ANWC: 3

2.2K 95 3
                                        

Couple pageant

Nandito ako ngayon sa malapit sa 711, nag-aantay ako ng pwedeng masakyan. Gusto kong mag greenwhich ngayon, yun lang naman makakapagpaalis ng stress ko eh. Limang minuto na ako nag-aantay ng masasakyan, aba! Mahirap mag-antay ng limang minuto ah! Maya-maya may humintong motor sa harap ko. Syempre may nagdadrive sa motor, kung wala edi kanina pa ako nagtatatakbo dito. Nung tinanggal niya yung helmet niya parang gusto ko na ngang tumakbo. Tumayo ako, atsaka nagsimulang maglakad.

"Margarette." Hindi ako huminto, bahala ka sa buhay mo. Pinaandar niya yung motor niya at dahan dahang pinapatakbo para makasunod sakin. Maubos sana gas mo, +____+

"Margarette! Teka lang naman!"

"Ano bang problema mo ha?" Hinarap ko na siya, ang kulit eh! Nabibwisit na ako!

"Sorry okay? Sorry sa mga nasabi ko kanina, hindi ko naman alam yung nangyayari between you and Lucy tapos nagsalita na agad ako ng tapos, sana maintindihan mo, hindi ko lang nagustuhan na nasaktan siya.." Ano yon? Nagpunta siya dito para magsorry eh sabihin sa akin kung gaano siya ka nag-aalala kay Lucy? Hindi ako nagsalita, wala naman akong sasabihin.

"Hmm, wala ka bang balak kausapin ako?" Hindi pa din ako nagsalita, bakit ko naman siya kakausapin?

"Sige na, sampalin mo na ako. Sigawan, sabihan ng masasakit na salita, lahat yun tatanggapin ko." Still, no response pa din ako.

"Ganito na lang, sasamahan kita sa kahit saan mo gustong pumunta. My treat." Hmm, erkey. Pwede na, wehehehe. Sana'y naman na akong masaktan. Mawawala din 'to.

"Okay." Sagot ko at inantay siyang bumaba sa big bike niya, pero wala ata siyang balak bumaba don't tell me papasakayin niya ako dyan? Inabot niya sa akin yung suot niyang jacket atsaka yung isang helmet. -___-

"Papasakayin mo ako sa big bike mo? Ng naka skirt ako? At ng ganito katirik ang araw? Joke ba yan?" Sabi ko with matching snob at taas ng kilay. Tahruyyy.

"You. Don't. Have a choice. *smirk*" Sira ulo ba 'to? Siya may kasalanan sa akin pero siya gumaganyan? Pigilan niyo ako hahambalusin ko ng kawayan to!

"Well, I have a choice, edi hindi ako sasama. Easy as that." Sabi ko atsaka nilapag ang helmet at ihahagis ko na sana sa kanya yung jacket niya ng bigla siyang magsalita.

"Fine, I'm sorry okay? Hindi ko dinadala yung kotse ko dito sa school, dala ko lang siya kapag may mga importanteng lakad ako. Kaya big bike ang gamit ko, if ayaw mo sumakay magtaxi na lang tayo." Sabi niya at akmang bababa na sana kaso pinigiln ko, ayokong isipin niyang maarte ako. Kahit maarte naman talaga. I mean matagal ang pag-aantay ng taxi kanina pa nga ako nag-aantay dito diba? Wala namang dumadaan ._.

"No need" Sabi ko tsaka sinuot ang helmet at sinuot ang jacket, alam niya sigurong ayaw ko maarawan at sayang ang kutis ko.

"Stupid, hindi mo isusuot yang jacket -_-" Ako pa? ano bang ginagawa sa jacket? Diba sinusuot?

"Sige kakainin ko na lang."

"Really stupid, give me my jacket." Grabe! Binibiro ko lang siya tapos kukunin niya na agad jacket!?

"Bakit ko ibibigay yung jacket? Ako gagamit diba? Baki—"

"Shut up!" Kinuha niya ng tuluyan yung jacket atsaka ibinalot sa may bewang ko. Ohh, nakaskirt nga pala ako. At para pala yun don. Okaaaay. Pahiya ako dun.

***

"Kaya mong ubusin yan lahat?" Yii~ Ang daming pagkain *Q* may spaghetti, carbonara, solo pizza, tsaka yung bread, tapos yung banana pizza yung may nutella? *O* atsaka inumin, Hahaha. Mabubusog ako ngayong lunch! Yum! Sinimulan kong kainin yung spaghetti.

