Practice
Ilang araw na din ang nakakalipas simula nung nakuha ko yung teddy bear na katabi ko ngayon. Malapit na din ang contest, at sa loob ng ilang araw na paghihintay namin ng sabado ay wala kaming ibang ginawa kung hindi ang mag-ensayo. Ewan ko ba bakit kailangn pa naming mag-practice. Ito kasing si Maxine eh. Napakamapilit. Sa loob din ng ilang araw ay kami lagi ang magkakasama, oh well maliban kay Jandi. Sumasama lang siya sa amin minan kapag nasa school. Pero hindi kapag nasa labas na.
"Hooooy! Bakit nagpapahinga na kayo dyan? Hindi niyo pa nga prfect yung talent niyo eh! Galingan niyo naman! Bukas na kaya ang contest!" Sigaw sa amin ni Maxine, nandito kami ngayon sa bahay ko. Oo, sa bahay KO. At oo, KAMI. Si Maxine kasi, inaway ba naman ako. Bakit ba daw hindi ako nagpapapunta ng kahit sino dito, lalo daw tuloy nagmumukhang walang sigla ang bahay. Alam ko naman na gusto niya lang na bumalik ako sa dati, sinusubukan ko naman eh. Pero ang hirap kasi, ang hirap hirap. Hindi ko din maintindihan kung bakit hindi ako nagpapapasok dito sa bahay, para na kasing pag pinapasok ko ang ibang tao dito, makakapasok na sila a buhay ko. Weird, right?
"HOOOY! ABAAA! MGA BINGI!?" Inis naming tumayo sa kabilang sofa si Anthony at lumapit sa stand mic at padabog itong inayos.
"ABA! NAGDADABOG KA BA!?" Inis na inis na lumapit si Maxine kay Anthony at akmang babatukan ito ng bigla siyang tiningnan ni Anthony ng masama kaya umirap na lang siya, napapaisip tuloy ako. Paano ba kami nakakatiis na kasama ang dalawang 'to? Iiling iling akong tumayo at tumabi kay Anthony, wala naman na akong magagawa kung hindi ang mag-practice din. Mas gusto ko ng mag-practice kesa madinig maghapon ang boses ni Maxine na akala mo ay nanay ko kung makasermon. Minsan nagtataka din ako kung bakit ko yan nagging best friend eh.
***
Kasalukuyan kaming kumakanta at pinapractice ang maayos na pagbeblend sa mga boses namin, pagkanta ang naisip naming talent para bukas. Pareho naman kaming nabiyaan ng golden voice kaya wala kaming pinoproblema, ang problema lang talaga ay ang paglalakad namin na malamodel. Mukha daw kasi kaming tanga rumampa. Sabi ng napakasupportive kong best friend at ng mga napaka supportive na kaibigan ni Anthony.
"Hey guys!" Napahinto kami sa pagpapractice nung biglang bumukas yung pinto nitong kwarto kung nasaan kami at inilabas non ang apat na tao. Luhan, na may hawak na potato chips. Lisa, habang may hawak na malaking bowl na naglalaman ng fries, Stephanie na napakadaming hawak na junk foods, at Stephan na may hawak na mga soda. Ang mga taong 'to, napakafeel at home. Akala mo kanilang bahay 'to at makapaghalungkat sa ref ko eh. At talagang nagluto pa sla ng fries? Wow, just... wow.
"Okaaay! Break muna kayong dalawa dyan, at tara na't magmerienda!" Sabi ni Maxine at saka inagaw ang potato chips mula kay Luhan.
"Tara, gutom na din ako. Buti na lang at pinagbreak tayo niyang best friend mo, dahil kung pinabayaan niya tayong nagpapractice dito habang kumakain sila, baka nasa sako na ang mga yan ngayon." Inis na sabi ni Anthony atsaka dumiretso sa kanila. Napangiti na lang ako nung makita ko silang masayang nag-aasaran. Gnayang ganyan din ang mga ngiti ko noong magkakasama pa kami. Noong buo pa kami.
