Kabanata 2

7.7K 436 743
                                    

"MOMMY, I want this dog." Palukso-luksong turo ng batang babae sa isang tuta. Napangiti naman ang ina sa walong taong gulang nitong anak.

"Yes, sweetie, but promise me na aalagaan mo siya nang mabuti, okay?"

Sabik na sabik siyang tumango. Nang makita niya na karga-karga na ng ina ang aso, hindi niya mapigilang hindi mapatili sa tuwa.

Erienna's chocolate eyes were locked on the Shih Tzu who kept on waggling its tail.

"Thank you po, Mommy. I love you!" She gave her mom a kiss on the cheek.

Napangiti naman ang kaniyang ina.

Masaya silang lumabas ng pet shop habang karga-karga niya sa mga braso ang tuta.

Naabutan nila sa labas ang kaniyang ama na nakangiting nakatingin sa kanila. Agad siyang tumakbo papalapit at ipinakita ang baby Shih Tzu.

"Daddy, I got a new pet!" she said, raising the puppy up. Ginulo naman nito ang mahaba at maitim niyang mga buhok.

"Nako, madadagdagan na naman ang maingay sa bahay," biro ng ama na nakapaghagikgik sa kaniya. Nauna siyang pumasok sa loob ng kotse habang iniisip ang mga alaga niyang aso na naghihintay sa kanilang bahay. Isang German Shepherd, Poodle at Chihuahua. At ngayon naman ay isang Shih Tzu.

"Hmm . . . ano kaya ang ipapangalan ko sa 'yo?" she muttered while patting the pup's brown fur which was now sleeping on her lap.

Ang kaniyang magulang naman, nag-uusap habang nagmamaneho ang ama. Abalang-abala siyang mag-isip kung anong ipapangalan sa aso nang bigla na lang nagmura ang kaniyang ama.

"Damn!" Nagtaka siya at agad na napatingin sa daddy niya na tagaktak na ang pawis habang inaapakan nang paulit-ulit ang break. Napatingin siya sa unahan at nakita ang intersection.

"Ba't ayaw gumana ng break?"

"D-daddy, what's going on?" Unti-unting nakaramdam ng kaba ang bata habang nakatingin sa traffic light na naka-stop sign. Malapit na sila sa intersection at kitang-kita ng kanyang mga mata ang mga sasakyang nagdadaanan. Isang kamay ang humila sa kaniya at yinakap siya nang mahigpit.

"Close your eyes, sweetie." Ang mga katagang narinig niya mula sa kaniyang ina na nakapagbigay takot sa kaniyang puso. Napapikit siya dahil sa maingay na busina. She heard a loud crashing sound and the next thing she knew, their car was already flying on the air.

"Mommy, D-daddy . . ." pahikbi-hikbing saad ng dalaga habang napapanaginipan ang sinapit ng kaniyang mga magulang.

Tagaktak ang pawis niya sa noo at habol-habol ang hininga. Walang tigil sa pag-agos ang mga luha habang niyayakap na siya ng kaniyang nakaraan. Fear was swallowing her. The loneliness that occupied her heart was overpowering her body.

Subalit isang kanta ang nakapagpatigil sa lahat ng nararamdaman niya.

Hush now, my tiny wolf
Let your nightmares be eaten by the big wolf

Hindi niya mawari kung bakit parang hinahaplos ang kaniyang puso sa kanta. Pamilyar ito sa kaniya.

Ang takot na kaninang kumakain sa kaniya ay unti-unting nawala na para bang nahiya na itong lumabas. The loneliness that she felt melted. She felt safe. She felt protected.

I will put away your fear
Plunk it down into a deeper slumber
So hush now, my tiny wolf

Unti-unti siyang kumalma. Sa pagbukas ng kaniyang mga mata ay ang pagkawala rin ng kanta. Napalaki ang mga mata niya nang mapansing hindi pamilyar ang lugar sa kaniya. Unang nakakuha sa kaniyang tingin ang chandelier na nasa ceiling. Napababa ang tingin niya sa malaking kama kung saan siya nakahiga. Sobrang lambot ito.

Werewolf's Lullaby (Werewolf Trilogy Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon