Home
Hindi na din nagtagal si Lucy. Sinabi kong magpasundo na siya kay Jake dahil mukhang wala siya sa sarili pero tumanggi siya kaya hinayaan ko na lang.
Pagkaalis niya naman ay bumalik na ulit yung ingay ng barkada at hindi na ulit binuksan pa ang naganap kanina. Kung ano ano ang ginawa naming kalokohan, we eat, sing, dance, swim, eat again. We did a lot, at parang hindi kami nauubusan ng energy dahil ngayon ay nagmomovie marathon naman kami dito sa sala. The boys were at the pool side, drinking of course.
"Hindi ko yan magets, the girl is actually pretty and cute but why is she hiding her face in that box?" Kunot noong tanong ni Jandi habang tutok na tutok sa pinapanood namin.
"You're not listening, Jandi! Sinabi kaya kanina kung bakit naglagay siya ng kahon!"
Inirapan ni Jandi si Stephanie,
"How will I listen? I don't even understand what was those guys saying.."
"Read the subtitle kasi!"
"Whatever,"
Patuloy na nagbangayan ang dalawa kaya binato na sila ng popcorn ni Maxine atsaka sinenyasang tumahimik. Umirap lang naman si Jandi at ngumuso lang si Stephanie.
"Wait guys, inom lang ako ng tubig.." paalam ni Lisa sa kalagitnaan ng movie, tumango lamang ako, busy naman sa panonood yung tatlo kaya lumabas na lang si Lisa.
"This witch! How dare this vivian push Maewnam at the pool!?" Hindi pa nakuntento si Maxine at binato pa ng popcron yung flat screen.
Hindi ko din maintindihan kung bakit pagdating sa pag-ibig ay may mga taong gagawin ang lahat kahit na hindi tama makuha lang ang mga gusto nila. Ni hindi man lang nila inisip ang mararamdaman ng ibang tao, napakamakasarili.
Last episode na kami at halos bumaha na ng tissue dito sa living room, pulang pula na din yung mga mata namin dahil sa pag-iyak.
"Oh, bat umiiyak kayo?" Napatingin ako kay Lisa na kakabalik lang galing kusina, ang tagal niya namang uminom?
"Bat ngayon ka lang? Pati ba tubig sa faucet ay ininom mo na din?"
Natawa naman kami sa sinabi ni Maxine kaya mukha na kaming timang dito.
"May tinawagan pa kasi ako! Grabe kayo sa akin ah!"
Ipinagpatuloy na namin ulit ang panonood, hindi ko alam kung bakit naiyak kami doon sa pagtapos nung babae ng lahat sa kanila nung lalaki.
"Omg! Omg! Niyakap niya si Zero mylove so sweet!"
"Ang gwapo!"
"Zero ko!"
Ngayon naman ay halos mangisay na kami sa kilig, kahit si Jandi ay hindi napigilan ang pag-ngiti! Ang gwapo naman kasi ni zero atsaka bagay na bagay sila ni Maewnam!
"Sinong gwapo?"
"Sinong Zero?"
Napatingin ako sa mga nagsalita at nakita ang mga boys na nakatingin sa amin ngayon, seryoso ang mga mukha nila at nakakatakot..
"Si Zero!" Sabay na sabi nina Stephanie, Maxine, and even Jandi! Lalo tuloy dumilim yung mukha nung mga lalaki.
"Who the hell is Zero?"
"Hoy Lex! Gusto mong hell-ain ko yang mukha mo!?"
Muntik naman akong matawa dahil sa sinabi ni Jandi at ganoon din ang mga kasama ko maliban na lang sa mga lalaki, epekto ba yan ng alak sa kanila?
Walang emosyong tumabi sa akin si Anthony, pinaghalong amoy ng menthol at alcohol yung amoy niya, hindi ko gusto ang amoy ng alcohol pero baka lalo siyang magalit kapag umurong ako,
Tahimik naming pinanood hanggang ending, nanood na din ang boys at hindi na binalikan ang inumang naiwan nila sa may pool side. Pero kahit ganoon ay napaptili pa din kami minsan dahil kina Maewnam at Zero samantalang ang mga lalaki naman ay puro nakakunot lang ang noo. Gusto ko tuloy matawa dahil sa mga itsura nila.
