang kabuteng biglang sumulpot! Hindi ka ba tumitingin sa dinaraanan mo ha?!" Bulyaw ko sa kanya habang dahan-dahang tumatayo mula sa pagkakatumba.

"Tsk" Sabi nung kabute bago itinayo yung bike niya at nagtangkang umalis.

"Aba?! Aalis ka ngayon pagkatapos mo 'kong i-hit and run?!" Hinawakan ko ang upuan ng bike para 'di siya makaalis. Hmp! 'Kala niya siguro hahayaan ko siyang umalis tsk!

"Tsk, ano bang kailangan mo?!" Iritadong tanong niya. Ba't siya yung galit?! Diba dapat ako?!

Uhm... Ano nga bang kailangan ko hmm...

"Bayaran mo 'ko! Ang sakit ng binti ko!" Pagi-inarte ko. Muhka naman siguro akong kapani-paniwala.

"Oh yan, gamutin mo sarili mo tsk." Sabi nung kuyang kabute at inabutan ako ng 100 pesos?!

Tinignan ko yung sugat ko. Hmn... Mas malaki pa siguro ang lamok dito pero okay na din, atleast may 100 pesos ako.

DUMIRETSO ako sa 7-Eleven para bumili ng bulak, Betadine, at band-aid para sa mala-langgam ko na sugat. Lahat naman ng sugat kailangan ng treatment 'no!

Nilapag ko na yung mga binili ko sa counter at kumuha na rin ng isang lollipop at tsaka inabot yung isang daan na ibinayad sa 'kin nung kabute.

"Ma'am, fake po 'tong pera niyo." Sabi nung kahera na mukhang naiinis.

Fake?! Humanda ka sa 'king kabute ka! Hahanapin kita sa kasuluksulukan ng Pilipinas!

Wala akong nagawa kundi ipambayad yung perang pambili ko sana ng pagkain mamaya.

Pagkalabas ko ng 7-Eleven ay inilagay ko na yung mga binili ko sa bag ko at naghanap nang masasakyan papuntang school.

TO BE CONTINUED...

First Day, First Love (On-going)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt