"Why do you care anyway? I already left with you, didn't I? Ni hindi ako nakapagpaalam sa mga kaibigan ko roon dahil sa papanakot mo. I never thought you'd be like this to me. Ano bang ginawa ko sa 'yo para pahirapan mo ng ganito ang buhay ko!?" Hindi na niya napigilang bahagyang magtaas ng tinig.

Sumusobra na ito. Ni hindi man lang ito maging considerate sa kanyang nararamdaman ngayon. Hindi tumugon si Dalton bagkos muli, tumikhim lang ito.

"Because I needed something from you." He answered very casually. That was probably the most honest thing that came out of his mouth but it was the most painful thing to realize as well. Sa wakas, inamin narin nitong may kailangan lang ito sa kanya kaya siya nito nagawang paniwalain noon.

Nangilid ang luha niya ngunit agad siyang lumingon sa may bintana upang hindi siya nito makita. Tumulo man iyon ay agad din niyang pinunasan. Sa unang pagkakataon, nais niyang makapanakit ng ibang tao. Nais niyang suntukin si Dalton sa braso nito at iparamdam dito kahit papaano ang sakit na nararamdaman niya ngayon. He jusr needed her something. He never really loved her back, nor cared for her.

"Ano namang kakailanganin mo sa isang tulad ko? You got everything a person could want."

"I want you to marry me. I need your name and everything that comes along with it. It doesn't have to be because of love. I just want you to cooperate with me." Sabi nito pa nito.

Napapikit siya, nagsisimulang sumakit ang kanyang ulo, hinilot niya iyon. Labis-labis ang stress na ibinibigay nito sa kanya ngayon. She felt dizzy but more angry, at him. He was a heartless human being, why didn't she see that before? She was very stupid. Malamang ay iyon ang nakita sa kanya ni Dalton noon para siya ang puntiryahin nito. Oo nga naman, dahil madali siyang mauto.

Sa kadahilanang ayaw na niya itong makausap pa ay lumipat siya ng ibang upuan at hindi na umimik pa. Nagpapasalamat siyang hindi na siya nito kinulit pa at tumahimik nalang din hanggang sa makalapag ang eroplanong sinasakyan nila sa airport ng Flademia.

Ang sabi nito ay ihahatid na siya nito sa kanyang condo ngunit ang sabi niya ay nais niyang matulog ngayong gabi sa bahay ng kanyang kapatid na si Ate Lily kaya't wala na itong nagawa kung hindi doon siya inihatid.

Pagdating nila roon ay wala pa ang kanyang kapatid roon. Dahil sa ayaw na niyang magtagal pa roon ang lalaki, ni hindi na niya ito tinanong kung nais ba nitong inumim o kung ano pa man. She just wanted him to go as soon as possible. She just shut the door on his face without even asking him if he wanted to go in. Ngunit muli rin niyang binuksan ang pinto upang habulin ang binata na papaalis na sana.

"Wait!"

"What is it?"

"You're keys. Give me back mine as well." Mabilis na kinuha niy ang kopya ng susi ng penthouse nito mula sa kanyang bag at iniabot iyon dito at inilahad naman ang kanyang kamay upang hingin pabalik ang kopya ng susi ng condo niya na ibinagay niya rito noon.

Ilang beses na napapikit si Dalton, hindi agad, tila nabibigla sa kanyang inaasal ngayon. Ganoon pa man, wala itong nagawa kung hindi ibalik nga ang susi niya at kunin ang susi nito. Wala na siyang nakikita pang dahilan kung bakit kailangan niya pang kipkipin iyon pagkat sa tingin niya ay hindi na maaayos pa ang kung ano man ang meron sila ni Dalton.

Kung sa bagay ay wala naman talaga siyang bagay na masasabing totoong nagkaroon sa pagitan nila. Everything that happened between them was nothing but all lies and pretensions.

When he handed her her keys, that was when shut the door at his face, again but she didn't go upstairs right away. She stood there behind the door, waiting for him to finally leave. Nang narinig niya ang mga hakbang nitong papaalis, napahawak siya sa kanyang dibdib.

Flademian Monarchy 9: Sienna JaneWhere stories live. Discover now