VI

215 4 0
                                    

Hindi tiyak ni Sienna kung paano siya natunton ni Dalton sa Tokyo ngunit batid din niyang hindi imposible iyon para sa lalaki. Ngayon ay mugto ang kanyang mga mata at nanakaupo mula sa malaking distansiya sa pagitan nilang dalawa dahil ayaw niyang lumapit sa kinauupuan nito.

She didn't want to be near him. Infact, she didn't wanna go home with him now! Lamang ay wala siyang pagpipilian sa ngayon. She sighed, trying to suppress her anger towards that man sitting not too far from her. Naiinis rin siya dahil sa wala siyang magawa ngayon

They were on Dalton's jet, flying back to Flademia. Hindi niya akalaing makakaramdam siya ngayon ng ganoong klaseng hatred para sa isang tao, lalo na't para sa lalaki. She was very happy, until the moment he called her name.

Bakit pa kailangan nitong dumating at sirain ang kanyang kasiyahan gayung ito rin naman ang siyang dahilan kung bakit siya nagdesisyon noon na biglaang umalis nalang Flademia? She exhaled exasperatedly. Nagpapasalamat nalang din siyang hindi nito pinilit ng lalaking magtabi sila ngayon sa upuan.

Sa totoo lang ay sobrang bigat ng pakiramdam ngayon ni Sienna at alam niyang kaunti nalang ay maiiyak siya na ngunit labis niyang pinipigil iyon dahil ayaw niyang makita ni Dalton na naapektuhan siya sa ginawa nito.

As she looked at Dalton now, all she was seeing was a different person. Parang hindi na niya ito kilala. But the she realized that she never really knew the real him until the night she heard him talking with his sister, Dominique.

Marahil ay iyon talaga ang totoo nitong pagkatao, na hindi lamang niya agad nakita noon pagkat bulag siya sa pagtingin niya para dito at sa paniniwalang may ganoon rin itong pagtingin para sa kanya. She was a fool, clearly.

Marahil ngayon ay sobrang masama ang loob sa kanya ng mga kasamahan niya sa barko. Ni hindi niya nagawang magpaalam sa mga ito lalo na kina Tasha, Dino at sa iba pang mga tao roon na naging kaibigan na niya kalaunan.

That was all because Dalton threatened her that if she didn't go home with him that instant, he would buy the whole shipping and cruise line and would make sure everyone who worked there would lose their jobs. She couldn't believe it herself but he actually said that to her.

And she knew it was not just threat. Alam niya ang kapabilidad na kayang gawin nito, maging ng pera at kapangyarihan na meron. Madali lang para dito na gawin ang lahat ng iyon. Iyon lang naman kasi ang dahilan niya para pumayag siya na basta nalang abandunahin nalang ang taong para nang naging pamilya niya.

Hindi niya kayang mawalan ng trabaho ang mga ito lalung-lalo na kung dahil sa kanya. Hindi niya masisisi ang mga ito kung sakali mang magkita silang muli at masama parin ang mga loob ng mga ito sa kanya. Maliit na sakripisyo lang naman iyon kumpara sa kung anong nakasalalay sa hindi niya pagsama kay Dalton kung sakali.

Noon pa man ay alam naman niya kung gaano ka-ruthless na negosyante ang lalaki ngunit sa nasasaksihan niya ngayon, tila nagsisimula na siyang makaramdam ng takot dito. He would really do anything just to get what he wanted. Wala itong pakialam kung may masagasaan man ito o masaktan na iba.

Napalingon siya ng tingin nang maramdaman niyang bahagyang lumundo ang upuan sa kanyang tabi, naroroon si Dalton at tinabihan siya. Ano naman ang kailangan nito sa kanya ngayon? Tumikhim ito.

"Who was that guy?" Biglang tanong nito. Hindi niya inasahang iyon ang unang lalabas sa bibig nito.

"I thought he already introduced himself to you?" She didn't wanna sound like sarcastic but it came out that way. Mukhang hindi iyon inasahan ng lalaki mula sa kanya.

"That Vito guy, who was he to you? Who's he in your life?" Tanong muli nito ngunit nang pagkakataong iyon ay may awtoridad na ang tono nito na tila ba inuutusan siyang sagutin ang tanong nito ora mismo.

Flademian Monarchy 9: Sienna JaneWhere stories live. Discover now