14

668 41 0
                                    

Belinda's PoV

"Tita he wants her dead"

"Ano bang pinagsasasabi mong bata ka? Sinong he?"

"Patrick"

"Ha? Nako imposible naman yan iho"

"Believe me tita"

"Wag mo nga akong tinatakot bata ka! Sige na may gagawin pa ko! Ikamusta mo na lang ako sa nanay mo"

"Bye tita"

Nagising ako pagkatapos ko managinip. Panaginip lang ba yon? Oh totoong nangyare? Sinong nangsabi kay mama na gusto ako mamatay ni Patrick??

Napansin ko naman si Patrick sa tabi ko, nakatulog na siya habang nakaupo.

"Patrick?"

Niyugyog ko siya ng konti pero di siya magising, sinubukan ko siyang higitin pahiga, sinalo ko ulo niya nung pabagsak na siya, grabe pala to matulog haha.

Magkaharap kami ngayon, tinititigan ko lang mukha niya, maya maya pa mukhang nananaginip na naman si Patrick

"Bela..."

"Hanggang panaginip talaga Patrick? Haha"

"I love you"

Nagulat na lang ako nang hawakan niya mukha ko at inilapit niya mukha niya saken, hindi ko alam pero di ako umalis sa pwesto ko until his lips met mine. Maya maya napansin ko may tumulo na naman luha sa mata ni Patrick, i wiped his tears off after he kissed me. Lumapit ako sa kanya and I hugged him. I don't know, I just felt like I need to.

Nakatulog na lang ako ulit sa ganung posisyon. Rinig ko yung pagtibok ng puso niya and I must admit, it makes me calm.

Patrick's PoV

Ang ganda ng panaginip ko, i dreamt last night that she remembered me already, that her memories are back, that she's back. I even cried and... we kissed. That was the first if it was real. It felt so real.

Napahawak na lang ako sa labi ko sa panaginip na yon. Even if it's a dream, it made me very happy.

Teka, how did I end up lying down here? Ganun ba ko kaantok na napahiga na lang ako? and where's Bela?!

Dali daling napatayo ako sa pag-aalala na baka nawala na naman si Bela, paglabas ko dun lang ako kumalma, she's just outside looking far, mukhang malalim ang iniisip.

"I thought you left" sabi ko

"Uy! Gising ka na pala. Lumabas lang ako ano ka ba kalma ka nga"

Lumapit naman ako sa kanya.

"Sorry, I... I was just scared to lose you again"

She held my hands.

"Ganito pala feeling"

"Ha?"

"Holding your hands, it feels... great. I know I don't remember anything, I know there's still a lot to uncover, alam ko din na noong nagkita uli tayo ayoko sayo"

"Bela..."

"But being beside you makes me feel safe. I don't feel awkward and all. Kahit na ngayon ko lang nalaman na boyfriend kita, I feel safe beside you, Patrick"

Humigpit naman ang hawak ko sa kamay niya.

"Sana di ka mapagod. Sana mahintay mo ko Patrick"

"You're the reason I'm still here Bela, di ko mapapangako na hindi ako mapapagod pero ang mapapangako ko sayo, pagod man o hindi, naghihintay lang ako, Bela"

"Thank you Patrick"

"I love you my Bela, so much"

She didn't answer back and I understand. I just hugged her tight, she hugged me back.

"Belinda!"

"Ma?!" Bela

"Patrick!!" Mama

Why are both of them here?!

"Halika na! Uuwi na tayo!" Hinila naman ng mama niya si Bela palayo saken

"No ma!" Belinda

"Beatrice tama na yan!" Mama

"Tigilan mo ko! Ilayo mo yang anak mo sa anak ko!"

"Patrick!" Bela

"Tita! Nasasaktan si Bela!"

"Manahimik ka! Halika na Belinda!"

"No ma! Let go of me!"

Nang mabitawan naman ni tita ang kamay ni Bela tumakbo siya kaagad palayo. I went after her.

"Bela!"

Belinda's PoV

Bakit ba gustong gusto nila akong ilayo?! Ano bang problema kung makaalala ako?! Bakit ayaw nina mama makaalala ako?! Nakarating ako sa gilid ng highway dito sa lugar namen, hindi ko na alam. Magpapasagasa na lang siguro ako, mamatay na lang kung di makaalala.

I walked to the middle of the road, not minding the cars. Sagasaan niyo na lang ako. Gusto ko nang makaalala.

*beeeeeep

My head hurts. A scene suddenly came flashing in my head...

Masaya ka ba?

Oo naman darling patpat!! Mag eenjoy tayo today!! Yeheey!

It will take me some time before I get used to you calling me darling hahaha

Dapat lang masanay ka! Hanggang tumanda tayo yan tatawag ko sayo! Haha

Which means you see me as your future husband?

Of course. Yiie kilig na yan! Hahaha aylabyuuu

I love you too

Sasakyan. Nasa loob kami ni Patrick ng sasakyan. We were just happy, bago kami naaksidente.

Sir! Sira po ang preno natin sir!

Ano?!

Nagulat na lang ako nang may yumakap saken

"Bela! Wth are you doing?!"

The ReasonWhere stories live. Discover now