CHAPTER 9

180 3 0
                                    

Guys, may mga inedit po ako sa ibang chapter so if you're curious kung ano yun, pwede niyo po ulit basahin pero kung ayaw niyo, i'll respect it... thank you :)

**********************************

JASPER's POV

Nandito na kami sa underground battle at nagsisimula ng maglaban ang top 4 and top 5. Pero nakatuon ang pansin ko dun sa 5 tao nakaupo sa may VIP seats. Sila ba talaga ang Deathless Angels? Sino kaya sila sa likod ng kanilang mga mask? Di bale, sooner or later, makikilala ko rin sila. Ang mahalaga nakita na namin sila ng personal at alam naming nandito lang sila sa paligid namin.

"Bro, anong iniisip mo?" Tanong ni Ace.

"Curious lang ako sa 5 tao sa may VIP seats." Pinakilala niya sakin isa-isa yung mga babae, maliban dun sa lalaki. Hindi daw rin niya kilala yun eh.

"Alam mo ba, sabi ng kuya ko, magaling daw makipaglaban ang mga yan. Walang sinasanto, mapababae o lalaki, they can kill if they want pero hindi nila ginagawa but they make sure, whoever planned to challenge them, hinding-hindi na sila makakabalik sa pagiging gangster o mas hihilingin pa nilang mamatay kaysa mahirapan. They are called legendary even if they are so young because until now, no one can beat them kahit na matagal na sila sa mundong ginagalawan natin. The only person who knew them and can beat them most especially the Heartless Angel who happened to be their leader is the the Queen of Gangsters, the Evil Queen." Mahabang kwento ni Ace. Lalo tuloy akong naging interested sa kanila.

"Really? Nakaharap na ba siya ng kuya mo?" Tanong naman ni Zian. Bakit na nakisali sa usapan ang mga 'to? Tsk! Umiling lang siya.

"Natakot siyang mapagaya sa leader nila. Simula nung labanan ng grupo nila ang Deathless Angels, bed-ridden na ito. Hindi na niya magalaw ang kanyang katawan dahil naparalayze na ito. He even tried to commit suicide para matapos na ang paghihirap niya pero di tumalab."

"Di ba grupo ng kuya niyo ang no. 1 gang dati?" Singit naman ni Sean.

"Dati, before they come and rule the gangster world. Sabi pa niya, magaganda daw ang mga yan pero masyado silang misteryoso. Ang pagkakaalam ko, may tattoo silang skull with a halo sa may dibdib nila."

"Dami mong alam ah." Pang-aasar ni Light.

"Matagal na akong nagreresearch tungkol sa kanila at nagkataon, nameet na sila ni Kuya kaya ganun."

"Focus na muna tayo sa laban. Saka na natin intindihin ang Deathless Angels. We need to win first." Seryosong sabi ko. Sabay-sabay nilang ibinalik ang tingin sa laban.

Malapit ng matapos ang laban, top 2 and 3 na ang naglalaban. Talo na kasi ang top 4 and 5. Nang mapatingin ako sa Deathless Angels, I saw her, their leader, looking at me. No, staring is the right term. I don't know what she's thinking dahil mata lang ang makikita mo sa mukha nila. But I can feel that she smirked at me. Wag kang mainip Heartless Angel, magkakaharap din tayo at sisiguruhin ko na matatalo namin kayo. Sa ngayon, kailangan muna naming harapin ang mortal naming kalaban, ang Red Phoenix. Madumi maglaro ang mga yan kaya lang, kahit anong gawin nila, hinding-hindi namin ibibigay at hahayaan na makuha nila samin ang aming rank.

Kumpara sa mga naunang laban, mas mabilis tinapos ng top 2 ang top 3. Hindi naman sila excited na makalaban kami nuh?! Pinagpahinga muna sila sandal bago umpisahan an gaming laban.

"Aish! Gustung-gusto ng lumaban ng matalo ang mga mayayabang na yan. Akala mo kung sino mga umasta eh hindi naman tayo malampasan." Asar na sabi ni Sean.

"Wag kayong masyadong hot mga bro, ilang minute na lang at tayo na ang lalaban." Sabi naman ni Light.

"Dapat hindi tayo mapahiya lalo na at nandito, for the first time ang D.A (Deathless Angels)." Singit naman ni Ace.

BEHIND THOSE PRETTY FACESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon