28

208 7 3
                                    

YUNA.

Ng makarating na ako sa convinience store ay namataan ko agad si Jeonghan na nakaupo dun sa mga lamesa sa labas. Huminga ako ng malalim at naglakad na papalapit sa kanya.

"Jeonghan.."

Tawag ko at agad naman syang napatingala sa akin. Bigla naman syang tumayo at lumapit sa akin. Ng makalapit na sya sa akin ay ibinalot nya mga kamay nya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Yuna, I'm sorry..."

Rinig kong sabi nya. Napangiti nalang ako at niyakap sya pabalik. Dahan-dahan ko tinapik likod nya.

"Okay lang, Jeonghan.."

Sabi ko. We stood like that for a while. At maya-maya ay kumalas na sya sa yakap at tinignan ako diretso sa aking mata.

"Sorry Yuna kung napagtaasan kita ng boses. Hinding-hindi ko sinasadya iyon.."

"Ok lang, Jeonghan. Naiintindihan naman kita."

Sabi ko at ngumiti sa kanya. Pagtapos ay niyaya nya ako bumili sa loob at sinabi nyang ililibre nya daw ako ng ice cream, as an apology gift kuno. Tumanggi ako but he insisted to buy me some. Kaya pumayag nalang rin ako. Once we bought our ice cream, we sat at the table outside and ate it there while watching the stars above the night sky.

"Namiss mo siguro ako kausap no?"

Biro ko sa kanya. Natawa naman sya.

"Baka ikaw ang nakamiss sa akin."

Sabi nya at natawa nalang rin ako. It's just the two of us. Eating ice cream, joking around, and watching the stars. What a perfect night it is. Ng maubos na namin yung ice cream ay naisipan naman namin tumambay muna saglit. Tahimik lamang namin pinagmamasdan yung mga bituin ng biglang magsalita si Jeonghan.

"Yuna..."

"Hmm?"

"May tanong ako sayo..."

Sabi nya at napatingin naman ako sa kanya.

"Ano yun?"

Tanong ko. He sighed and shifted his eyes back at me.

"Has someone already captured your heart?"

Tanong nya at saglit naman ako di nakapagsalita. Di ko alam bakit sa mga oras na yun ay bigla kong naalala si Jun. Napalunok naman ako at bahagyang ngumiti sa kanya.

"Um.."

Di ko alam sasabihin ko. Has someone already captured my heart? I don't know. Maybe?

"Ok lang kung di mo masagot. Natanong ko lang."

Sabi ni Jeonghan ng mapansin nyang di ako makasagot. Muli kaming napatingin sa mga bituin. I love how the stars always shines beautifully. Maya-maya ay narinig kong nagsalita ulit si Jeonghan.

"Sobrang saya ko na nakilala kita, Yuna. Gusto ko lang sabihin na salamat dahil dumating ka sa buhay ko."

Sabi nya at nanatili nalang akong tahimik. It's a bit random, but I don't know why I understood what he said. I just smiled at him and continued watching the stars with him.

•·················•·················•

Nakakatitig lamang ako sa kawalan at hindi makatulog. Hanggang ngayon naaalala ko pa rin yung tanong ni Jeonghan sa akin kanina. It's a simple question.

Pero, di ko alam bakit bigla-bigla kong naalala si Jun. Simula nung niyakap nya ako that night, I've been feeling something odd whenever I see him or whenever he's near me. Naalala ko tuloy yung magkasama kami sa library. The way his head fell and rested on my shoulder, I knew something was not right in my feelings. Lahat ng interactions namin ay bigla-bigla kong naalala.

But, the way he walked towards me that day and held my arms tightly, I became even more confused of this odd feeling towards him. Jun is a nice guy. Pero minsan may pagkasnob lang talaga sya. But I can't forget how he offered his handkerchief at me nung umiyak ako. I didn't expect that he would actually do that. Pero, kung ibang tao rin naman kasama ko dun, ganun rin ang gagawin. This odd feeling is giving me a headache. Fudge. I met him because he was my idol and I was his fan. And now, I've been feeling odd towards him.

Di kaya...nahuhulog na ako kay Jun?

FANGIRL. Where stories live. Discover now