"I'm talking to you, margarette." Yung pagkain naman ni Anthony ay, carbonara with solo pizza lang. Diet ata 'to eh.

"Oo naman, ang konti nga lang nito eh."

"Takaw."

***

"Wooooh! Nabusog akoooo. Salamat sa treat! Mwahahaha." Actually di ko naubos /___\ Ang dami ko pala talagang inorder. Spaghetti, bread at 2 slice ng solo pizza lang naubos ko. Pero syempre tinake out ko para mamayang pag-uwi may lalantakan ako. Nyahahaha.

"Tss. Tara na, malelate na tayo sa first class. Ang bagal mo kasing kumain." Aba't naninisi pa. Pasalamat siya at nabusog ako, .____.

Habang papalabas kami ng mall pinagtitinginan kami ng mga tao, nakakainis ha. Ang sama sama ng tingin nila sakin pero dito sa bwisit na kasama ko nagpapacute sila. Pagbuhul-buhulin ko sila eh. Yung iba naman nagbubulungan. Aysus, mga style eh.

Bago kami makalabas ng mall ay may biglang humarang na mga babae sa harap namin. Parang mga sales lady.

Anong problema nila? Malelate na kami aba. Magpapacute din ba sila dito kay Anthony? Iwanan ko na kaya 'to? Para malate siya? *tango* Good idea. Mwahahaha.

Humakbang na ako ng isa at hahakbang pa sana ulit kaso hinawakan ni Anthony yung kamay ko. Oopsss hehehe. Tatakbo ba ako? What to do? Tatakbuhan ko ba siya? Kaso ang sama ko naman kung gagawin ko yun. Tiningnan ko si Anthony at ang sama ng tingin niya, medyo nakakatakot /__\ Waaaaah tatakbuhan ko na siyaaaa.

Akma na sana akong tatakbo kaso asdfghjkl! Manyakis 'tong hayop na 'to! Niyakap ako bigla! TheF! Napatili naman yung mga sales lady ._. Mamamatay na nga ako masaya pa sila!? Aba sabagay di ko naman sila kakilala kaya bakit malulungkot sila kapag pinatay ako ng halimaw na 'to.

"Ma'am, Sir, bagay po kayong dalawa!" nagjojoke ba 'to si ate? Masakyan nga joke niya.

"Hindi kami bagay, ate. Tao kaya kami."

"Hahaha. Palabiro po pala ang girlfriend niyo, Sir!" Eh kung pagsasapakin ko kaya kayo dyan? Sinong girlfriend nitong kolokoy na 'to? Ako? Sus! No way!

"Yeah, can we go now?" Anong yeah yeah?

"Hmm, wait sir/ma'am, pwede ba kayong sumali sa contest na hinanda ng shop namin?"

"No/Hindi." Saba'y naming sagot. Minsan pala may napapagkasunduan din kami nitong si Anthony. Lalakad na sana kami kaso nagsalita nanaman yung isa sa mga sales lady'ng humarang samin.

"But, may price naman po. 10,000 para sa mananalo. Cash or shopping certificate po yun." Teka.... 10k? *O* Pwedeng cash? Pwedeng certificate? Matagal tagal na din akong di nagshoshopinggg *O*//

"Sige, paano ba yan?"

"Margarette!" Sinamaan niya ako ng tingin pero nagpacute lang ako. Tumabla ka... tumabla ka...

"Pagbigyan mo na ako Anthony, para pangshopping ko 'to!"

"Bakit, sigurado ka bang may pag-asa kang manalo?" Aba. Minamaliit ba ako ng isang to?

"Oo naman! Ako pa? Watch and learn." Nginisian ko siya. Magaling yata ako sa kahit ano. Wahahaha. Ano bang klaseng contest 'to?

"So, couple pageant po ang gaganaping paligsahan dito." WTF!? O_____O

"C-couple? Pageant? Ahh, hindi na pala kami sasali miss."

"Hala ma'am, sayang naman po yung price kung sakali, malay niyo po kayo po ang palaring manalo." Huhuhu ang 10k </3 Tatanggi pa sana ulit ako kaso gagu to si Anthony!

"Okay, Sasali kami. List down our names."

A Nerd With ClassDonde viven las historias. Descúbrelo ahora