CHAPTER 11

133 3 0
                                    

RHEIGN's POV

After breaktime, naghiwa-hiwalay na kaming anim. Tambay lang sina Rose at Ria kasi di na sila nagtake ng ibang units, while kaming apat nina Relle, Reese at Gie ay pumunta na sa kanya-kanya naming room. Mamayang lunch na lang kami magkikita-kita. At kapag minamalas ka nga naman oh, laging nakasunod sakin yung bwisit na Zian na 'to. Kanina pa niya ako kinukulit eh.

"Tabi tayo Jamia ha?"

"No!" May diing sabi ko. Nilagay ko yung bag ko sa katabing upuan ko. Pinili ko kasi yung nasa uanhan pero tabi ng bintana.

"Dali na naman oh?" Aba, nakuha pang magpacute. Bahala siya diyan. I don't want to waste my time arguing with him. Pero talagang mapilit siya. Hinawakan niya ang bag ko at umupo siya. Arrggghh!!! Pigilan niyo ako at talagang masasapak ko na 'to.

"Bakit ka ba nandito?"

"Because I'm also taking this units?"

"Bahala ka nga jan. Akin na yung bag ko!" Buti na lang at ibingay niya ng maayos kung hindi, tatamaan na talaga siya sakin.

Mayamaya, dumating na rin yung professor namin. Aish! First meeting, project agad? Kabadtrip naman... Buti na lang, madali lang ang topic na napunta sakin. Sisiw na agad.

"Regarding to your project, don't worry guys, you'll work in pair with your seatmate." WHAT?! Ang malas naman.

"Ang swerte naman niya." Sa kanila na siya kung gusto nila. Tsk! May ilan namang masama ang tingin sakin. Dukutin ko mata niyo eh. Binigyan ko sila ng aking famous death glare sabay irap sa kanila. Tss...

Tahimik lang kami for the whole 2 hours maliban sa prof na naglelesoon. Alam niyo ba kung bakit? Kasi natulog lang siya the whole time. Haha... Ang cute niya nga.

... Loading ...

... Loading ...

... Loading ...

Wait... Erase, erase, erase... Wala akong sinabing cute ha. Ang umangal, may sapak sakin.

(Ai... Violent much Rheign. Paano kung sabihin kong may sinabi ka? Aangal ka? Sasapakin mo ko?)

Hehe... Siyempre hindi Ms. Cutie Author. Hindi ko magagawa sa'yo yun. Baka patayin mo agad ako sa story eh. Ok, back to reality. Balak ko na sanang iwan siya kasi tapos na ang klase at natutulog pa rin siya kaya lang, baka sabihin ng ibang tao, ang bad ko. Mabait din naman ako kahit papaano. Haha...

(At least nakakatawa ka na Rheign unlike before. Sige na, gisingin mo na ang panda na yan. Haha...)

You're right Ms. Cutie Author. Panda talaga? Sabagay, magkamukha naman talaga sila because of his eyebags. Hehe...

"Huy!" Tinapik-tapik ko yung pisngi niya.

"Hmm..." Aba, at talagang ayaw magising. Lumapit ako ng konti sa mukha niya.

*poke*

*poke*

*poke*

"Gising na." Pagmulat niya, bigla niya akong kiniss sa cheeks. Bigla naman umakyat ang lahat ng dugo sa mukha ko kaya ayun, nasapak ko tuloy. Nalaglag pa nga siya sa upuan.

"Oh My!!!"

"Woaahh..."

"How dare she..." ilan lang yan sa mga reaction ng mga classmate namin.

"Bastos!" At tuluyan ko ng siyang iniwan. Arrgghh... Humanda siya sakin. Hindi ko palalampasin ang kapangahasang yun.

(Wow Rheign, nakatikim lang ng kiss sa cheeks eh, dumideep na ang tagalog skills. Ayos ahh... Dapat pala...)

BEHIND THOSE PRETTY FACESTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang