"Bakit ka naman lilipat??" tanong niya rin sakin

"Oo nga ate" sabi naman ni Chrisha na umupo na rin sa upuan sa may sala

"Ma kase yung mga ibang students lagi na lang akong pinagbubulungan naiinis lang ako kase laging ako ang nagiging masama sa mga paningin nila." sabi ko

"Okay lang naman na lumipat ka pero paano naman ang kapatid mo??" tanong niya sakin

"Mom okay lang naman ako at saka kasama ko naman sina Axel at ang barkada" sabi ni Chrisha

"Sure ka na ba diyan??" tanong sakin ni Mama

"Sure na po aasilasuhin ko na lang yung mga requirements at magpapaalam sa adviser namin" sabi ko

"Saang school ka naman lilipat??" tanong ulit ni Mama

"Sa Bangmy University po" sabi ko

"Alam na ba nina kuya Bailey na lilipat ka??" tanong ni Chrisha

"Hindi at wala akong balak sabihin... Chrisha promise me na hindi mo sasabihin ha" sabi ko

"Pero ate" pagtutol niya

"Please..." sabi ko

Tumango naman siya

"Ma kahit kanino wag niyong sasabihin kung saan ako lilipat lalong lalo na kay Alexius" sabi ko

"Oo basta mag-iingat ka dun sa magiging bago mong school" sabi ni Mama

"Opo" sagot ko

Bailey POV

Nandito ako ngayon sa kwarto at nagpi-print na ng kadugsong ng last pary na ikinalat namin. Naisip kong tawagan si Chrisha para humingi ulit ng tulong.

*Kriiinnnggg

"Hello kuya Bailey bakit napatawag ka??" sabi niya

"Pwede bang pumunta ka dito sa bahay bukas may bago na tayong ikakalat" sabi ko

"Sige Kuya Bailey" sabi niya

Pagkatapos ay binaba na niya ang linya. Pagkatapos kong gawin ang kwento ay natulog na ako para hindi ako tanghaliin ng gising.

*Thursday Morning

*Ding Dong

Kinig kong tunog ng door bell habang nag-aayos ako ng buhok. Bumaba naman ako para malaman kung sino yun. Pagkabukas ay nakita ko si Chelsea.

"Oh! Chelsea bakit pumunta ka dito??" tanong ko sa kaniya

"Wala naisip ko lang sumabay sayo" sabi niya

"Ahh sige pasok ka muna" sabi ko

Pumasok na kami sa loob at ipinagpatuloy ko ang pag-aayos ko ng buhok hanggang sa may nag-doorbell ulit at nakita ko si Chrisha. Teka nakalimutan kong pinapunta ko dito si Chrisha. Sakto namang sumunod sakin si Chelsea.

"Hello Kuya Bailey...Chelsea??" sabi niya pagkakita kay Chelsea

"Chrisha??" sabi naman ni Chelsea

"Kuya Bailey anong ginagawa niyan dito eh kaaway yan ni Ate ah" sabi ni Chrisha

"Sandali ipapaliwanag ko sayo...Pasok ka na muna" sabi ko

Pumasok naman agad siya.

"Chrisha upo ka muna" sabi ko at umupo naman siya

Umupo naman ako sa tabi niya at nagsimulang magpaliwanag

 The Boy Changed The GirlWhere stories live. Discover now