[ 20 ] Caught in the Act

Start from the beginning
                                    

"Tama lang ‘yan na maranasan niya din ‘yong pinaranas niya sa ‘kin."

"I’m sure na titigil din siya. Knowing her attitude, she will stop following you."

"Hindi siya titigil dahil may kailangan siya sa ‘kin."

"Talaga lang, ah? Let’s see."

"Ganun din naman ‘yong ginawa ko kay Jin nung una."

"But the case is different now. Shane is not Jin. Ang maldita naman ni Shane kumpara kay Jin kaya ‘wag mong isipin na parehas lang sila."

"Ayoko na siyang pag-usapan."

“‘Yon lang ang nangyayari?"

"Oo."

Nadidismaya si KL dahil parang napipilitan lang si Gab na magkwento sa kanya at nakukulangan siya sa kwento nito.

"Ang tipid mo naman magkwento."

"Alam ko."

Nabibitin si KL sa kwento ni Gab. Sa tuwing trip lang kasi nito magkwento, doon lang ito nagsasalita. Curious talaga siya sa kung ano ang nangyayari sa kanila ni Shane. Pumunta sila sa isang bar na lagi nilang pinupuntahan. Hanggang ngayon ay hindi pa din nagkakaayos sina Aine at Steven. Nakaupo lang silang lahat at umiinom.

"Babe, ‘wag ka ng magalit sa ‘kin. Sige ka, mangchichicks ako," pananakot ni Steven.

"Edi maghanap ka ng chicks! At kapag naghanap ka, pakidamihan, ah? Para naman may chicks din ‘tong mga kaibigan mo tutal sa ganun kayo masaya," pang-iinis ni Aine.

"Joke lang ‘yon, Aine. Ayoko naman talagang maghanap ng chicks. Alam mo na nagbago na ako at ikaw lang naman talaga, eh."

“‘Wag mo nga akong pinagloloko, Steven. Sawa na ako sa mga pambobola mo."

"Maawa ka na dyan, Aine. Kawawa naman ang kaibigan naming," hiling ni Spencer.

"Oo nga naman," pagsang-ayon ni Gab.

"Aine, babe, gorgeous, sorry na, oh. Hindi ko nga alam kung ano ang ikinagagalit mo, eh."

"Bakit ba kasi binubuking mo pa ako kay KL?!" naiinis na tanong ni Aine.

Nagtampo lang naman talaga si Aine kay Steven dahil binuking niya ito kay KL. Nahihiya kasi siya na ganun. Para kasi sa kanya, pwede naman ‘yon akuin ni Steven pero tinuro pa siya nito.

"Sorry na, hindi na po."

Niyakap ni Steven si Aine.

"Magbabati na ‘yan!" pangungulit ni KL.

"Sige na nga! May magagawa pa ba ako?"

"I love you, babe."

"I love you, too, babe."

"Ang cheesy niyo, pare! Hindi bagay sa ‘yo," pang-aasar ni Spencer.

"Lul! Palibhasa kasi wala dito ang girlfriend mo. Inggit ka lang."

Nagpatuloy sa asaran sina Steven at Spencer na lagi nilang ginagawa. Habang nag-aasaran ang dalawa ay may napansin na kakaiba si KL. Nakita niya na naman si Jichelle. Tumayo siya para tingnan iyon at hinila niya si Aine para may kasama siya sa pagsunod kay Jichelle.

Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)Where stories live. Discover now