07

263 10 24
                                    

YUNA.

Nilibre kami ni Jeonghan sa isang kainan na mukhang bagong bukas lang. Habang kumakain kami ay di naman maawat si Lea sa sobrang kilig habang pinapakita nya sa amin yung mga pictures ni Woozi na kinuhanan nya kanina sa gym. Napahinga naman ng malalim si Jeonghan.

"Sus. Halos nakatalikod naman."

"At least may picture, bleh!"

Sabi ni Lea at ginawa pang wallpaper iyon. Natawa nalang ako sa kanya. Naramdaman ko naman napatingin sa akin si Jeonghan. Dahil dun, dahan-dahan ako napaharap sa kanya hanggang sa magtama ang mga mata namin. Saglit kami nagkatitigan at di ko alam pero parang may kakaiba sa mga tinginan ni Jeonghan sa akin.

"Nga pala,"

Natauhan naman ako ng marinig kong magsalita nanaman si Lea. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa kanya bago pa ako matunaw sa mga tinginan ni Jeonghan. Jusko po.

"Gusto mo bang send ko sayo yung picture nyo ni Jun?"

May halong asar nyang tanong sabay pakita sa akin nung pic. Kaagad ko tinakpan yun baka mamaya may kakilala pala kami dito na makakita nun.

"Delete mo na yan!"

"Bleh! Ayaw ko! Cute nyo kaya!"

Pang-asar ni Lea at napasimangot nalang ako. Sa lahat ba naman kase ng pwede nyang kunin, bakit yung salo-salo pa ako ni Jun? Napaka-cringy mukha akong tanga dun.

"Hay nako kayong dalawa. Di ko kayo nilibre para pagkaguluhan yang si Jun na yan."

Sabi ni Jeonghan na mukhang nagtatampo na sa amin. Kaagad ko naman hinawakan braso nya na mukhang ikinagulat nya naman.

"Si Lea sisihin mo, wag ako."

"Hoy! Demonyo ka talaga!"

Pasigaw na sabi ni Lea at binelatan ko nalang sya. Natawa nalang si Jeonghan at napailing-iling sa amin.

"Kaibigan ko nga kayong dalawa."

•·················•·················•

"Salamat sa libre, Jeonghan! Next time ako naman manglilibre, pag medyo nakaipon na ako."

Sabi ni Lea at napangiti nalang si Jeonghan sa kanya.

"Sige, hihintayin namin yan."

"Ge, dito na daan ko. Mag-iingat kayong dalawa!"

Paalam ni Lea at naglakad na paalis hanggang sa kaming dalawa nalang ni Jeonghan ang magkasama. Humarap naman sa akin si Jeonghan at huminga ng malalim.

"Gusto mo bang hatid na kita?"

Tanong nya at kinurot tong ilong ko. Kaagad ko inalis yung kamay nya at natawa naman sya. Pagtapos ay umiling naman ako dun sa sinabi nya.

"Wag na. Baka gabihin ka pa sa pag-uwi."

"Ok lang. Sabihin ko nalang hinatid ko baby girl ko."

Sabi nya sabay kindat sa akin. Naramdaman ko naman ang biglaang pagtibok ng puso ko. Kalma, self. Pabiro ko naman hinampas yung braso nya.

"Baby girl? Ang corny mo."

"Bebe ko, gusto mo?"

Sabi nya at nagulat ako ng bigla nyang inilapit yung mukha nya sa akin. Di ko alam bakit napatingin ako sa mga labi nya. Jusko! Bago pa magkagulo tong isipan ko ay agad ako lumayo sa kanya. Natawa naman si Jeonghan.

"Joke lang. Baka mamaya kinilig ka na."

"Kinilig? More like, nandiri."

Biro ko at ginulo-gulo nya naman tong buhok ko. Pagtapos ay nagpaalam na ako sa kanya.

"Sure ka na kaya mo?"

"Oo naman. Message nalang kita pag nakauwi na ako."

Sabi ko at tumango nalang sya. Muli na akong nagpaalam kay Jeonghan at naglakad na palayo. Habang naglalakad ako ay ramdam kong nakatingin pa rin sa akin si Jeonghan. Pero di ko pa rin makakalimutan yung mga tingin nya sa akin kanina. Ang weird, bakit ganto nararamdaman ko para sa kanya? Aish.

Nakalubog na ang araw kaya medyo madilim na ang paligid. Nagsimula ng magsibukasan yung mga ilaw sa mga tabi-tabi. Sobrang tahimik lalo na ako lang ang naglalakad sa daan na to. Di ko alam bakit bigla akong kinabahan. Baka mamaya may bigla-bigla nalang susulpot sa harapan ko o kaya baka may biglang sumunod sa akin. Grabe, ang OA ko.

Inalis ko na muna lahat ng iniisip ko at nagpatuloy sa paglalakad. Di pa naman gabing-gabi kaya wala dapat akong ikatakot. Pagliko ko sa isang kalye ay bigla akong napatigil ng makita kong may isang lalaki na halos itim lahat ang suot ang nakatayo ngayon sa harapan ko. Sa mga oras na yun, bigla akong kinabahan at naramdaman ko ang pagnginig ng mga binti ko.

Napalunok naman ako at dahan-dahan umatras pero bigla nalang sya humakbang papalapit sa akin. Nanlaki naman mga mata ko at mabilis na umatras pero bigla nalang tumama tong likod ko sa dibdib ng isang tao. Napatigil naman sa paghakbang papalapit sa akin yung lalaki at naramdaman kong ipinulupot nitong tao sa likod ang kanyang kamay sa aking balikat.

Akala ko may gagawin na masama yung lalaki pero inayos nya yung pagkakasuot ng sumbrelo sa ulo nya at naglakad na paalis. Ng mawala na sya sa paningin ko ay napahawak naman ako sa dibdib ko at napahinga ng maluwag. Grabe, kakabanggit ko lang nun di ko akalain na may susulpot talaga.

Halos makalimutan ko ng may nakatayo sa likod ko kaya naman lumingon ako upang pasalamatan sya pero di ko akalain na sya, sa lahat ng tao, ang makikita ko. Agad ako napalayo at nanlaki naman tong mga mata ko dahil sa sobrang gulat ng makita sya.

"J-jun?"

FANGIRL. Where stories live. Discover now