25

370 26 0
                                    

Myra's PoV

Hindi na kami mapaghiwalay non na halos maglive in na kami ni Edie sa bahay niya pero simula nung bumisita si mama ramdam kong nag-iba siya. Malaking pagkakaiba. Ni hindi ko alam anong mali ang nagawa ko. Pero hindi ko na inisip yon. Simula nung maghiwalay kami ilang buwan akong walang balita sa kanya hanggang sa mapansin ko ang tweets niya na paulit ulit some months after the breakup.

"Hello Hanson?"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Hello Hanson?"

"Myra... we know hindi kayo okay ni Edie, pero we need your help..."

"Bakit?"

"Naglaslas si Edie. He wants to see you"

"Ha?!"

"Andito kami ngayon sa ospital, inaantay namin ang findings ng doktor. He's been acting weird lately"

"S-sige sige pupunta na ko"

Pagdating sa ospital dumirecho kaagad ako sa kwarto kung saan andun si Edie

"Mhie!!"

Hindi ko siya pinansin imbed ay sina Hanson ang kinausap ko

"Anong nangyayare? Why's he calling me that again all of a sudden??"

"Hindi din namin alam Myra. Hintayin natin ang doktor. Sinabi na din kasi namin ang mga napapansin namin sa kanya. For now, sakyan mo muna? Please?"

"What?!"

"Baka maglaslas na naman yan Myra..."

"Fine." Lumapit naman ako kay Edie.

"Mhiiee sabi ko na hindi naman tayo naghiwalay eh di ba? I love you Mhie!"

Tumingin lang ako sa kanya. Hindi ako makaimik dahil gulong gulo ako sa nangyayare. Anong nangyayare sayo Edie?

Selective memory loss. Dahil daw sa sobrang stress kaya siya nagkaganun. Lahat ng stressful na nangyare sa kanya binura ng utak niya and it seems like he'll be like that until God knows when.

Hindi man araw araw pero kadalasan pag "nawawala" ang memorya niya, pinapatawag sadya siya nina Hanson saken. I told them to do so. Gusto ko siyang kamustahin. Bago ko sabihing matagal na kaming tapos. Ang martir ko ba? Hahahahaha ako na yung nasaktan pero eto ako nag-aalala pa rin sa kanya. Alam ko naging kagaya siya ni Jeric na ginago ako pero hindi ko alam bakit ito kinakapitan ko. Kahit na para akong namatay ng ilang beses sa nangyare. Mahal ko eh. Pero hanggang tawag lang ang pwede. Hindi ko pa uli siya kayang harapin. Hindi muna.

"Sabi ko hindi ko siya sasaktan... sabi ko mamahalin ko lang siya ng lubusan... pero eto at nagawa ko pa rin. Ang tanga tanga ko! Sana makalimutan ko na  lang lahat ng to... sana masaya na lang ulit kami. Sana hindi na lang ako natakot. Sana sinubukan ko na lang... Mhie I'm sorry... I'm a jerk and an asshole for doing this to you. I'm sorry"

The whole few months simula ng maghiwalay si Edison at Myra, hindi kumakausap ng kahit na sino si Edie. He became this quiet soul na tatapusin lang ang kailangang matapos sa isang buong araw then after that, he stays in his room,crying himself to sleep. Kahit barkada niya na pumupunta sa bahay nila hindi niya ito pinapansin, nagkukulong lang siya sa kwarto.

Everytime na ipapaalala sa kanya lahat ng nakalimutan niya, they make sure to not make him stressed for at least a few days. When stress starts to kick in, aasahan na nila kinabukasan same dialogue na naman ang gagawin nila. Back to zero. Ganun kalala. Kaya they really appreciated Myra's help of somehow controlling his stress, she knows how to gradually tell him things. Less stressful.

Alam nilang masakit din ito para kay Myra. Kahit hindi talaga nila alam ang nangyare. Pero they are very thankful na andyan pa rin siya para kay Edie

"Girl pano mo kinakaya? You weren't in good terms and yet andito ka tinutulungan siya sa kundisyon na meron siya"

"Hindi ko alam Penn. Parang there's something in me na may hinahanap na sagot, na siya lang ang makakasagot, pero hindi ko pa rin siya kayang makita ulit"

"Ano ba kasi talagang nangyare?"

"I can't tell you Penn sorry"

"Basta andito lang ako ah? Alam mo yan girl"

"Thanks Penn"

Hey DaydreamerWhere stories live. Discover now