Natawa naman siya kaya sinimangutan ko siya, akala ba niya ay nagbibiro ako?

"Oo na. Tara, wear this helmet para hindi ka nila makilala. Ako ng bahala." Napangiti naman ako. Yes!

Kinuha ko na yung helmet atsaka yon sinuot. Ugh! Nakagown pa nga pala ako, bahala na nga! Umupo ako ng pambabae atsaka kinuha yung maleta ko, muntik pa kaming matumba dahil hindi ko alam kung paano iaangat yung malaking maletang to.

"Okay na?"

"Yup,"

Habang papalapit kami sa gate ng village ay kinakabahan na ako lalo pang nakapagpadagdag ng kaba ko nung pinahinto kami. Shit!

"May problema ba?" Maangas na tanong ni Tyler, hindi ko alam kung umaakto lang ba 'to o ganon talaga siya sa iba.

"Pasensya na po sir, yung anak po kasi ni Mr. Park ay hinahanap namin, bawal po kasi siyang lumabas ng village." Sabi noong isa sa mga body guards. Si manong guard naman ay nakatingin lang sakin na parang kinikilala ako. Shit! Alam kong posible niya akong makilala dahil sa suot ko,

"So are you saying that this girl is the daughter of Mr. Park?"

"Hindi naman sa ganoon sir, gusto lang naming icheck."

"Kapatid ko to. Pwede ba? May pupuntahan pa siyang event kaya palabasin niyo na kami at nagmamadali kami." Mukhang naiinis na si Tyler, anong gagawin ko? Kamalas malasan naman o!

"Pasen---"

"Palabasin niyo na sila, kapatid nga ni sir 'yan, baka mamaya ay mahuli siya sa pupuntahan niya."
Napatingin kaming lahat kay manong guard, savior ko siya! Tinanguan ko siya dahil hindi naman ako pwedeng magsalita, ngiti lang ang isinukli sakin ni manong.

Ilalagay ko sa reminder ko na ililibre ko si manong guard pagbalik ko.

"Sige ho sir, pasensya na ho." Pinaharurot kaagad ni Tyler ang motor kaya agad akong napakapit sa bewang niya. Gago to! Muntik nako doon ah! Pero shit! Nakatakas ako!

Sinabi ko kay Tyler na sa 711 malapit sa school niya na lang ako ihatid, noong una ay nagtanong pa siya pero kalaunan ay tinanggap niya na lang din yung sinabi ko at doon nga ako ibinaba.

"So asan na ang libre ko?" Nakangisi niyang sabi nung nakatayo na ako dito sa harap ng 711, kahit ang mga kabataan na nakatambay dito ay napapatingin sa amin. Hindi ko naman pwedeng sabihin na kaya sila napapatingin dahil sa gwapo itong kasama ko dahil nakahelmet pa din naman siya, isang dahilan lang ang alam ko kaya nakatingin sila sa amin ngayon, una dahil sa suot ko, at ikalawa dahil may maleta ako.

Sino ba namang timang ang magbabyahe ng may suot na gown hindi ba? Edi ako. Ako lang naman.

"Mayaman ka naman! Hindi mo na kailangan ng libre!"

"Walang ganyanan, nangako ka kanina na ililibre mo ako, isa pa gutom na ako o."

"Nangako ba ako?"

Pinanliitan niya ako ng mata kaya humagalpak ako. Lalo tuloy napatingin yung mga tao samin---sakin. Bakit? Ngayon lang ba sila nakakita ng magandang babae na tumatawa ng malakas?

Sinamaan niya ako ng tingin kaya tumigil na ako,

"Sige na nga. Tara na sa loob, iayos mo na ang pagpapark dyan sa motor mo para makakain ka na."

"Sige, mauna ka na. Susunod ako."

Kumunot ang noo ko,

"Paano ko malalaman kung ano ang gusto mo?"

Maya maya ay bumulong siya, anong binubulong bulong nito?

"Ano?" Taas kilay kong tanong, umiling lamang siya at nagsalita.

"Wala. Kahit ano na lang ang akin, hindi naman ako mapili." Aniya atsaka tumawa. Napailing na lang ako at pumasok na sa loob ng 711.

-

"Sigurado ka bang dito ka na lang?" Tumango ako, pang ilang ulit niya na bang tanong yan? Simula kaninang kumakain kami ay tanong na siya ng tanong. Napairap na lang tuloy ako.

"Hindi kita pwedeng iwan ng mag-isa, kapag napahamak ka ay kargo kita.." kibit balikat niyang sabi. Ayoko ng abalahin pa siya, isa pa ay gusto ko kapag nakahanap ako ng matutuluyan ay walang ibang nakakaalam non kung hindi ako lang.

"Kaya ko naman ang mag-isa, atsaka madaming tao dito kaya naman takot na lang ng masasamang loob na gawan ako ng masama no."

"No. Let's make a deal, hihintayin kong makasakay ka ng bus or whatever vehicle you're going to take to get away from here bago ako umalis." Wala na akong nagawa kung hindi ang tumango. Tutal ay hindi ko din naman alam kung saan mag-uumpisang maghanap kaya sasakay ako sa unang bus na dadaan. Hindi ko alam kung may dumadaan pa bang bus dito dahil bihira lang ako makakita noon na humihinto mismo sa kung saan kami naghihintay.

Habang naghihintay ay nagkwentuhan muna kami, kung ano anong kalokohan ang pinagsasasabi niya kaya natatawa na lang ako.

"Alam mo kamukha mo nga 'yon e..."

"Huh? Ang alin?"

"Yung babae..."

"Sinong babae?"

"Yung kinikwento kong pinapartner nila sa akin."

Tumawa ako bago magsalita, "O edi tiba tiba ka pala! Kasing ganda ko ba naman ang ipareha sayo e." Sabi ko habang nakangisi, ngumiwi naman siya kaya hinampas ko siya atsaka umirap. Siya naman ang natawa.

"Anyway, thank you nga pala."

"No worries." Sabi niya at kumindat. Maya maya ay natahimik naman kami. Napagod ako kakatawa at siguro ay napagod siya kakakwento.

"So... nandito ka lang pala..." napaayos ako ng tayo ng madinig ko ang malamig niyang boses. May bahid ng pait doon, napaharap ako sa nagsalita at literal na nanlaki ang mata ko, pawis na pawis siya. Kita ko sa mga mata niyang matalim na nakatingin sa amin ang lungkot, sakit, pagod, at galit.

Parang gusto ko ng magtago dahil sa tagusang tingin niya.

"An-Anthony..."

A Nerd With ClassWhere stories live. Discover now