I

312 11 0
                                    

"Here." Iniabot ni Ate Lily kay Sienna ang dala-dala nitong inhaler nang mapansin nitong lalo na siyang nahihirapang huminga habang lumilipas ang mga minuto. Nasa kotse silang dalawa ngayon ng kanyang kapatid, hindi niya tiya kung saan sila tutungo.

Agad na kinuha ni Sienna iyon at agad na ginamit. It has been eight years since the last time she used one. Matagal na siyang hindi inaatake ng kanyang hika ngunit dahil sa distress na dala sa kanya ngayon ng kanyang nga natuklasan tungkol kay Dalton, labis ngayon ang paninikip ng kanyang dibdib at halos hirap na hirap siyang huminga.

Dalton sent her a message, asking her where she was. Batid niyang nakita na nito ang resignation letter na iniwan niya sa kanyang condo unit, kalakip ang kopya ng susi sa penthouse ng binata.

Hindi na niya nagawang makapag-isip pa nang tama kanina. Labis siyang nadala ng kanyang damdamin, hindi na niya nagawang kumalma pa at umalis na lamang na wala man lang ni isang ideya si Dalton sa sakit na idinulot nito sa kanya ngayon.

She didn't say much when she wrote him the letter . She just said that she was breaking up with him. Ang sabi lang niya ay nagsasawa na siya sa relasyon nilang iyon na puro pagkukubli. Hindi niya sinabi ritong natuklasan na niya ang tunay na balakin nito sa kanya. Ngayon, batid niyang hindi malayong pinaghahanap na siya nito, base narin sa ilang missed call at unread messages nito sa kanya.

And as for her sister, she believed she owed Ate Lily the truth. Sinabi niya rito kung anong relasyon ang meron sila ni Dalton. Ang akala niya ay kagagalitan siya nito, susumbatan kung bakit hindi nalang siya nakinig sa mga payo sa kanila ng kaniyang ina. Bagkos, inakap lamang siya nito at sinabing hindi nito hahayang makalapit pang muli sa kanya ang lalaki kahit anong mangyari.

Halos kalahating oras pa ang lumipas nang makarating sila sa pinakamalapit na pier mula sa Metro Primo, ilang kilometro lamang ang layo nito mula sa mismong siyudad.

Ang sabi ng kanyang Ate Lily, mainam ng sa barko siya sumakay kung nais niyang hindi matunton ni Dalton. Mabuti na lamang at naisip iyon ng kanyang kapatid pagkat siya mismo ay halos tuliro na, labis paring naapektuhan nang dahil sa ginawa ni Dalton sa kanya.

All she was thinking about was why did Dalton want to use her? Ah, it was because of Mitchell Horecois' money, the money that she knew nothing about. Apparently, Dalton wanted to get it back and she was the key to do that. Through making her fall in love with him and marry her eventually. Hindi niya alam kung magpapasalamat ba siyang hindi siya nito inaya agad ng kasal. Muli, parang nais na naman niyang umiyak.

Hanggang ngayon, may isang bahagi parin niya ang tila ayaw paring maniwala na kayang gawin iyon ni Dalton sa kanya. Ang lokohin at paniwalain siya para sa sarili nitong kapakinabangan. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. She had to be strong, she told herself. Wala naman siyang ibang maasahan ngayon kung hindi ang kanyang sarili.

Habang naghahanap ng ticket sa pagsakay niya sa barko ang kanyang kapatid, minabuti ni Sienna na bumaba na muna ng kanilang sasakyan at mamili narin ng ilang mga gamit. May mga bagay kasi siyang hindi nadala nang mag-impake siya ng mga gamit niya kanina.

Papasok na sana siya sa isang boutique shop nang makabangga niya ang isa sa apat na lalaking naka-unipormeng puti na pakiwari niya ay nagtatrabo sa isa mga barkong nakadaong doon. Napaupo siya sa laki ng bulto ng nakabangga sa kanya. Hindi naman siya napaano at agad ring nakatayo.

Nang tignan niya ang lalaki ay tila siya pa ang nakagawa rito ng kasalanan gayung ito naman ang nakabunggo sa kanya. Nakakunot noo nito na tila may hindi magandang itong nais sabihin sa kanya. She didn't know the guy personally but she could that he was rude already.

"Well.. aren't you going to apologise? I almost hit my head in the pavement?" Mahinahon niyang tanong rito. Hindi niya akalaing pagak namang tatawa ang lalaki dahil doon. Halos mapanganga siya. She couldn't believe the nerve of that guy!

Flademian Monarchy 9: Sienna JaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon