Dedicated to her. She's the one who made the first cover photo that I used in this story! Thankyouuuu!
---------------------
Exchaged students
Venice Park here, don't you dare to call me in my first name because it's not really good to hear. I'm studying here in Miyaki Academy, an all girl's school.
I'm on my way to our room, alone. Well, sanay na akong mag-isa at hindi na big deal sakin ang pagtinginan kapag dumadaan ako. I'm a nerd, but with class. I have braces, wearing nerd glasses. Love reading books. And I don't care what others are thinking about my looks. Ano bang magagawa nila eh sa gusto kong ganito ako. I'm invisible in this school. I mean, iwas sakin ang mga students dito because of my attitude. And I'm proud of it, hindi nila ako ginagambala because they know what I can do if they messed with me.
"Kyaaaah ang gwapo naman nung mga exchanged students from St. Peter Academy!"
"Hindi lang gwapo hot pa!*O*"
"Balita ko pa nga may kasama din silang girls eh"
"And magaganda din daw sila"
"Yaaaah, sana maging kaklase natin silang lahat! *O*"
Ang aga aga ang iingay ng mga babaitang to, pag ako nainis pagsisipain ko mga to palabas ng room tutal mukhang mga gustong lumabas eh. Kumpol kumpol ba naman sa may pinto. ._.
"Good morning, class!" bati ng teacher naming maldita. Terror yan, sobra.
"Good morning, ma'am," bati naman namin pabalik, aba kahit naman pasaway ako at may ugali akong di kanais-nais mabait pa din ako sa mga teachers namin. Nyahaha, tumatakbo kaya ako bilang valedictorian ng buong batch namin. Kaso may rival din ako, at itong isang 'to nakakainis. Bait baitan. Sarap hambalusin ng balde.
"Hey 4-A, may mga bago kayong magiging kaklase. They are exchanged students from St. Peter Academy."
S I L E N C E
"kyaaaaaaahhhh!"
"Salamat ma'am!"
"OMG! Papasukin niyo na sila, Ma'am!"
Ano 'to? May dumating na mga artista para mag-sigawan sila ng ganyan? At kahit artista pa yan, like duh, tao lang din naman sila. Psh.
"SHUT UP!"
Ayan, na-beast mode na si ma'am. Ang iingay naman kasi nila. Pag kami pinag-quiz ni ma'am bigla nako. Nung tumahimik na ang buong klase pinapasok niya na yung mga exchanged students daw. May limang students na pumasok sa room namin. 3 boys and 2 girls. Nakakapagtaka ano? All girls school 'to pero tumanggap sila ng exchanged students na boys.
"Okay, bago kayo maupo, kindly introduce yourself in front of 4-A, para makilala nila kayo."
"Hi! Stephan Dela Vega! *wink*" Dukutin ko kaya mata nito? Wala na ngang mata kumikindat kindat pa. Tss, playboy.
"Luhan Joong, ^____^" Ang cute nito, pero wala pa din akong paki.
"Stephanie Dela Vega," isang tingin pa lang alam mo ng kapatid to ni Stephan. Maganda siya.
"Jandi Hyung," sabi naman nung isa pang babae.
"Mark Anthony Lee. I don't want anyone to talk to me. So back off." What the hell!? Ang feeling ng lalaking 'to ah! Hindi porke't tumtili tong mga school mates kong malalandi dahil sa kanila eh kailangan niya ng magmayabang ng ganyan! Sasapakin ko 'to -.-
YOU ARE READING
A Nerd With Class
Teen FictionSa buhay, may tatlong bagay na importante sa isang tao. Kaibigan, pamilya, at ang taong mamahalin nito ng higit pa sa buhay niya. Si Margarette Venice Park ay mayroon nito, pero paano kung ang perpektong buhay niya noon ay maging miserable? Kaka...
