17

221 8 8
                                    

YUNA.

"Yuna!"

Natauhan ako ng bigla akong tawagin ni Lea. Kaagad ako napatingin sa kanya.

"Bakit?"

"Punta tayo sa gym!"

Sabi nya at ngumiti sa akin. Di ko naman maiwasan magtaka sa kung bakit bigla-bigla syang ngingiti ng ganyan sa akin.

"Ano meron?"

"Andun kasi si Jeonghan so naisipan kong samahan natin sya. Tara na!"

Sabi nya. Ibubuka ko na sana bibig ko para magsalita pero kaagad hinawakan ni Lea tong kamay ko at hinila na ako papunta sa gymnasium. Wala na akong nagawa kundi sumama nalang. Ng makadating na kami sa gym ay meron kaming nakitang mga nagprapractice maglaro dun. Agad namin namataan si Jeonghan na nakaupo sa may bleachers habang pinapanood yung mga naglalaro. Lumapit na kami sa kanya.

"Jeonghan!"

Gulat naman napatingin sa amin si Jeonghan ng tawagin sya ni Lea.

"Uy? Ano ginagawa nyo dito?"

"Eto kasi si Lea sabi nya samahan ka daw namin."

Sabi ko at naupo sa tabi nya. Naupo naman sa kabilang gilid nya si Lea at napansin ko na parang di sya mapakali. Ano kaya meron?

"Di nyo na ako kailangan samahan. Aalis na rin ako eh."

"Ok lang. Tsaka di mo man sabihin, alam kong gusto mo rin maglaro. Pero syempre, kailangan magpagaling ka muna."

Pabiro kong sabi at natawa naman ng marahan si Jeonghan. Pagtapos ay tinignan nya ako diretso sa aking mata. Nagkaroon ng panandaliang katahimikan hanggang sa di ko na napigilan magtanong.

"Um, bakit ganyan ka makatingin?"

Natatawa kong sabi. Napangiti naman si Jeonghan sa akin at umiling-iling.

"Wala. Di ko lang maiwasan na titigan ka dahil na–"

"OMG! ANG AKING BEBE WOOZI NANDITO NA!"

Parehas kami nagitla ng biglang sumigaw si Lea. Napatingin kami sa gitna at nakita sila Jun tsaka Woozi. Teka, kasama rin sa laro yung kaibigan ni Jun? Sa mga oras na yun, ay dun ko lang napagtanto sa kung bakit ako niyaya ni Lea dito. Hindi para samahan kaibigan namin, kundi para masilayan si Woozi. Tsk.

"Gusto mo lang pala makita si Woozi eh!"

"Hehe, sorry na. Pero shet, ang gwapo nila ni Jun!"

Kinikilig nyang sabi at naglabas ng cellphone upang kuhanan ng picture si Woozi. Napailing-iling nalang ako sa bruhang yun. Ng mapatingin ako kay Jeonghan ay nakita kong biglang sumeryoso yung mukha nya.

"Um Jeonghan, ok ka lang?"

"Di ko akalain na sa lahat ng pwede nilang ipalit sa akin, yung Jun na yun pa napili nila."

Sabi ni Jeonghan at napahinga ng malalim. Di ko naman maiwasan kabahan sa kanya. Sobrang sama ng tingin nya kay Jun at di ko naman maiwasan kabahan at magtaka sa kanya at the same time. May galit kaya sya kay Jun o ano? Before I even knew it, biglang tumayo si Jeonghan. Parehas kaming napatingin ni Lea sa kanya at naglakad sya papunta sa gitna, kung nasan sila Jun. Nagkatinginan naman kami ni Lea at parehas nagtataka sa kung anong gagawin ni Jeonghan.

Agad kami tumayo ni Lea at lumapit kay Jeonghan. Napansin ko naman na nakatingin yung mga ibang players kila Jeonghan at Jun.

"Ikaw ba talaga pinili ni coach?"

