"Dios mio! Erienna, anong nangyari sa 'yo?" Tarantang lumapit sa kaniya si Aling Using--ang nagmamay-ari sa aso at sa pet shop--at hinaplos ang kaniyang mukha. Natigilan siya nang maramdaman ang mga kamay ng matanda.

Kahit ni isang beses, 'di ko naranasang hawakan nang ganito ni Tiya.

"O-okay lang po--"

"Anong okay? Okay 'yan?" Turo nito sa mukha niyang nagkapasa. "Halika't gamutin natin iyan." Hinila siya ni Aling Using papasok sa pet shop.

Habang ginagamot siya ng matanda, hindi mawala ang ngiti sa kaniyang labi dahil naaaliw siya sa iba't ibang hayop na nasa loob ng pet shop.

Simula pa noong bata siya ay mahilig na talaga siya sa mga animals. Sa tuwing nakakakita siya ng mga hayop, lalo na 'pag aso, natutuwa siya at para bang nawawala ang lahat ng mga problema niya. Animals for her were like her escape way to forget her problems even just for a moment.

"Binugbog ka na naman ba, hija?"

Tumango siya bilang sagot.

"Hay nako talaga 'yang tiyahin mo 'di na naawa sa'yo," alalang saad ng matanda sa kaniya.

Alam ni Aling Using ang mga pinagdadaanan nito. Ilang beses na rin nilang sinumbong ang kaniyang tiyahin ngunit dahil sa malakas ang kapit nito sa mga nakatataas, hindi nila ito magawang ipahuli.

"Ahm, Aling Using, p-puwede po bang dito po muna ako magpalipas ng gabi?" nahihiyang tanong niya.

"Aba'y oo naman, hija."

Napangiti siya at napayakap sa kabaitan ng matanda. Laking pasasalamat niya rito dahil palagi siyang tinutulungan nito at inaalagaan din siya na para bang isang tunay na anak.

---

TINULUNGAN niya ang matandang magsara ng shop. Naunang pumasok si Aling Using sa loob, susunod na sana siya nang mapansin ang asong si Kibi na tumawid sa kalsada.

"Kibi!" tawag niya rito pero hindi nakinig ang aso at naglakad ito patungo sa mga mayayabong na damuhang nasa gilid lang ng kalsada.

Sinundan niya ito at nang makarating siya ay agad niyang tinawag ang pangalan ng aso.

"Kibi!" Sabay hawi niya sa mga nagtataasang damuhan, ngunit imbes na isang aso ang sumalubong sa kaniya, mga higanteng puno ang nakita niya. Nalilito siya kung babalik ba siya sa shop dahil gabi na rin naman at baka mag-alala si Aling Using o magpatuloy at hanapin ang aso.

Bumuntonghininga si Erienna.

Ayaw naman niyang pabayaan na lang at iwan ang maliit na asong si Kibi, kaya kahit na medyo natatakot siya sa dilim, pinili niyang magpatuloy at sinuot ang kagubatan.

"Kibi!" paulit-ulit na tawag niya rito ngunit hindi pa rin niya ito mahanap. Malayo-layo na rin ang nalakad niya at hindi na niya makita ang daan pabalik dahil sa dilim. Sana pala nagdala siya ng flashlight.

Unti-unti siyang nakaramdam ng kaba.

"Did you catch it?" Isang baritonong boses ang nakapagpatigil sa kaniya.

Nilingon niya kung saan nanggaling ang boses. Nahagip niya ang tatlong lalaking nag-uusap hindi kalayuan sa kinatatayuan niya. Hindi niya masyadong maaninag ang mga mukha nito pero kita niya ang ganda ng tayo at hubog ng kanilang mga katawan.

"Sorry, Uno. N-nakatakas, e."

"Fuck! You useless creatures!" sigaw ng lalaking tinatawag nilang 'uno'.

She almost jumped in surpise when the guy growled and in just a snap, he turned into something unexpected.

Nagitla siya at napaawang ang mga labi.

Ang kaninang matipunong katawan ng lalaki ay unti-unting lumalaki at naging mabalahibo. Kitang-kita niya rin kung paano lumabas ang matutulis nitong mga kuko at matatalim na mga ngipin.

The guy growled one more time, sending shivers down to her spine. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakita. The guy just transformed into a very big monster! Hindi niya inaasahang makakakita siya ng isang nilalang na ang akala niya'y nag-e-exist lamang sa mga fairytales and books.

W-werewolf!

"Anong . . ." Napaatras ang dalaga at aakmang tatakbo nang bigla siyang matisod sa ugat ng puno dahilan para bumagsak siya at makalikha ng ingay.

Napapikit si Erienna.

But as she opened her eyes, a pair of deep blue orbs met her not so light chocolate ones. Nanigas siya nang nasa harapan na niya ang isang napakalaking lobo at matalim itong nakatingin sa kaniya. Hindi niya magawang ikurap ang mga mata. Nakatitig lang siya rito at sa peklat sa kanang mata ng lalaki na nakakuha sa kaniyang atensyon. Bumuga ito ng hangin at dahil sa malapit lang ang kanilang mukha sa isa't isa, napapikit siya sa lamig na dala nito.

The werewolf let out a deadly growl making her heart beat faster than usual.

Aatakihin pa yata ako nito!

Hindi siya makagalaw dahil natakot siya na baka isang maling kilos lang niya ay sasakmalin siya nito. Kitang-kita pa naman niya ang mga matutulis nitong mga ngipin. Kapag kinagat siya, talagang magkakagutay-gutay ang maliit niyang katawan. Kahit na hirap na hirap na siya sa buhay, hindi naman pumasok sa isip niya ang magpakamatay kaya hindi niya hahayaan ang sariling makain sa dambuhalang hayop na nasa harapan niya.

Lord, 'wag po sana akong kainin ng nilalang na ito, gusto ko pa pong mabuhay!

"Who are you?" Ang mga katagang lumabas sa bibig ng nilalang na tuluyang nakapagpahina sa sistema ng dalaga.

Werewolf's Lullaby (Werewolf Trilogy Book 1)Where stories live. Discover now