7

716 39 0
                                    

Patrick's PoV

"Dyan na nga muna kayo bibili lang kami makakain 😑" Belinda

"Kasama ako?" Elena

"Girl?"

"Sabi ko nga kasama ako. Hehehe. Dyan muna kayo guys, Gino, Patrick"

"Ok"

"Ok"

Nang makaalis yung dalawa nagsademonyo na naman tong si Gino.

"What's with the looks Zamora?"

"What?"

"Trying to bring her back?"

"None of your business"

"It's been years Zamora, aasa ka pa bang maaalala ka niya?"

"Salazar, kung ako nga nakaalala siya pa ba?"

"I won't let that happen"

"I won't let YOU ruin us again"

"Me? Hah. You have proofs huh?"

"What if I tell you I have?"

"Really huh?"

"Watch out Salazar, you asshole"

"I'm not an asshole, I'm just getting whatever is mine"

"Nothing's yours shthead"

Belinda's PoV

"Girl bakit ang ganda mo today?"

"Ha?"

"Dala dalawang pogi pinag-aagawan ka girl!"

"Buang! Pinag-aagawan kaagad?! Nakiupo lang??"

"Girl tanga lang? Daming bakanteng silya bakit makikiupo saten??"

"Ano naman masama kung saten makiupo?"

"Wala"

"Oh yun naman pala ehh"

"Girl you don't get my point myghad"

"Ano ba kasing point mo?"

"Gusto ka nung dalawa"

"Luh. Siraulo"

"Believe me. Makikita mo yan in the coming days girl"

"Ewan ko sayo. Tara na uli bumalik dun"

Pagdating namin uli dun sa pwesto namin kanina parang seryoso pinag-uusapan nina Gino at Patrick. Pero parang galit na galit si Patrick kay Gino. Ano kayang problema ng dalwang to?

"Belinda andyan na pala kayo" Gino

"Ahh oo"

Umupo na ko sa tabi ni Elena pagkatapos. Harapan kasi tong lamesa, yung kasya anim.

"Bakit diyan ka umupo?" Patrick

"Para pantay"

"Ha?"

"Ang laki ng lamesa sisiksik pa ko sa tabi niyo???"

"Ahh sabi ko nga"

Habang kumakain di ko maiwasang mag-isip dun sa Patrick na nakausap ng mama ko at sa Patrick na tinakbuhan ako.

"Belinda ano iniisip mo?" Gino

"Ha? Ano wala"

"Tulala ka kasi, ok ka lang ba?"

"Oo ok lang ako"

"Tss. Kung makakasapak lang ako ngayon talaga oo" Patrick

"Ano yon?" Di ko masyado narinig sinabi ni Patrick

"Ha? Ano sabi ko ang ganda mo"

"Ulul"

"Pwede ba tayo mag-usap mamaya Bela?"

"Belinda NOT Bela"

"Pwede tayong mag-usap?"

"Di pa ba tayo nag-uusap ngayon?"

"Oo nga naman bro, bakit ayaw mo pa sabihin dito" Gino

Did Gino smirk? O namalikmata lang ako?

"Isang sabi mo pa ng bro sasapakin na kita"

"Napakaseryoso mo Zamora"

"Pakialam mo?"

"Kung mag-aaway lang kayong dalawa sa harapan ko umalis na lang kayo"

"Sorry Bela..." Patrick

"Belinda nga!! Aish"

"Nope. I'll call you Bela and it's final"

"Bahala ka dyan."

"Pasensiya na Belinda" Gino

"Bakit ba kasi kayo nandito? Ha? Dami daming silya kami sinisiksik niyo"

"Coz I want to be close to you" Gino
"Coz I miss you" Patrick

Ano daw?! Sabay ba naman magsalita 🤦🏻‍♀️ coz at you lang naabsorb ng braincells ko

"Ayy ewan ko sa inyo"

"Let's talk later Bela, ok?" Patrick

"Oo na oo na!" Tapos umalis na siya.

Ang kulit kulit neto. Di naman kami close neto bat ba to lapit ng lapit saken?! Tapos si papa Gino ganun din bushak what's happening on earth?!

Teka... since mag-uusap na rin kami mamaya, matanong na rin nga to. Patrick pangalan neto ehh mamaya siya yung kausap ni mama. Wait lang! Nasan na yun?! Ayy di ko natingnan likod kung kapareho 🤦🏻‍♀️ ambilis naman non maglaho asar.

 Wait lang! Nasan na yun?! Ayy di ko natingnan likod kung kapareho 🤦🏻‍♀️ ambilis naman non maglaho asar

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon