23

345 25 1
                                    

"3 years?! Ano?!"

"It's been 3 years since you and Myra broke up Edie" Maiko

"I don't remember anything about breaking up?! Wtf?! Is this a prank???"

"Then go on, call her" Hanson

So I did.

"Mhie?"

"Edison, araw araw na lang ba?? Can you stop calling me?!"

*toot toot

"B-but"

"Ever since the day you two broke up. Nagkaselective memory loss ka. We didn't know what caused it pero lahat ng naaalala mo is yung masasaya lang. Hanggang dun lang"

"Bakit kami nagbreak??"

Nanghihina ako. Pano nangyare to? Ano nangyare saken??

"Hay araw araw na speech na namin sayo to tol" Danilo

"Kayo lang nakakaalam, miski kaming tatlo at si Penn, nagulat na lang ng mabalitaan namin sa inyong wala na." Maiko

"What?!"

"Hindi naman sinasagot ni Myra mga tanong namin" Hanson

"Bakit?"

"Gusto na lang daw niya kalimutan lahat Edie" Hanson

Myra's PoV

Hindi ko intensyon na masigawan siya. I was just so frustrated with work nung tumawag siya ngayon. Masyadong magulo ang utak ko.

Kahit naman hindi naging kami hanggang dulo, I still treasure him. Sa totoo lang? Mahal ko pa nga siya hanggang ngayon ehh, kaso siya yung bumitaw. Kumakapit ako noon sa pangako niya pero siya unang sumira non. Siya yung unang nag let go. Hindi ko naman alam na hahantong ang lahat sa ganito na magkakasakit siya dahil sa nangyare. Hindi ko na din alam ang gagawin ko.

Ang sakit para saken na mas pinili niyang makipaghiwalay kesa maayos namin ang problema ng magkasama. Pero mas masakit saken na lahat ng mali niya hindi na niya maalala.

Akala ko walang iwanan pero putangina hahaha. Naiwan na nga ako sa ere nakalimutan pa mga kagaguhan niya na parang walang maling nangyare.

Everything was ok. Or at least akala ko okay. He was already able to tell me his problems that night na muntik nang may mangyare samen. We spent days and weeks together. Sinasamahan niya ako sa job interviews ako naman sinasamahan ko siya sa mga gig niya as a dj.

I was ready to give myself to him even if we're not yet married. Oo ganun akong kasigurado sa kanya. Pero sa tuwing dadating kami sa puntong yon, he always stops

"Why dhie? Any problems?"

"No. Nothing. Tara tulog na tayo"

"But..."

"Good night mhie"

"G-goodnight?"

Iniisip ko palagi bakit?? May mali ba saken? Sabi ko pa sa sarili ko baka gusto niya muna kasal bago yun and I understood. Pero that's not it. Baket? How did I know? Simple. I caught him making out with someone else...

"Edie?! Wtf?!"

"M-myra let me explain"

"Kaya ba ayaw mo?! Dahil hindi ako gusto mong ikama ha?! Putangina"

"No! Hindi yun yun!! Myra I was just scared!!"

"Scared?! Na ano?! Mabuntis ako?! Kaya iba na lang bubuntisin mo?!"

"No!! You don't understand! Ayokong mamatay ka!"

"Hah. Tangina Edie. Hindi ako ang nanay mo!"

Di ko namalayan tumutulo na pala luha ko

"You always think of the negatives! Baka mamatay ako?! Baka mangyare din sayo nangyare sa tatay mo?! Sa ginawa mo saken ngayon pinatay mo na din ako Edison!"

"Mhie... i'm sorry... maghiwalay na lang tayo kung hindi mo naiintindihan ang punto ko"

"Ano?! Ibang klase. Hahahaha. Ako na yung ginago ako pa yung binreak!! Bahala ka sa buhay mo!"

Sana panaginip na lang lahat ng yon. Sana hindi na lang ako nasaktan. Sana hindi na lang ako nasasaktan hanggang ngayon...

Ako na lang nakakaalala nung mga nangyare. Kahit gusto kong ibaon sa limot sobrang sakit pa rin. Pero eto naman si Edie, walang maalala. Parang normal lang ang lahat sa kanya. Saya di ba?

Hindi ko man lang magawang umiwas. Kahit paltan number ko di ko magawa. Months after the incident nagsimulang magpakita yung sintomas ng selective memory loss niya. Naiirita ako noon dahil parang walang nangyare pero wala na akong nagawa. Kahit masakit, gusto ko pa rin siyang marinig. Gusto ko siyang makausap. Pero ang makita siya? Hindi ko alam. Dahil bumabalik lang saken yung nangyare.

Hey DaydreamerWhere stories live. Discover now