9

375 31 1
                                    

Pagdating namin sa bahay niya nagpatulong ako sa maid nila sa pagbuhat paakyat sa kwarto niya.

"Salamat manang."

"Hahanda ko mga gamit ni Edie iha saglit lang"

"Ok po"

Inalalayan ko na siya pahiga sa kama niya kaso sa sobrang bigat ni Edie pati ako nadala, nakapatong tuloy ako sa kanya ngayon.

Nagulat naman ako ng bigla siya dumilat at nagkatitigan kaming dalwa

When you look me in the eyes,
And tell me that you love me.
Everything's alright,
When you're right here by my side.
When you look me in the eyes,
I catch a glimpse of heaven.
I find my paradise,
When you look me in the eyes.

"Mahal kita Myra. Mahal na mahal kita"

*dugdug dugdug

Hala tong puso ko jusko! 😣

Nagmadali akong tumayo paalis sa ibabaw ni Edie, dumating din naman agad si manang. Buti di ako inabutang nakapaibabaw jusko nakakahiya.

"Jusko kang bata ka bat ka naglasing ha?!"

"Nang, si Myra nang" Edie

"Ikaw ba si Myra iha?"

"Ahh o-opo"

"Ano ba nangyare dito sa alaga ko jusko"

"Ahh ehh dahil po saken manang sorry po"

"Ngayon lang to naglasing ng ganito ehh"

"Pasensiya po talaga. Hayaan niyo po mag eexplain na lang ako sa parents niya"

"Nako iha..."

"Bakit po?"

"Wala ka nang makakausap ehh"

"Bakit po? Nasa abroad po ba?"

"Sana nga nasa abroad na lang magulang netong si Edie. Kaso wala ehh. Pumanaw na parehong magulang nito"

"Po?!"

"Bata pa siya nang maulila ng parehong magulang iha, yung nanay niya dahil sa panganganak yung tatay niya dahil sa sakit. Bale kaming mga katulong na lang nila dito sa mansyon ang natitirang pamilya niya"

"Edie..."

"Sana kung may di man kayo pagkakaintindihang magjowa pag-usapan niyo. Ayokong nasasaktan tong alaga ko iha"

"Nako hindi ko po jowa yan manang!"

"Ehh bakit mo inuwi dito?"

"Lasing po ehh"

"Bakit ikaw bukambibig neto?"

"Ahh ehh"

"Hay kayong mga bata kayo hahaha. Sige na. Tatawagin ko lang si Nato para mabihisan si Edie. O ikaw na magbibihis sa kanya?"

"Nako hindi po!"

"Haha niloloko lang kita iha. Tara dun muna tayo sa salas. Akyat ka na lang uli pag nakabihis na siya"

"Ok po"

Pagkatapos mabihisan ni Edie, pumunta na uli ako sa kwarto niya. He's sleeping soundly. Parang hindi batang nagwawala kanina haha.

"Pasensiya ka na sa nakita mo kanina. Sana kausapin mo ko bukas paggising mo"

Edie's PoV

Nagising ako sa sakit ng ulo. Paano ako nakauwi? Hinatid siguro ako nina Hanson. Wala naman siguro akong nagawang katangahan kahapon di ba?? Napansin ko sa bedside table na may note.

"Gamot mo para sa hangover"

"Kelan pa natutong magnote si manang??"

"Nak! Edie! Gising ka na ba iho?!" Sigaw ni manang galing sa baba

"Opo nang!"

"Baba na dali!"

"Bakit po???"

"Basta! Baba na lasinggero!"

"O-opo nang!"

Pagkababa ko. Nakita kong may nakatalikod na babae sa kusina. Teka wala namang anak si manang ah? Sino to??

Pagharap nung babae parang nanigas ako sa kinatatayuan ko.

"M-myra?!"

"Hi! Gising ka na pala!"

A-ang ganda... pero teka!

"Anong ginagawa mo dito?!"

"Galit ka? Haha"

"H-hindi. Nagulat lang ako. Pero paano ka nga nakarating sa bahay ko?"

"Ako nag-uwi sayo mr edie lasinggero hahaha"

"Ha?!"

"Yes sir! Oh kumain ka na nga. Pinagluto kita ng pang alis hangover. Mag uusap pa tayo"

"Ha? Tungkol san? B-baka hinahanap ka na ng ano... ng boyfriend mo. Awayin pa ko nun"

"Shut up and eat"

"O-ok" napaupo naman ako sa boses niya. Hala bat nagalit?!

Bawat pagsubo ko ng pagkain parang gusto ko na lang lamunin ng lupa. Grabe makatingin saken si Myra 😣 di ko kinakaya.

"M-myra, ano hindi ka ba kakain??"

"Nope." Sabay iling niya ng nakangiti habang nakapangalumbaba na nakatingin saken

"May ano... may problema ba? Grabe ka makatingin ehh"

"Wala haha"

Teka lang naman bakit naman ganito 😣

"Tapusin mo na pagkain mo. Hindi ka yata makakain dahil saken eh haha sa salas na muna ako"

"Ahh ehh"

"Kain na. Daliii. Intayin kita sa salas" tapos umalis na nga siya papuntang salas

Hey DaydreamerOù les histoires vivent. Découvrez maintenant