"Anong tinutunga-tunganga mo dyan Venice? Wala ka bang balak kumain? Oh well, pabor yun sa amin." Agad kong sinamaan ng tingin si bessy na siyang ikinatawa niya na parang wala ng bukas kaya ayun binatukan siya ni Stephan.
"Hoy!!! Sinong nagbigay sayo ng permiso para batukan ako!?" Umiiling ulit akong lumapit sa kanila at kumuha ng fries at royal. Natatawa naming nanonood sila Lisa kay Stephan at Maxine na naghahabulan n ngyon dito sa room. Feeling ko bago umalis ang mga ito masisira ang buong bahay ko.
***
"Ano ba yan! Ayusin niyo naman ang pagrampa!" Ayan nanaman po siya, siniigawan nanaman kami.
"OMG! Ang galing niyong rumampa! For sure kayo na ang panaloooo!" Binatukan naman ni Maxine si Lisa kaya napanguso na lang ito, habang sila luhan naman ay napapailing na lang habang nagpipigil ng tawa.
"Shit!" Napatingin naman ako sa lalaking kasama kong rumampa, dalawang oras na kaming naglalakad at nakatayo lang. Wala talagang patawad si bessy. Ramdam kong pagod na siya at naiinis na din. Eh pero wala naman siyang ginagawa, halata ko ding pinipigilan niyang mainis.
"Hey, you okay?" baka kasi mamaya lalong mainis kapag sinungitan ko, jusko pagod na din ako at gusto ko ng magpahinga. Kailangan ko ng beauty rest para sa contest bukas ng gabi.
"Do I look like I'm okay? Seriously? Let's just finish this shit because I want to go home and take a rest right now." Napataas naman ang kilay ko sa inakto niya, how dare he!? Inirapan ko na lang siya at pumunta ulit sa gilid para humanda ulit sa pagrampa. Okay aayusin ko na, gusto ko na ding kumain para makapag-pahinga, at isa pa it's almost 7pm na. Kaninang 7am pa kami nagpapractice! We need a break! Buti pa itong si Lisa chill chill na lang, nag-back out ang bruha eh. Ayaw niya daw akong kalabanin.
"Okaaaay! Let's start!" Pagkasabi non ni Stephanie ay tumugtog na yung fashionista song. Rumampa ako ng naayon sa ganda. Oha, rumampa ako ng bongga! At mukhang ganon din ang ginawa ni Anthony.
"Bravo! Bravoooo!" sigaw ni bessy habang pumapalakpak pa, kinareer.
"Naks, ang galing niyong rumampa kanina! Talbog!" Sigaw ni Lisa sabay lapit sa akin.
"Oo nga! Kung ako yung kalaban niyo baka nag-back out na ako!" Natatawang sabi ni Stephanie
"Kaya nga kami nagback out ni Luhan e," dagdag pa ni Lisa kaya natawa na din kami.
Nagback out nga sila, ewan ko ba sa dalawang yon kung ano ang trip. Mga baliw e
"Tara kain na tayo sa baba." Nakangiting sabi ni Luhan, teka... tama ba yung narinig ko? Naghanda na sila ng dinner namin?
"Teka----" hindi nila ako pinansin at dumiretso palabas nitong kwarto at bumaba, mga---mga---lapastangan!
"Pfft, you look mad and pissed. Stop that, punta na lang tayo sa baba. Gutom ka lang." Tiningnan ko ng masama si Anthony atsaka padabog na lumabas ng room para magtungo sa kusina, pero bago ako makalabas ng tuluyan sa room narinig ko pang tawa ni Anthony. Ang walang hiyang yon!
YOU ARE READING
A Nerd With Class
Teen FictionSa buhay, may tatlong bagay na importante sa isang tao. Kaibigan, pamilya, at ang taong mamahalin nito ng higit pa sa buhay niya. Si Margarette Venice Park ay mayroon nito, pero paano kung ang perpektong buhay niya noon ay maging miserable? Kaka...
