VIII

250 4 0
                                    

As he look at that tomb stone, Vito felt very sad knowing that that child was Sienna's, and that he was not there for them when they needed him that most. Sienna told him everything. About the child and about her past relationship with that Dalton guy.

Kaya pala ganoon kung makaasta ang lalaking iyon. Hindi man malinaw sa kanya noon, ngayon alam na niyang sadyang walang puso ito para ito pa mismo ang dahilan kung bakit nalaglag ang sarili nitong anak.

Inirirespeto rin niya ang desisyon ni Sienna nang sabihin nito sa kanyang wala itong balak ipaalam sa lalaki na nagkaroon ito ng anak sa kanya. Hindi niya masisisi ang babae. Kung siya nga siguro ang lumagay sa lugar nito ay baka mas matindi pa roon ang gawin niya.

He sighed heavily. Masyadong mabigat ang natuklasan niya ngayon lang. Kahit pa hindi kanya ang bata, alam niya sa kanyang sarili na mahal niya ito dahil anak ito ng babaeng pinakamahalaga sa buhay niya ngayon. Baby Jane was name of the unborn child. He sighed again, caressing Sienna's hair while she was leaning on his shoulder.

Labis ang awa na nararamdaman niya para kay Sienna ngayon. Kasabay niyon ay matinding paghanga rito pagkat nakaya nitong lampasan mag-isa ang mga pagsubok na dinaanan nito ng nakapipas na mga linggo. She was very strong and he very proud of her.

Nasa simenteryo parin sila at nagdesisyon na mamaya na lamang umuwi. Nakaupo sila roon, mistulang inaantay mutanaw ang kandila na ipinagtirik nila kanina sa harap ng puntod bago man lang tuluyang umalis.

"Sienna!" Agad napatayo sa kanyang kinauupuan si Sienna nang marinig ang tinig na iyon, mistulang bigla itong nataranta. Maging siya ay tumayo narin.

There was a tall, middle-aged, blonde woman walking briskly towards their direction. Napalunok siya. May kung ano sa prisensiya ng babae ang bahagyang nakapagpangamba sa kanya. Kasama nito ang kapatid ni Sienna na minsan narin niyang nakita noon.

"Ma? What are you-" Hindi na natapos pa ni Sienna ang sasabihin nito nang tunguin nito ang kanyang kinatatayuan at bigla siyang diretsong suntukin sa mukha. Masyadong mabilis ang lahat. Sa isang iglap, napasadlak siya sa lupa.

"Tita!"

"Ma!" Halos magkapabay na sabi ng magkapatid habang siya ay hindi makahuma sa kanyang kinasasadlakan.

Ang totoo ang matinding hilo ang naramdaman niya at sa huli ay doon lamang niya naramdaman ang sakit mula sa suntok ng ginang. His nose was bleeding. Hindi niya akalaing mapapadugo ang ilong niya ng isang ginang.

"Ma, please.." Sienna blocked her mother's way towards him when she tried grabbing him again.

"Tita please, kumalma po kayo.." Pakiusap naman sa babae ng kapatid ni Sienna.

"Lily told me everything. Siya ang dahilan kung bakit nalaglag ang apo ko!" Akusa pa nito sa kanya.

"I'm sorry Sien, Tita caught me going here. I didn't she followed me. I've no choice but to tell her the truth about the baby. Pero hindi ko pa nasabi sa kanya kung sino ang ama ng bata." Paliwanag pa ni Lily.

"Ma.. Vito is not the father.."

"I don't understand." Napatigil ang ginang nang sabihin iyon ni Sienna

"I said.. he's not the father."

"If it's not him, then who?" There were a long silence before anyone could utter a word again.

"OUCH!" Hindi mapigilang daing ni Vito habang ginagamot ng kapatid ni Sienna ang gilid ng labi niyang pumutok dahil sa lakas ng suntok ng ina ng mga ito.

"Pasensiyahan mo na si Tita. She wasn't usually like that. She's actually very nice it was just that.. we came off the wrong start. It was my fault, I should've been more careful. Hindi sana niya ako nasundan kanina sa simenteryo.

Flademian Monarchy 9: Sienna JaneWhere stories live. Discover now