#11

984 47 18
                                    

Chapter 11: Party.





"Daehyun hindi ko alam kung anong sinasabi mo, nahihibang kana ata." Umiling si Daehyun at hinarap si Baekhyun.




"Seryoso ako Baekhyun. Alam ko na walang kayo ni Chanyeol, at nagbabakasali ako na maging tayo. Inaamin ko na gustong gusto kita sa umpisa pa lang." Seryosong sabi ni Daehyun.




"Pero Daehyun-"




"Please Baekhyun...just give me a chance." Nagmamakaawang sabi ni Daehyun at hinawakan ang dalawang kamay ni Baekhyun. Inalis naman yon ni Baekhyun.




"Daehyun...sorry wala talaga sa plano ko pumasok ng relasyon. At hinding hindi pwede maging tayo." Natahimik si Daehyun at ilang saglit lamang ay ngumiti ito.





"Naiintindihan kita Baekhyun pero, as a friend? Ayos lang ba na maging mag kaibigan tayo?" Ngumiti at tumango si Baekhyun. "Walang problema dun Daehyun." Sagot ni Baekhyun.





Hindi na nag tagal si Daehyun. Ilang minuto din ay umalis na ito. At syempre magisa nanaman si Baekhyun sa kwarto niya. Napagdisisyunan niya na lumabas muna at mag gala. Balot na balot ang katawan niya. Naka mask din siya at nakacap.




Nag punta siya sa mall para mamili ng damit. Kumain rin siya at nilibang ang sarili.





"What do you need Sir?" Tanong ng isang sales lady. Nasa boutique kasi siya na pambabae. At may nakita siyang dress na sobrang ganda. Simple lang at ang ganda ng design.




"U-uh...yung dress na yun? Pwede ko bang tignan?" Tanong ni Baekhyun. Ngumiti ang sales lady. "Oooh? Para sa girlfriend niyo Sir?" Nakangiting tanong ng sales lady at napakamot na lang sa ulo si Baekhyun. "A-ah...O-oo...para sa girlfriend ko." Kinuha naman ng sales lady ang dress at ibinigay kay Baekhyun. Bahagyang napangiti si Baekhyun. Dahil namiss niya din mag damit pang babae.




At syempre, nagustuhan ni Baekhyun. Binili niya. Napadaan din siya sa men's boutique. May nakita nanaman siyang magandang damit at binili niya.




Habang nakapila siya sa cashier.





"Sir 500,000 Won po." Sabi ng Cashier sa lalaking nasa harap ni Baekhyun na tila naiinis na hindi maintindihan na tila naghahanap ng pera sa wallet.




"Sir 500,000  won-"






"Oo sandali magantay ka hindi mo ba nakita na nagkakalkal ako ng wallet ko? Sasakalin na kita eh." Prankang sabi ng lalaki. Nagtaka naman si Baekhyun.




"Aba sir sinasabi ko lang-"





"Sinasabi mo nga, narinig ko naman hindi ako bingi kaya pwede? Mag antay?" Umirap ang lalaki at mukang nabadtrip na din ang cashier at tila tatawag ng guard nang biglang nilapag ni Baekhyun ang credit card niya at sinama ang gamit na dala dala niya.





"Ano to? Libre?" Ani ng lalaki at ngumisi na lang si Baekhyun. "Babayaran mo sakin. Walang libre ngayon." Badtrip na nagbabalot ng pinamili nila ang sales lady at nang matapos ito.





"THANK YOU SIR COME AGAIN!" Sigaw ng Sales Lady at napakunot naman ang noo ng lalaki at akmang susugurin ang sales lady nang pigilan ito ni Baekhyun. "Etong babaeng to talaga ginigigil ako eh!"






"Kalma. Now, asan na ang bayad?" Nakangising sabi ni Baekhyun. "Isa ka rin, atat na atat? Nawawala ata pera ko. Mukang nanakawan ako." Nakangusong sabi ng lalaki. "Fine. Bayaran mo na lang ako pag may pera kana." Napataas ang kilay ng lalaki at ngumiti ng bahagya.





the billionaire's darling • chanbaekWhere stories live. Discover now