37

207 9 29
                                    

YUNA.

"Pasensya na, iha. Kakaalis lang ni Jeonghan eh."

Malungkot na sabi ng Mama ni Jeonghan sa akin. Napangiti nalang ako ng bahagya at nagpasalamat nalang. Pagtapos ay naglakad na ako papuntang school. Naisipan kong sabayan sya papasok at kausapin sya sa tungkol kagabi. Pero di ko akalain na pumasok na pala sya.

Pagdating ko ng school ay kaagad ko hinanap si Jeonghan. Pumunta ako sa locker nya at nagbabakasakaling andun sya pero napasimangot ako ng di ko sya mamataan dun. Sunod naman ako pumunta sa gym at nakita yung mga kalaro ni Jeonghan na naglalaro. Napansin nila ako kaya naman kaagad silang lumapit sa akin. Di ko naman gaano kaclose mga kalaro ni Jeonghan pero nakakausap ko pa rin naman.

"Hi, Yuna!"

Nakangiting bati sa akin ni Seungcheol, isa sa mga kalaro ni Jeonghan. Napangiti nalang rin ako sa kanya.

"Hello. Um, nakita mo ba si Jeonghan?"

Tanong ko at napansin ko ang pagpawi ng ngiti sa kanyang labi. Napahinga naman sya ng malalim.

"Andito sya kanina, eh. Kaya lang umalis agad. Ang lungkot ng mukha nya. May problema ba sya?"

Sabi nya at naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko. Di ko na nasagot yung tanong nya at nagpaalam nalang sa kanya. Tumalikod na ako at naglakad na palabas ng gym. Nakatuon lamang tong atensyon ko sa sahig habang nag-iisip at di ko namalayan na may taong paparating kaya naman di ako sadyang mabangga sa kanya. Kaagad ako napatingala at nagulat ako ng makita ko si Jun.

"Sorry, Jun.."

Sabi ko at mabilis na lumayo sa kanya. Bigla ko naman naalala yung chat namin kagabi.

"It's fine."

Matipid nyang sabi at napangiti nalang ako ng bahagya sa kanya. Magpapaalam na sana ako ng bigla ulit syang magsalita.

"May gagawin ka ba mamaya?"

Di ko naman maiwasan magulat ng onti ng dahil dun sa tanong nya. Naramdaman ko naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Um, wala naman. Bakit?"

"Hmm. Just asking."

Sabi nya at tumalikod na sa akin tsaka naglakad palayo. Anak ng, yun lang?? Napailing-iling nalang ako sa lalaking yun. Napansin ko, bakit parang kakaiba na mga kilos ni Jun pagdating sa akin? O baka ako lang tong asumera na nag-iisip ng kung ano-ano.

•·················•·················•

JUN.

Tapos na ang klase at dumiretso na agad ako palabas ng room. Pupunta na sana ako ng dance practice room ng biglang may tumawag sa akin, dahilan para mapatigil ako sa paglalakad. Nung una akala ko si Woozi iyon pero paglingon ko, ay si Jeonghan pala.

"Bakit?"

Matipid kong tanong at napansin ko naman na sobrang seryoso ng tingin nya sa akin. Naglakad sya papalapit sa akin at tumayo sa may harapan ko.

"Inaanyayahan kita maglaro, ngayon."

Seryoso nyang sabi at napataas naman tong isang kilay ko.

"Bakit?"

"Wala lang. Gusto ko lang makita kung paano ka maglaro nung habang wala ako."

Sabi nya at saglit naman ako di nakapagsalita. Di ko alam pero parang may iba pang gustong ipahiwatig tong lalaking to. Napatingin ako sa orasan na suot ko at nakitang alas kwatro na ng hapon. Pagtapos ay napahinga nalang ako ng malalim.

FANGIRL. Donde viven las historias. Descúbrelo ahora