ANWC: 37

876 31 2
                                    

Birthday

Nakatitig lang ako sa kisame. Nag-iisip ng magandang regalo para kay Anthony. Bukas na pala ang birthday ng mokong, kung hindi pa ako nagtanong ay baka matapos na lang ang birthday niya wala pa din akong kaalam alam.

Isang araw na din pala... simula nung umalis ako ng bahay, tumatawag si Maxine kay Anthony kanina, at ganoon din sina Stephanie pero hindi ko iyon pinasagot kay Anthony. Balak ko kasing ako na ang tumawag sa kanila ngayon. Gusto ko din namang ako mismo ang magsabi sa kanila na ayos lang ako.

Bumuntong hininga ako para maibsan yung kaba ko kahit papaano, una kong tinawagan si Stephanie at buti na lang dahil magkakasama sila. I mean--- Stephan, Stephanie, Luhan, and Jandi. Nadidinig ko din sa kabilang linya sina Tyler at may mga music din. Siguro ay may event sa school nila.

"Nakakainis ka talaga ate Ven! Alam mo bang pinag-alala mo kami? Balak nga sana naming tumakas ngayon dito sa event para tulungan si Ate Max na hanapin ka e--- OMG! Ate Ven go call ate Max! She's with Lisa and they're both finding you!" Oh damn.

"Sige sige, enjoy lang kayo diyan! Sorry talaga sa abala, I'll hung up na! Bye!" Dali dali kong pinindot ang end call atsaka hinanap ang numero ni bessy. Ano bang iniisip nila!?

Hindi ko pa nachacharge ang cellphone ko kaya siguro sobra siyang nag-alala, kapag may nangayri doon sa dalawa hindi ko talaga mapapatawad yung sarili ko! Stupid Venice!

Nakailang ring lang at agad na niyang sinagot yung cellphone. Dinig na dinig ko sa background ang tunog ng mga sasakyan sa kalye.

"O my god Mark! Did you see her? Shit! Hindi ko siya macontact! At bakit ba ngayon ka lang tumawag? I've been calling you every now and then but you're not answering!" Tuloy tuloy lang siya sa pagsasalita kaya hindi ako makasingit, ramdam ko din sa boses niya na umiiyak siya kaya hindi ko na napigilang mapangiti. Kinakabahan din ako dahil for sure ay magagalit to, but I understand her, she's just worried...

"Max..." saglit na natahimik sa kabilang linya, matapos non ay nadinig kong kinausap ni Lisa si bessy pero di ko masyadong marinig yung sinasabi niya,

"Oh my gosh! Venice! Are you okay? Omg! What the hell do you think you're doing!? Halos atakihin na sa puso ang daddy mo at kami!"

"I'm sorry... I know you guys understand me, especially you Max because you know how much pain my dad and that color caused me..."

Nakakainis, ang iyakin ko nanaman. Hindi ko alam, basta kapag naaalala ko si daddy lagi na lang parang may bumabara sa dibbdib ko.. nasasaktan ako..

"Yes, I know that, I'm just... worried.." saglit siyang natahimik, dinig ko pa din ang busina at tunog ng nga sasakyan sa kabilang linya pero tanging paghinga lang nila ang malinaw at malakas sa pandinig ko. Magsasalita na sana ako ng magsalita ulit siya, "Teka... why are you with Mark? Oh my! Don't tell me because of your pain you did that with him!?" Agad kong nailayo ang cellphone sa tenga ko dahil sa malakas na bulyaw ni Maxine, ano daw? Anong pinagsasabi nito? Anong gagawin ko?

Niloud-speaker ko na lang ang phone at inilapag 'yon sa kama, ayokong mabasag ang eardrums ko ng dahil sa malakas na boses ni Maxine.

"Oh my goodness, Venice! You'll just turning seventeen next month! Tapos... tapos... tapos ay isinuko mo na agad ang pinakaiingat-ingatan nating---- what the hell Lisa! I'm not yet done talking to her! Giv--- Hi pres! It's me the evah gorgeous Lisa! Ako ng bahala kay Maxine, just rest! Byeeeee!"

A Nerd With ClassWhere stories live. Discover now