16

364 26 2
                                    

Andito lang kami ngayon sa bahay. Tambay lang. Sina Hanson nasa galaan. Bibigyan daw muna nila kami ng "time for each other"

*ding dong!

"Sino yun?"

Patay. Baka si Jeric to 😑

"Ahh ehh Dhie... may sasabihin ako sayo..."

"Ano yun Mhie?"

"Yang nasa labas kasi ano ehh... malamang si..."

"Jeric?"

"P-paano mo nalaman?"

"I know kasi sinabi niya saken. Sinabi niya na gagawin niya lahat makuha ka lang ulit"

"Ha?! Dhie promise hindi niya nagawa yun. Iniiwasan ko talaga siya Dhie. Dhie wag ka magagalit saken please... wala nga akong tinatanggap na mga bigay niyang hayup na yan Dhie ehh"

"Mhie relax hahaha"

"Huh? H-hindi ka galit??"

"Do I have a reason to be angry?"

Umiling naman ako sa kanya

"Yun naman pala ehh haha"

"Pero di ka talaga galit Dhie? Seryoso???"

"Nope." Iling niyang sagot sakin

"Bakit napakaswerte ko sayo? Do I really deserve a guy like you??"

"Sabi ko nga sayo. Ikaw yung rason ng direksyon ko sa buhay. You deserve the love I give you because you changed my life and I'm also thankful that you accepted my love"

"Kasi nakita ko kung gaano ka katotoong tao Dhie. Every effort you give, nakikita ko yun at deserve na deserve mo ang puso ko"

"Myra?" Sigaw ni Jeric sa labas

"Ayy may epal pa nga pala sa labas 😑"

"Go. Harapin mo na haha"

"Hindi ka sasama?"

"I don't want to meddle in your issues Mhie. Kayo yan. Kayo bahalang magsarado ng issues niyo sa isa't isa. Ayokong makialam. Basta andito lang ako kung magkagulo man handa naman ako sumugod palabas haha"

"Eeeehhh napakabait talaga ng Dhie koooo mwah!" Pinanggigilan ko mukha niya bago ko siya hinalikan sa labi niya

Nakakatawa itsurang kamatis na si Edie hahaha.

"Balik ako Dhie. Give me 5 minutes hahahaha"

Bago ako tuluyang lumabas kita kong tulala pa rin si Edie tapos nakahawak sa labi niya hahahaha

Edie's PoV

Parang sasabog ang puso ko sa saya ngayon. Grabe. Napalitan ng sobrang saya yung kabang naranasan ko sa mama ni Myra kanina...

Kanina pa ko paikot ikot dito sa tapat ng bahay nina Myra. Hindi ko alam kung pano ako haharap sa kanya 😣

"Sino hong kailangan nila?"

😳 para akong naestatwa sa pwesto ko sht

"Anong kailangan mo iho??"

"Ahh ehh h-hello po"

"Kaibigan ka ba ni Myra?"

"Ahh o-opo"

"Lika pasok ka. Bakit napakadami mong dala jusko"

"Para po sa inyo sana"

"Ha? Bakit?"

"Ahh tita... ang totoo po kasi ano ehh..."

"Manliligaw ka ba ni Myra?"

"Hindi po"

"Ahh! Ikaw ba si Edison???"

"Po? Pano niyo po nalaman pangalan ko?"

"So ikaw nga yung boypren..."

"Ahh o-opo"

Parang maiihi na ko sa kaba dito habang kausap yung mama ni Myra 😣

"Wala dito si Myra. Hindi mo ba nakausap??"

"K-kayo po kasi talaga ang sadya ko muna..."

"Ako? Baket?"

Huminga ako ng malalim

"Alam ko po hindi niyo ako kilala. Hindi niyo din po maiiwasang isipin na hindi ako maganda para sa kanya, pero tita, andito po ako para sana ipakilala ang sarili ko sa inyo. Hindi po masama ang intensyon ko sa anak niyo. Wala po ako hangad kundi ang sumaya siya"

"Pano kung ayoko sayo at sa ginagawa mo?"

"Maiintindihan ko po, pero ang hihingin ko lang po sa inyo pagkakataon... pagkakataon na paligayahin ang anak niyo. Hindi ko po mapapangako na hindi ako magkakamali, pero hinding hindi ko po gugustuhin ang masaktan siya"

"Bakit mo minahal ang anak ko?"

"Binago niya po ang buhay ko tita. Wala na po akong magulang. Pero hindi po ako nag-iisa, yung mga kasambahay namin, sila na yung naging pamilya ko. Hindi na ko umasang magkakaroon pa ko ng saya sa buhay, pero nung makilala ko siya, ginusto kong sumaya. Ginusto ko pong magkaroon ng bukas, bukas na kasama siya"

Nakita ko namang unti unting ngumiti si tita

"Teka kukuha kitang tubig"

"S-salamat po"

Maya maya lang bumalik na si tita galing sa kusina

"Oh uminom ka muna"

"Salamat po tita"

"Mama. Pwede mo kong tawaging mama"

"P-po?"

"Yung effort mong magpunta dito para ipakilala ang sarili mo sapat na yun saken iho para makita kung gano ka kaseryoso sa anak ko. Yung ex niya? Ni hindi ko nakita ang pagmumukha nun sa bahay na to. Nalaman ko na lang iniiyakan na siya ng anak ko dahil naloko siya. Ayokong maulit yun sa anak ko"

"Hinding hindi ko po magagawa yun sa anak niyo tita"

"Mama na lang nga. Simula ngayon tawagin mo kong mama."

"M-mama"

"Lika nga!" Tapos inaya niya ako palapit sa kanya saka niyakap. Ganto pala pakiramdam mayakap ng isang ina... hindi ko namalayan na naluha na pala ako

"Wag ka na umiyak iho. Ako na nanay mo simula ngayon, ha? Kung ano man nangyare sa magulang mo, hindi mo kasalanan yun ha?"

"Ang sarap po pala may mayakap na mama" sabi ko sabay pahid sa luha ko

"Kahit ulit ulitin mo pa kong tawaging mama ok lang"

"Talaga po?"

"Oo naman! Haha lika na ayusin natin yang mga dala mo bago pa dumating si Myra. Sabihin nun pinapaiyak kita hahaha"

"Ang saya saya ko ma. Salamat po" tapos niyakap ko ulit si mama

"Sus naman ang anak ko! Ke gwapo kaso iyakin hahaha tama na yan lika na"

"Haha opo"

Hey DaydreamerWhere stories live. Discover now