RHEIGN's POV

Mabilis naming tinatapos ang lahat ng nadadaanan namin na kalaban. Naghiwa-hiwalay kami para mas mapabilis ang mission. Bago ako makarating sa dulo ay may nag-aabang na sakin, yung isa sa tatlong body guards ni Mr. Folk. He just stand there staring at me. I prepared myself for a battle. Nauna na akong sumugod sa kanya. Iniiwasan niya lang ang mga suntok ko. Naiinis ako kasi hindi siya lumalaban sa akin kaya mas binilisan ko pa ang galaw ko. I targeted his mask. I need to know who is this jerk. Before he can stop me, nahawakan ko na agad ang maskara niya. When he looked at me, I thought my world stopped at the moment. I can't believe what I'm seeing.

"Jared?"
"Mia... Ahmm.. Long time no see?" Medyo patanong pa niyang sabi haban alanganing nakangiti. At dahil sa sobrang inis ko, binato ko siya ng isang shuriken. Didn't I mention that I love shurikens? If not, now you know. Kahit na nakaiwas siya ay nadaplisan pa rin siya.
"Jerk!" Sigaw ko at agad na siyang sinugod.
"Hey Mia, relax." Sabi niya habang umiiwas lang sa mga tira ko kaya mas lalo akong nainis. Nang makahanap ako ng butas ay agad ko siyang sinipa. "Wait Mia, wala akong balak na saktan ka." Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.
"And do you think I'll believe you?"
"If you don't believe me then kill me now." Tiningnan ko siyang mabuti. Tinimbang kung papaniwalaan ko ba siya o hindi. "If I really want to hurt you, kanina ko pa dapat ginawa nung sumugod ka pa lang.
"Fine, make sure of it or else, I'll send you to hell." Tinaas naman niya ang mga kamay niya.
Sh*t! Kailangan ko na palang puntahan si Ice.

Hindi ko na pinansin pa si Jared at nagmamadali akong tumakbo papuntang roof deck. Bahala na siya sa buhay niya. Pagdating ko dun ay wala ng bakas ni Ice. Tanging si Mr. Folk at mga tauhan niya lang na lahat ay patay na.

"Where's Jhancer?" Rinig kong bulong niya. Ha? Sumunod pala 'to sakin.
"Who's that?" Tanong ko rito.
"Isa sa kasamahan ko na nakamask din." Hmm... Nakita ko yung mask na katulad sa kanya.
"Baka nakatakas na or worst is he's already dead since si Ice ang nakalaban niya."
"Hindi maaari. She can't do that." Bago pa man ako makapagtanong kung bakit ay dumating na sina Poison.
"Blood!!!" Sigaw niya na may kasama rin na lalaki. I think isa rin 'to sa tatlong nakamask na katulad ng sa ugok na nasa likod ko. "Where's Ice?"
"Hindi ko siya naabutan. Kakarating ko lang din."
"Jared! Where's Jhancer?" Rinig kong tanong nung kasama ni Poison.
"Wala rin siya dito." Umiiling na sagot ni Jared.
"Who is he?" Tanong sakin ni Poison ng makalapit siya sabay nguso sa lalaking kasama ko.
"Ex." Walang ganang sagot ko
"Ohhh!!!"
"Him?" Pabalik kong tanong sa kanya.
"Ex also." The hell. What a small world.
"Guys!!!" Sigaw ni Phantom.
"Where's Ice?" Umiling lang ako. Tinatamad na ako magsalita eh.
"Wala siya dito ng dumating kami." Si Poison na lang ang sumagot sa tanong niya.

Inilibot pa namin ang aming paningin sa buong paligid bago magdesisyon na umalis na. Bago ako sumakay sa sasakyan, nagdesisyon ako na tawagan muna si Kuya Axel. Sinabi ko rin sa mga kasama ko ang balak ko. Nakailang tawag pa ako bago ito sumagot.

