36

238 10 50
                                    

YUNA.

"Akala ko ba libre mo?!"

"Oo nga! Binibiro lang kita."

Sabi ni Jeonghan at tumawa na parang baliw. Napairap nalang ako sa kanya. Ng matapos maglaro si Jeonghan ay pumunta agad kami sa kainan, kagaya ng napagusapan. Ng makadating na yung inorder namin na pagkain ay sinimulan na agad namin kumain.

"Next time ako naman manlilibre sayo!"

Sabi ko habang ineenjoy ko yung pagkain. Napangisi naman si Jeonghan at inilapit yung kamay sa akin tsaka ginulo-gulo tong nananahimik kong buhok.

"Next week?"

"Sige ba!"

Sabi ko at natawa nalang si Jeonghan at nagpatuloy kumain. Maya-maya nagsalita ulit sya.

"Kahit di mo naman na ako ilibre, manatili ka lang sa tabi ko sapat na."

"Aw, sweet mo naman!"

Sabi ko at ngumiti nalang sa akin si Jeonghan. Habang kumakain kami ay masaya naman kami nagkwekwentuhan. Pero napansin ko na parang iniiwasan ni Jeonghan tumingin ng diretso sa akin. Di ko alam kung naiilang ba sya o baka ako lang tong nag-iisip ng kung ano-ano.

Ng matapos na kami kumain ay binayaran na iyon ni Jeonghan at lumabas na kami. Napatingin ako sa orasan sa cellphone at nakitang alas syete na pala ng gabi.

"Hatid na kita."

Sabi ni Jeonghan at pumayag nalang rin ako. Habang naglalakad kami ay pinagpatuloy namin yung pinag-uusapan kanina ng biglang iniba ni Jeonghan yung usapan.

"Yuna, may tanong ako sayo.."

Sabi nya ng hindi tumitingin sa akin. Nakatingin lamang sya sa sahig habang nakangiti sa sarili. Nadaanan na namin yung convinience store at medyo malapit na rin kami sa bahay ko.

"Ano yun?"

Tanong ko at hinintay yung sasabihin nya. Huminga sya ng malalim at inangat ang tingin sa akin.

"Hmm, wag na pala. Nakalimutan ko na."

"Luh."

Sabi ko at natawa nalang sya ng marahan tsaka muling ginulo tong buhok ko. Pagtapos nun ay parehas kami natahimik. Di ko alam bakit may kutob ako na may gusto pang sabihin sa akin si Jeonghan. Nakarating na kami sa bahay at nagpasalamat na ako sa kanya.

"Salamat sa libre! Basta next week ah!"

"Welcome."

Sabi nya at ngumiti ng bahagya sa akin. Nagpaalam na ako sa kanya at papasok na sana sa loob ng bigla nya akong tawagin dahilan para matigilan ako.

"Bakit?"

Nagtataka kong tanong. Humakbang sya papalapit sa akin at nagulat ako ng bigla nyang hinawakan magkabilang balikat ko. Napatingin ako sa kamay nyang nakahawak sa balikat ko at sa kanya.

"Jeonghan?"

"Yuna, gusto ko lang magpasalamat sayo dahil nakilala kita at laking pasasalamat ko rin na naging kaibigan kita. Salamat rin sa mga tulong na ginawa mo para sa akin. Sobra ko yun na-appreciate, Yuna.."

Sabi nya out of the blue. Medyo natouch ako sa sinabi nya pero di ko pa rin maiwasan magtaka sa kung anong nangyayari.

"Ako rin, Jeonghan..."

"Salamat Yuna...salamat.."

Paulit-ulit nyang sabi at dahan-dahang napayuko. Di ko naman maiwasan mag-alala sa kanya kaya inalalayan ko sya.

FANGIRL. Where stories live. Discover now