V

217 3 0
                                    

Vittorio sighed smilingly when he looked at Sienna, trying her best to learn skiing. He was not that far away from where she was standing. Kasama nila roon sina Pier, si Tasha at ilan pang staff sa kanilang barko. Sa isip-isip niya ay kontento na siya sa kanyang kinatatayuan, na ang makitang nag-i-enjoy ang dalaga sa kanilang munting bakasyon ay ayos na sa kanya.

All of them, including the other staffs and crews went to Mt. Fuji after they arrived at the port. Ang Japan na ang huling destinasyon nila na pagdadalhan nila ng mga cargo, pagkatapos niyon ay maglalayag na ulit sila pauwing Flademia at doon ilang linggong mag-aantay bago muling maglayag patungo sa ibang bahagi naman ng mundo.

Naisip niyang kapag nakauwi na sila sa kanilang bansa, maaaring hindi na niya muling makita pa si Sienna. Kaysa maging malungkot sa isiping iyon ay naisip niyang gawing memorable nalang ang experience nilang iyon para sa kanilang lahat. Para narin sa mga tauhan niya na batid niya kung gaano kasipag at kadedikado sa trabaho, regalo na niya ang limang araw na bakasyon na iyon para sa kanila.

"Let me help you." Vito said to Sienna when he finally got near her, and before she could insist, he already knelt down and fixed her loosened ankle strap of her skis. Baka maaksidente pa ito kung mag-i-ski ito nang maluwag pa ang strap sa paa.

"Thank you." Nakangiting tugon nito sa kanya. Parang nais niyang mapakamot ng ulo sa harap nito.

"You're welcome." Sabi niya rito, tila nahihiya. Sa totoo lang ay parang nais niyang dagukan ang kanyanh sarili. Kailan pa siya nagkaganoon? At sa harap pa ng isang babae! Ano bang nangyayari sa kanya?

Maybe because over time, he have grown quite fond of her. He liked her that much that now, he has a crush on her. Nais niyang mapailing sa kanyang sarili. Para siyang nagbibinata na hindi malaman.

Ngunit hindi rin naman niya masisi ang sarili. Nang nagkaroon siya ng pagkakataong makilala si Sienna, napatunayan niya sa kanyang sarili na mahirap talagang hindi ito magustuhan bilang tao. Maging ang gustuhin, bilang isang babae.

"Let me help you as well." Nawala naman ang kanyang ngiti nang marinig iyong ihirit ng kanyang na si Pierre sa isa sa mga kitchen staff niya na si Tasha. Tila ginaya pa nito ang tono ng kanyang pananalita.

"No way." Isang nakasimangot na tugon lang ang isinagot ng kanyang staff sa kanyang kapatid nagsimula na itong mag-ski papalayo kay Pierre. Napakamot nalang ng ulo ang kanyang kapatid dahil doon at hindi nagtagal, umalis narin ito roon.

"What's their deal?" Hindi niya maiwasang itanong kay Sienna nang silang dalawa nalang ang natira sa pwesto nilang iyon.

Matagal na niyang napapansin na tila kulang sa pansin ang kanyang kapatid kapag nasa paligid si Tasha. Lamang ay hindi niya ito magawang bigyan ng pansin noon pagkat wala naman siyang pagkakataong tanungin ang mga taong nakapaligid sa mga ito sa kung ano talaga ang namamagitan sa dalawa .

Sa napapansin niya, umaarteng parang bata ang kanyang kapatid na nagkulang sa atensiyon habang lumalaki. Pierre was never like that before. In fact, his brother took himself too seriously that it annoyed him sometimes. But now, Vito just witnessed a different side of him.

"I don't know." Sagot ni Sienna sa kanya bagaman nakangiti. Pawang  may laman ang mga ngiti nitong iyon.

"You sure?" Paninigurado niya. Nakangiting tumago lang ito sa kanya.

"Hey.. I've been thinking about this since two days ago. Hindi ko alam kung dapat bang tanungin kita. It's just that, bothered me so much and It almost didn't let me sleep last night. Pero 'wag nalang. I don't want you think that I'm ungrateful or anything like that.. I just don't want you to be offended." Pag-iiba ng paksa ni Sienna mayamaya, mukhang ganoon na nga lang ang pagkabagabag nito sa kung ano na gumugulo sa loob nito upang hindi na ito makatiis pa.

Flademian Monarchy 9: Sienna JaneWhere stories live. Discover now