Seryosong tanong ni Jeonghan kay Jun. Napahinga naman ng malalim si Jun at biglang may inabot na papel kay Jeonghan. Napatingin naman sa papel si Jeonghan.

"Letter yan ng coach nyo."

Walang kaemo-emosyon na sabi ni Jun. Napatingin ako sa kanilang dalawa at parang may namumuo ng tensyon sa pagitan nila. Bigla naman sumingit si Woozi.

"Sya nga pinili. May problema ba tayo dun, Jeonghan?"

Tanong ni Woozi at saglit naman di nakapagsalita si Jeonghan. Nanatili lang sya nakatingin ng masama kay Jun. Habang tumatagal ay mas lalong lumalaki yung tensyon na namamagitan sa kanila kaya naman kinapalan ko na mukha kong makisingit sa kanila.

"G-guys, magsisimula na daw yung practice."

Sabi ko at bigla nalang ako nailang ng mapatingin sila sa akin, kasama na dun si Jun. Ng magtama ang aming mata ay bigla ko nalang naalala yung ginawa nyang pagyakap sa akin kagabi. Naramdaman ko naman ang biglaang pagkabilis ng tibok ng puso ko dahil dun. Fudge. Ano nanaman nangyayari sa akin?? Tumalikod na si Jeonghan at naglakad na palayo. Nagsorry nalang ako kila Jun at sumunod na kami ni Lea sa kanya.

"Jeonghan, ok ka lang?"

Tanong ko kay Jeonghan ng makalabas na kami sa gym. Nagpaiwan muna saglit si Lea sa loob at gusto nya daw manood kaya hinayaan ko nalang sya. Napabuntong hininga naman si Jeonghan.

"Ok lang ako. Ayaw ko lang na.."

Bigla nalang natigilan si Jeonghan. Nagtataka naman akong nakatingin sa kanya.

"Na ano?"

"Wala. Kalimutan mo na yun."

Sabi nya at umiwas ng tingin sa akin. Tumango-tango nalang ako. Hmm. Nag-away kaya sila ni Jun? Di man sabihin ni Jeonghan, pero may kutob ako na may galit sya kay Jun.

•·················•·················•

LEA.

Ng matapos na silang magpractice ay nagsialisan na sila. Ng makadaan sa direksyon ko sila Woozi ay huminga muna ako ng malalim bago sya tawagin.

"Woozi!"

Natigilan naman sila sa paglalakad at napatingin sa akin. Ngumiti naman ako ng bahagya at lumapit sa kanila.

"Um, hi."

"Ano kailangan mo?"

Tanong nya at naramdaman ko naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Gusto ko lang sana magpasalamat sa pagtulong mo sa akin nun..."

Sabi ko at napangisi naman si Woozi na mas lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko. Ang gwapo nya talaga!

"Di mo na kailangan magpasalamat sa akin. Kahit sino naman na makakakita sayo nung araw na yun, gagawin rin yung ginawa ko. Don't feel special about it."

Dahan-dahan naman napawi tong ngiti ko ng dahil dun sa sinabi ni Woozi. Napahinga naman ng malalim si Jun at nauna ng maglakad palabas ng gym. Totoo naman yung sinabi ni Woozi.

"Sige, kailangan ko ng umuwi."

Sabi ni Woozi at ngumiti ng bahagya sa akin. Ng malagpasan nya na ako ay sinubukan ko pa rin ngumiti kahit nasaktan ako ng onti dun sa sinabi nya. Kaagad ako tumalikod at muling tinawag sya.

"Woozi!"

Napatigil ulit sya sa paglalakad at lumingon sa akin. Ngumiti ako sa kanya.

"Salamat pa rin, Woozi."

Sabi ko at nanatili lang nakatingin sa akin si Woozi. Kinikilig talaga ako.

FANGIRL. Onde as histórias ganham vida. Descobre agora