33

210 6 4
                                    

JUN.

Napasulyap ako sa relos na nakasabit sa pader at tinignan kung anong oras. Saktong 6 PM na. Kinuha ko na yung leather jacket ko at lalabas na sana sa aking kwarto pero natigilan ako ng makita kong bumukas iyon. Akala ko sila Mom lang pero di na ako nagulat ng makita ko si Woozi.

"Sup!"

Bungad nya habang kumakain ng brownies na binake ni Mom kaninang lunch. Sanay naman na ako na bigla-biglang papasok sa kwarto ko to si Woozi. Even my Mom just allows him and he can enter our house without having our consent. He treats our home his home as well.

"Bihis na bihis ah. Sakto yayayain sana kita."

Sabi nya at nahiga sa kama ko. Napabuntong hininga naman ako at sinuot na yung leather jacket ko.

"Sorry, di ako makakasama sayo."

"Nanaman?"

Di makapaniwala nyang sabi at naupo. Lumabas na ako sa kwarto at kaagad naman syang sumunod sa akin.

"San ka pupunta? May lakad kayo ni Stephany?"

Sunod-sunod nyang tanong at sa pagbanggit nya palang ng pangalan ni Stephany ay muli akong napabuntong hininga. Tumigil ako sa paglalakad at muling napalingon sa kanya.

"Pwede ba wag mo na syang ibanggit. At tsaka, hindi si Stephany kasama ko ngayon."

"Eh sino?"

Nagtataka nyang tanong. Napangisi naman ako sa di malaman na dahilan.

"Yuna."

"Yuna?! Dude, may gusto ka ba sa kan-"

Di ko na sya pinakinggan at tumalikod na ako sa kanya. Bumaba na ako sa hagdan.

"Mauuna na ako."

•·················•·················•

YUNA.

Ng maayos ko na ang aking sarili ay saglit ko pinagmasdan suot ko sa salamin.

Ng maayos ko na ang aking sarili ay saglit ko pinagmasdan suot ko sa salamin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Napangiti naman ako ng bahagya sa aking sarili. At least mukha naman akong tao. Maya-maya ay natauhan ako ng marinig kong tumunog tong cellphone ko. Pagbukas ko ay naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko ng makita kong may isa akong message galing kay Jun. Kaagad ko binasa iyon.

• • •

WEN JUNHUI
active now
6:10 pm

Jun
hey.

Jun
meet up tayo sa convinience store.

Yuna
sure
seen

•·················•·················•

Ng makalabas na ako ng bahay ay dumiretso na ako sa convinience store, kung saana ako makikipagkita kay Jun. Hanggang ngayon sobrang bilis pa din ng tibok ng puso ko. First time ko lang kasi makakasama si Jun sa isang lakad. I mean di naman kami masyado nagpapansinan pag nasa school and we casually see each other off campus. Lalo na sa convinience store.

Ng matanaw ko na yung store ay tinignan ko kung nandun na si Jun. Namataan ko agad sya na nakatayo sa may gilid habang nagcecellphone. Saglit ko pinagmasdan tsura nya. Naka-leather jacket rin sya at nakaputing shirt sa loob, naka black pants and white converse shoes. It's a very casual clothing, but he still managed to look handsome. Huminga ako ng malalim at ikinalma ang aking sarili.

"Hey."

Sabi ko mg makalapit na ako sa kanya. Dahan-dahan naman syang napatingin sa akin. Napansin ko ang pagtingin nya sa akin mula ulo hanggang paa. Napakagat naman ako sa aking labi at di maiwasan mailang. Fudge. Once our eyes met again, I noticed how the corner of his lips curved a little into a small smile.

"Leather jacket, huh? Magmumukha tayong couple."

Sabi nya at napailing-iling. At dahil dun mas lalong bumilis tong tibok ng aking puso. Puta. Natawa nalang ako ng marahan at di alam ang sasabihin. Tinago nya na cellphone nya sa bulsa ng pantalon nya.

"Let's go."

He said. And here I am mentally praying that nothing bad and awkward will happen to me.

FANGIRL. Where stories live. Discover now