"WHAT?!" Sigaw nito kaya nagulat ako.
"THE HELL KUYA!!!" Sigaw ko rin sa kanya. Nagulat din naman ang mga kasama ko sa biglaan kong pagsigaw.
"Blood?" I'm sorry... I'm just..."
"Something wrong?"
"Done with the mission?" It's obvious na ayaw niyang sagutin ang tanong ko.
"Yeah. Wala dito si Ice."
"She's here. You can go back." Hindi na ako nakasagot dahil pinatayan na niya ako ng tawag. I think there is something wrong.
Sinabi ko sa mga kasama ko na nasa HQ si Ice. Kanya kanya na silang sakay sa kanilang mga sasakyan. Papasok na rin sana ako ng makita kong nakatingin lang sakin si Jared. Haist! Nandito pa pala itong unggoy na 'to. Wala ba siyang sasakyan?
"Uhm... Can I---"
"Fine! Get in!" Sigaw ko kaya di na niya natapos ang sasabihin niya.

Tahimik lang kami buong biyahe. Ayoko siyang kausapin kasi baka maipadala ko siya sa impyerno ng wala sa oras. Mabilis din ang naging byahe namin. Tiningnan ko siya dahil baka mamaya deads na pala 'to. Medyo natawa pa ako sa itsura niya. Para kasing tinakasan ng kaluluwa sa sobrang putla. Anyare dito? Dahil kaya sa bilis ng pagpapatakbo ko? Hindi ba 'to sanay sa 200kph? Tsk!

Dumiretso kami kung nasaan si Blood. Dito kasi kami tinuro nung nag-assist sa amin.

"Waaaaah Ice, akala ko kung ano na nangyari sa'yo." Sigaw ni Poison.
"What happened?" I asked. "Nung dumating kami sa roofdeck, katawan lng ni Mr. Folk at mga tauhan nila ng nandun."
"Where is Jhancer?" Tanong ni Jared pero tiningnan niya lang kami.
"Dalawa sa tatlong nakamask na guards ni Mr. Folk and also Poison and Bloody's exes." Si Dark na ang nagsalita. Tumango lang naman siya.
"Wala kasi ang katawan niya dun sa area." Saad naman nung isa ex ni Poison. Hindi ko pala natanong ang name para may maipang-asar ako sa kanya. "Nakaligtas rin ba siya?"
Hindi naman sumagot si Ice. Tunungo lang siya. I think something happened kaya hindi niya masagot ang tanong ni Jared. At saka parang hindi rin maganda ang lagay niya.
"We should let her rest first. We'll be back later." Sabi ko saka tinulak sila palabas. Bago namin isara ang pinto, Poison and I gave her a faint yet comforting smile. Alam namin na ayaw niyang nakikita namin siyang mahina. Saka na namin siya kakausapin kapag mabuti na ang kalagayan niya.
"Kailangan na rin nating umuwi. Saka na lang tayo bumalik kapag ok na si Ice." Saad ni Phantom.
"Yes. Wag na rin muna tayong dumaan kay Kuya, mukhang di wala din siya sa mood. Dark, call Gie na sa bahay na tayo magkita kita."
"Ok Blood."
"I'll call Queen to report." Sabi naman ni Poison. Tumango lang ako bilang sagot.
"Uhm...Mia?" Nilingon ko naman siya and gave him a questioning look. "Can we talk?"
"Let's talk tomorrow. I'm tired."
"Ahh. Okay. This is my number. You can send me the details for tomorrow." Inabot niya sakin ang isang papel. Mukhang handa siya at alam niya na magkikita kami pero paano. Ang daming tanong sa utak ko pero wala na akong lakas para kausapin pa siya.

Sabay-sabay na kaming lumabas ng HQ. Natawagan na rin ni Poison at Phantom sina Ate Vhien at Gie. Dumiretso na kami sa parking lot. Nakatayo lang yung dalawang Exes namin at tinitingnan kaming sumakay ng sasakyan.

"Use my car." At binato ko sa kanya yung susi. Nagtataka man ay nasalo niya pa rin iyon. "Return it tomorrow." Sumakay na rin ako sa sasakyan ni Poison. Wala naman siyang any violent reaction at tahimik lang na nagdadrive. So much for today.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BEHIND THOSE PRETTY FACESWhere stories live. Discover now