Matapos naming manood ay napagpasyahan naming linisin muna ang mga kalat na ginawa namin, alas sinco na din at mamaya ay dinner naman ang lalantakan namin.
"Stephan, pakilinis naman yung mga kalat niyo sa labas..." tila nag-iingat si Maxine sa pagsasalita dahil salubong ang mga kilay ni Stephan.
Wala naman itong imik na tumayo, sumunod naman sa kanya ang iba maliban kay Anthony, napatingin ako sa kanya at nakitang seryoso siyang nakatitig sa akin, ano nanamng problema nito?
Masyado nilang sineseryoso ang paghanga namin kay Zero na hindi naman namin maaabot. Hindi ko na lamang siya pinansin at ipinagpatuloy ang pagliligpit, nakita ko naman sa gilid ng mga mata ko ang pagtayo niya, akala ko ay lalapit siya sa akin pero nilampasan niya lang ako. What the hell?
Pinanood ko siya na naglalakad ngayon papuntang pool, daig pa niya ako! Pasalamat siya at birthday niya kaya palalampasin ko to.
Isa pa, dapat ngang magtampo ako sa kanya dahil nagpunta dito si Lucy kanina! Pero alam ko namang wala lang yon, isa pa naging magkaibigan sila. May Jake na si Lucy kaya sana naman.. sapat na si Jake sa kanya. May pinagsamahan kami kaya kahit papaano ay concern pa din ako sa kanya.
Makalipas ang halos isang oras ay natapos din kami sa pagliligpit. Naunang matapos ang mga lalaki pero hindi sila pumasok sa loob, napagkasunduan yata nilang magswimming kaya hinayaan na lang namin. Ako na lang ang nandito sa kusina dahil pinupunasan ko pa ang sink habang sila Maxine naman ay nandoon sa kwartong ginagamit ko ngayon.
Matapos kong magpunas ay naupo muna ako sa may dining table. Inilibot ko ang paningin ko sa buong bahay at pinagmasdan ito. Sa laki at ganda ng bahay ay hindi mo aakalaing iisa lang ang nakatira rito at isang 17 years old pa ang nagmamay-ari nito. Hindi ko pa nakikilala ang mga magulang ni Anthony at iniisip ko palang na magkakaharap kami ay kinakabahan na ako.
Natigil ako sa pag-iisip ng may nagdoorbell sa labas, may bisita ulit? Tumayo na ako para puntahan yung nagdodoor bell, ngunit ng makita ko ang lalaking nakatayo sa labas ng gate ay natigilan na ako,
"Dad..."
-
Nakaupo kami dito sa may living room habang hinihintay si Anthony dahil nagbanlaw muna, ni isa ay walang nagsasalita sa amin at mas gusto ko na ang ganito. I don't think that i can handle if he talk to me right now. But I guess someone's really mad at me para hilingin na huwag matupad ang gusto ko.
"Venice, darling... please go home..." nagtiim bagang ako at nanatili lanang ang tingin ko sa sahig. No... i don't want him to see me cry again..
Hindi ako nagsalita at makalipas ang ilang segundo ay nadinig ko na lamang ang buntong hininga niya. I love you dad, pero sa ngayon ay pride na lamang ang natitira sa akin, i don't want you to think na mas mahalaga ang pride ko kesa sa inyo but i can't do anything about it. Masyado na akong nasasaktan...
"I understand... i understand if you don't want to talk to me but please.. please venice, let's go home.." napaatras ako ng hawakan ni daddy ang kamay ko, shock was only visible in his face when he saw my reaction and i regret what did I do. He's still my father,
"I.. I--give me time dad..."
-
Yay! Happy new year guys! Chapter 40 & 41 for new year. :) For those who are reading and who are going to read this craziness of mine, thank you so much!
Ingat po sa mga magpapaputok, sa labas lang magpapaputok ha? Nako. Hahaha. Enjoyy!
ESTÁS LEYENDO
A Nerd With Class
Novela JuvenilSa buhay, may tatlong bagay na importante sa isang tao. Kaibigan, pamilya, at ang taong mamahalin nito ng higit pa sa buhay niya. Si Margarette Venice Park ay mayroon nito, pero paano kung ang perpektong buhay niya noon ay maging miserable? Kaka...
