CHAPTER 3

224 5 0
                                    

JASPER's POV

"Bro, seryoso talaga si Ate Sky na siya ang adviser natin?" Di makapaniwalang tanong ni Sean.

"Tss! Tanga ka ba, hindi mo ba nainitindihan ang sinabi ni Ate Sky kanina o gusto mong ulitin ko pa sa'yo?" Sagot naman ni Zian.

"Eh! Sabi ko nga. Ano ng gagawin mo Jasper?"

"Wala. No choice naman ako eh. She owns this school so it means siya ang batas."

"Pero alam niyo ba, ang pinagtataka ko lang eh bakit kilala niya yung isang babae kanina?" biglang sabi ni Zian.

"Yun bang magandang babaeng huling nagpakilala? Ano nga bang pangalan nun? She... Shai... Ay basta yun na yun." Yun din ang iniisip ko kanina pa. Sino ang babaeng yun? Bakit kilala siya ni Ate Sky? At isa pa, nagiging childish si Ate eh sakin laging monster side ang pinapakita niya?

"Sa tingin mo Jasper?"

"Malay ko ba?!" 

          By the way, I'm Jasper Ian Kim. Older sister ko si Skylar Haevien Kim, yung professor namin at tulad ng nabanggit ko kanina, owner ng school na 'to. Half-Korean and Half-Filipino kami like Sean while Zian is Half-Chinese and Half-Filipino. Mom namin ang mga pinoy and dahil takot ang mga tatay namin sa kanila, sila ang nasusunod. Ang daya lang talaga! About dun sa babae kanina, matanong ko na lang siya kay Ate Sky mamaya pagdating sa bahay. Naglalakad na kami sa may corridor ng magsigawan na naman ang mga babae dito. Aish! Hindi na ba sila nasanay sa presence namin. Tsk! Heto namang dalawang baliw, may pakindat-kindat at kaway pa. Cassanova kami pero ibahin niyo ako, di ako nagpapacute kundi mismong babae ang lumalapit sakin at saka may standards ako nuh! Hindi katulad ng dalawang yan. Tsk!

"Knights, samin na lang kayo..."

"Free kami later Knights!" mga desperada talaga. Mga mukhang clown naman. Sa totoo lang, school ba ito o baka naman circus? Bahala nga sila dyan. Dumiretso na kami sa cafeteria. Kanina pa kasi nagrereklamo yung dalawa na hindi daw sila nakapgbreakfast. Kasalanan ko ba kung masyado silang excited na makakita ng magagandang chicks. Tsk!

RESSE's POV

          Ako muna ulit ang magp-POV ah... Tamad kasi yung dalawa kong kasama at masyado namang madldal 'tong isang bakla. Haha...

          By the way, nandito na kami sa cafeteria. Buti na lang at may nakita pa kaming vacant. Pansin ko lang, parang walang gustong umupo dito tapos pinagtitinginan pa nila kami. Alam kong dyosa kami kaya pwede ba na wag ng pagdiinan. Joke!

"Grabe lang ha, di ba nila tayo tatantanan sa kakatingin? Ngayon lang ba sila nakakita ng tunay na Dyosa?" reklamo ni Gianna. Kakasabi ko lang nyan bakla.

"It's annoying!" Rheign commented while Relle is just eating with pokerface. Wah pakels sa surroundings.

"NANDYAN NA ANG MGA KNIGHTS!!!" Biglang sigaw nung isang babae. Tss! Who cares? Makakain na nga lang.

          Mayamaya, biglang lumapit samin yung mga sinasabi nilang prince na may dalang pagkain. Anong problema ng mga 'to eh may vacant pa naman na table? Oh baka naman, may gusto ang mga 'to samin?

(sige lang Yeresse, umaapaw ang self-confidence. Kapag ba lumapit, may gusto na agad?)

Waah! Bakit ganyan ka Ms. Cutie Author, lagi mo na lang akong binabara. Huhu... TT∩TT Isumbong kita dyan kay Relle eh.

(Kaya mo? Baka gusto mong mawala ng maaga? Sabihin mo lang, madali akong kausap.)

Joke lang Ms. Cutie Author. Hindi ka na mabiro. Sige na nga, I'll behave na.

"Anong need niyo mga papa?" Tanong ni Gianna. Ai!!! Ang landi lang?

"Umalis kayo sa table namin!" Sabi nung mukhang puyat. Ang laki ng eyebags eh. Haha... Ang bad ko ba? Sorry, ganito talaga kami di ba Ms. Cutie Author?

"Is your names written in here?" Mataray kong tanong. Aba, kami ang nauna tapos ganun lang, paalisin kami na parang aso. No way!

"Wala pero sa amin ang pwestong yan."  Sagot naman nung rainbow-haired guy. Ang weird lang ha!

"Who told you?"

"Hindi mo ba kami kilala? Simula high school, yan na ang pwesto namin. Baka gusto niyong mapaalis ng maaga dito?"

"We don't care. We got here first so find other table."

"You really don't know us huh?!" Angas nitong blonde hair na 'to ah. Aba, at nagsmirk pa. Kami ang hindi nila kilala at wag na nilang subukang kilalanin at baka magdisappear silang lahat ngayon.

"Don't state the obvious." Naks, si Gianna oh, nagtataray mode na rin. Kaasar kasi!

"If that's the case then we'll introduce ourselves to you. Just make sure you won't regret it!"

"Asa pa nuh?!" Sagot ni Gianna girl.

"I'm Zian Timothy Huang known as Cold Phantom." Pakilala nung may eyebags.

"Sean Henry Oh, the one and only Black Phantom." Sabi naman nung rainbow-haired guy and lastly, the blonde guy.

"I'm Jasper Ian Kim, the owner of this school's Skylar Haevien Kim's younger brother and I'm Dark Phantom Prince, leader of the Dark Phantom Knights." Hmm... Interesting sila huh?

"Oh? Gangsters? Should we run now?" Gianna said and take note the sarcasm in his voice.

          Napatingin naman sa kanila sina Relle at Rheign bago ituloy ang pagkain. Tapos yung mukha nung talong lalaki, di maipinta ang mga faces. Grabe, tatawa na ba ako. I look at Gianna at pareho kaming nagpipigil ng tawa.

"Aalis kayo o magkakagulo tayo dito? Pumapatol ako sa babae." Sabi nung Zian.

"Wait, is that eyebags? Aren't you sleeping peacefully?" Then I started laughing. Ang sama naman ng tingin niya sakin. Oopps! Do I need to hide? Hindi nila kami madadaan sa ganyan nuh?!

"Ginagalit mo ba talaga ako? Hindi yan eyebags." Bigla namang tumayo sina Relle and Rheign.

"I'm done."

"Tss! So noisy!" maglalakad na sana sila ng pigilan sila ni Zian at Jasper. Di ba, I already memorized their names. Haha... Interesting kasi sila. Pero may isang problema...

"Uh-oh!!! Wrong move!!!" Gianna commented. At tama siya. Hinawakan lang naman  nila ang balikat nung dalawa. Isa pa naman sa pinakaayaw nila ay yung hinahawakan sila ng mga strangers. I sense their dark auras that anytime, it's ready to explode.

"Hands-off!!!" may diing-sabi nung dalawa.

"Bumitaw na kayo hangga't may time pa." Pakantang sabi ni Gianna. Bahala sila dyan. Basta ako, I'll just sit back, relax and wait here on what will happen next. Haha... This is so exciting!!!

***********************************

Zian, Jasper and Sean on the side :)

BEHIND THOSE PRETTY FACESWhere stories live. Discover now